"I'M HERE na, Mommy! Medyo OA ang text? Ten minutes late pa lang ako, o."
Sabay tingin sa wristwatch. Naabutan ko sa living room si Mommy, busy na nag-aayos ng mga cupcakes sa box. Pinaka-late kong uwi ang six PM. Alam ni Mommy na sabay kaming umuuwi ni Mart. Nakiki-ride ako sa sundo niya. Galing sa bahay ng bear friend ko, hinahatid niya ako ng bike or naglalakad lang kami. Alam ni Mommy na sa bahay lang nina Mart ako nagtatagal. Sa assignments, research, projects o sa food at kulitan lang kami busy. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay. Busy si Mommy mag-bake or mag-ayos ng mga orders sa online shop niya. Wala akong makausap. Sa bahay nina Mart may masarap na merienda na, ang saya pa. Walang dull moment everytime na nasa bahay si Mami Rossie. Tawa lang ako nang tawa.
"Late ka ng fifteen minutes, Cee." Sabi ni Mommy, nagko-close na ng box. "Kailangan ng six PM 'to."
"Nag-snacks lang, Mom. Kaya ko po 'yan ng twenty minutes. Ang lapit lang naman ni Tita Patt." Nag-text si Mommy kanina na kailangan kong umuwi para ihatid sa client ang two boxes ng cupcakes—kay Tita Patt. Sa kabilang subdivision lang ang bahay, malapit sa City proper. Friend ni Mommy na nasa Canada ang may ari ng bahay. Regular customer ni Mommy ng cupcakes ang si Tita Patt—ang isa sa dalawang nagre-rent ng rooms. "Bihis lang ako, Mom!" dumiretso na ako sa room ko, inihagis ko lang ang bag at books sa kama. Hinarap ang closet at kuha lang nang kuha ng mga nasa ibabaw—shorts at cotton t-shirt. Inabot ko ang white cap at isinuot
Lumabas din agad ako pagkabihis. Mabibilis ang hakbang ko pabalik sa living room. "COD, Mom?"
"Three hundred."
"Okay. Bye!" humalik ako sa cheek niya, kinuha ang pamasahe sa tabi ng cupcakes boxes na ihahatid ko kay Tita Patt—at tumuloy sa pinto.
Wala pang three minutes, may dumaan nang tricycle palabas ng subdibisyon. Pagdating sa kanto, nakasakay din agad ako ng jeep. Wala pang five minutes, bumaba na ako sa kanto ng Bright Homes. Tricycle uli papasok sa subdibisyon.
"Rose street, Kuya," sabi ko sa driver. Kung sa Bright Place names ng gemstone, sa Bright Homes ay mga names naman ng flowers ang bawat street. Ilang minuto lang, nasa tapat na ako ng bahay ni Tita Patt. Sabay lang nang pagpindot ko ng doorbell, may motorcycle na huminto sa tapat ng gate. Naging alert agad ang mga senses ko. Nag-observe sa next action ng sakay ng motorcycle. Maraming news tungkol sa mga riders in black lately na gumagawa ng masama. Hindi na lang basta riding in tandem, mga riders na naka-all black ang sinasabing nanloloob ng bahay, nang-i-snatch ng mga biktima sa daan at nangki-kidnap ng mga minors—at minor ako.
I moved backward—just enough distance from the rider. Makikita ko agad ang actions niya. Kung mag-attempt siya na gumawa ng kahit ano, makakatakbo agad ako—bumukas na ang gate bago pa man ako pinansin ng rider na naka-all black—jacket, jeans and helmet. Si Tita Patt ang nagbukas ng gate. Ngumiti siya sa rider na ipinasok naman sa parking area ang motorcycle.
"'Yan na ba 'yong pina-reserve ko, Cee?"
"Yes, Tita Patt. Two boxes. Assorted flavors po." Nakangiting inabot ko sa kanya boxes red boxes pero hindi kinuha ni Tita Patt. Lumingon siya sa bahay. Sumunod naman ang mga mata ko—ang rider na naka-all black, pumapasok na sa bahay. Hindi ko alam pero parang nag-react ang heartbeat ko nang mapagmasdan ko siyang wala nang suot na helmet. Nakatalikod man, kilala ko siya. Kilala ko ang built ng katawan niya, ang kilos, ang paglalakad.
Kilala siya ng puso ko!
Si Sir JV...
Pero ano'ng ginagawa niya sa bahay ng friend ni Mommy? Kakilala siya ni Tita Patt? Bakit hindi ko man lang alam?
"Tita Patt—" naputol ang dapat pagtatanong ko, nagsalita rin kasi si Tita Patt.
"Ipasok mo sa tenant sa kabilang room, Cee. Sa kanya talaga 'yan. Sa kanya mo na rin kunin ang bayad."
Kumabog ang puso ko. Tenant sa kabilang room? Si Larisse? Ang babaeng nasalo lahat nang nagsabog ng ganda si God? Parang hindi gusto ng puso ko ang naiisip kong posibilidad.
Boyfriend ni Larisse si Sir JV?
Napalingon ako sa gate. Mas gusto kong umuwi na lang kaysa ma-confirm na goddess ang girlfriend ni Sir JV. Mawawalan ako ng inspiration. Araw araw kong maiisip na hindi na free si Sir. Mas kilig kung wala siyang girlfriend. Mas masayang maging crush.
"Cee?" parang ginigising ako ni Tita Patt. Nagmukha pala akong statue. Sumenyas si Tita Patt na pumasok na ako sa bahay.
Napatango na lang ako. Bitbit ang boxes ng cupcakes, pumasok na ako. Alam ko ang pasikot-sikot sa bahay. Bago pa man naisip ng friend ni Mommy na paupahan na lang ang bahay, ilang beses na akong nakapasok. Noong nag-rent na si Tita Patt and her family, ako naman lagi ang delivery girl ni Mommy ng mga reserved products ni Tita Patt. Alam ko kung saang room ang occupied nila.
Pagtapat ko sa pinto ng room ni Larisse, mga twice akong napa-exhale. Ayokong magmukhang statue na nawalan ng oxygen sa brain sa harap nila ni Sir. Ang cruel lang ng earth. Bakit kailangan si Sir JV pa ang boyfriend ni Larisse?
Isa pang exhale bago ako kumatok. "Cupcakes delivery!" Pinilit kong maging happy ang voice. Hindi dapat affected ang business sa heart issues. Wow. Ang serious ko. Well, hindi ba serious thing ang ma-fall? First ko kaya magka-crush ng intense! "Miss Larisse?" Mas malakas na katok. "Yung cupcakes po—" bumukas ang pinto at huminto ang pag-ikot ng mundo ko.
Si Sir JV ang bumungad sa akin. Si Sir JV na obvious na kakatapos lang magbihis. Nakapambahay na—manipis na super faded grayish T-shirt at white shorts.
"S-Sir..."
"'Yan na ba 'yong cupcakes ko, Cee?" tanong niya at marahang ngumiti.
I had to check the floor. Nahulog kasi agad agad ang puso ko.
BINABASA MO ANG
15 (Published)
Fantasy**NEW RELEASE** March 7, 2018. UNEDITED VERSION. For Reb Fiction imprint. Fantasy. Teen Fiction. Naniniwala ka ba sa red string of fate na nagko-connect sa mga taong destined na mag-meet? Paano kung magising ka isang umaga na may chance kang m...