WORRIED na mga mata ni Mommy ang namulatan ko. Katabi niya si Dom na tahimik lang, nakatingin sa akin. Napalunok ako nang magliwanag ang mga mata ni Dom-liwanag na parang dumaan lang.
Naintindihan ko na. Totoo nga ang nasa panaginip ko. Totoong may ibang mundo na may koneksiyon sa mga mortal.
Totoo ang Himraya. At kailangan kong alamin kung paanong ako ang sinasabi ni Lauon na si Prinsesa Haia. Kailangan ko rin malaman ang koneksiyon namin ni Dom.
Okay ako sa thought na real princess ako sa mundo ng mga tao. Ibang usapan nga lang kung prinsesa ako ng Himraya. Hindi ko kilala ang mundong iyon. Mas gusto kong isipin na sa weird na panaginip ko lang nag-eexist ang mundong iyon na puno ng mahika at kapangyarihan. Hindi nila ako puwedeng maging prinsesa. Wala akong alam. Wala akong kapangyarihan. Wala akong mahika.
Nagkakamali si Lauon ng kinikilalang prinsesa.
"Tatawag na ako ng doctor, Cee-"
"Okay ako, Mommy," agap ko. "'Wag na po. Pagod lang 'to, Mom...effect din ng gift ko..." Alam ni Mommy na nanghihina ako kapag nagagamit ko nang hindi sadya ang kakayahan kong makakita ng pangitain. Kaya nga iniiwasan ko talaga na humawak ng kamay at tumitig sa mga mata ng kausap ko. Hindi ko kasi controlled ang paggana ng kakayahan ko. Minsan, hindi ko man gusto, dumarating na lang basta ang mga pangitain.
Inabot niya ang buhok ko at maingat na hinaplos. Nag-aalala pa rin ang titig niya. "Sigurado ka ba, Cee? Nag-collapse ka na pala sa school. Hindi ko na gusto ang nangyayari."
"I'm fine, Mom. Sasabihin ko naman kung 'di ko na kaya, eh," dinaanan ko ng tingin si Dom na tahimik lang, nagmamasid sa amin. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nagiging parang ibang tao siya tuwing kasama ako-hindi siya ang totoong Dom. Ginagamit lang ni Lauon ang katawan niya. "Gusto kong uminom, Mommy..." may kasamang lambing. Gusto kong makausap si Dom-si Lauon. May mga gusto pa akong malaman. Kailangan iwan muna kami ni Mommy sa room.
"Okay, baby," sabi ni Mom kasunod ang relieve na paghinga. "Magpe-prepare na rin ako ng snacks n'yo." Dinaanan niya ng tingin ang tahimik na si Dom bago bumalik sa akin ang mga mata. "Gusto mo talagang iwan ko na kayo?"
"Yes, Mom, please."
Tumango si Mommy at lumabas na ng kuwarto. Pagkalapat ng pinto, agad agad akong bumangon. Naupo na lang ako sa gitna ng kama.
"Lauon?" nakatingin ako sa mga mata ni Dom, gusto kong makasiguro na ang Tagabantay sa Himraya ang kausap ko.
Tinitigan niya ako-parehong titig ng green-eyed teen sa Himraya. Parang ang lalim pero blangko. Hindi pa man siya nagsasalita, alam ko nang hindi siya ang totoong Dom. "Ano ang iyong nais, prinsesa?"
"Kumuha ng snacks si Mommy," ang sinabi ko. "Kumakain ka ba ng pagkain naming mga mortal? Ano'ng pagkain n'yo sa Himraya?"
Napatitig siya sa akin. Blangko pa rin ang mukha. Na-realize ko, parang ang nonsense ng tanong ko. Mga seryosong bagay ang dapat naming pinag-uusapan.
"Ang mga Himran at Raya ay mga usok na kaisa at kalaban ng kalikasan. Walang gutom sa Himraya, prinsesa. Malaya rin kami sa lahat ng uri ng emosyong nararamdaman ng mga mortal."
"Oh..." Ako at tumango. Kaya pala ganoon ang mga mata niya. Wala silang emosyon. Wala silang pakiramdam. Mga usok na kaisa at kalaban ng kalikasan. Usok na may kapangyarihang sumanib sa mortal at kontrolin ang isip. Paano nila akong naging prinsesa? May emosyon ako! Hindi ako usok lang! "Paano...paano n'yo ako naging prinsesa? Mortal ako, Lauon. Ito ang mundo ko..."
"Hindi ikaw ang pumili ng mundong ito, prinsesa."
"H-Hindi ako? Sino?"
"Ang Reyna Hanalaya-ang 'yong ina."
BINABASA MO ANG
15 (Published)
Fantasy**NEW RELEASE** March 7, 2018. UNEDITED VERSION. For Reb Fiction imprint. Fantasy. Teen Fiction. Naniniwala ka ba sa red string of fate na nagko-connect sa mga taong destined na mag-meet? Paano kung magising ka isang umaga na may chance kang m...