"CEE! Are you okay?"
Feeling ko, mukha akong zombie na naglakad papasok sa bahay. Napansin agad ni Mommy na half-tulala at parang half-high ako. Hindi pa man ako umaabot sa mga unang steps ng stairs, tinawag na niya ako. Parang car lang na biglang tinapakan ang brake, huminto ang mga paa ko.
"I'm not, Mom..." sabi ko lang, hindi lumingon. Pagkatapos ng dalawang steps, may naalala ako. Umatras ako at bumalik malapit kay Mommy. Tahimik na inilapag ko sa center table ang payment ng cake. "Rest lang po muna ako..." Hindi ko muna sasabihin kay Mommy na nag-faint ako sa room ni Sir JV. Mabilis lang naman. Walang ten minutes kaya napigilan ko na si Sir sa gagawing pagdadala sana sa akin sa ospital.
Hindi makapaniwala si Sir nang sabihin kong normal sa akin ang manghina kapag nakakakita ako ng pangitain. Nag-share ako ang maikling details kasi literal na nakanganga siya. Parang nahirapang intindihin ang mga sinabi ko. Hindi ko gustong magpahatid pero mapilit siya. Kotse ang ginamit niya para ihatid ako. Ako ang gustong huwag na niyang kausapin si Mommy. Uulanin na naman kasi ako ng tanong ni Mommy. Pati si Beb, mang-aasar. Wala akong energy. Gusto kong magpahinga.
"Cee, ano'ng nangyari?" May diing tanong ni Mommy, tininitigan ako mula ulo hanggang paa. "Galing ka kay Patt o sa professor mo?" Medyo nagsalubong ang mga kilay niya.
"Kay Sir JV, Mom—" ang bilis niyang nakalapit sa akin, bigla niya akong hinawakan sa mga balikat. Obvious na ang pagsasalubong ng mga kilay niya.
"Ano'ng nangyari, Cyreen?" Mas mariin ang tanong. Kilala ko ang seryosong tingin na iyon ni Mommy. "May ginawa sa 'yo ang professor mo?" Ang paghigpit ng hawak niya sa balikat ko ang parang gumising sa akin. Na-process na ng magulong utak ko ang sinasabi ni Mommy. Napahawak na lang ako sa noo. Kawawa naman si Sir JV, napag-iisipan pa ng masama. Ang bait-bait ng tao.
Umiling ako agad. "Wala, Mom! Ang bait-bait nga no'ng tao. Hindi siya 'yung monster professor na magte-take advantage sa student. Ini-invite niya lang akong mag-dinner—kasi lagi na lang daw siyang mag-isa."
"In-invite mag-dinner? And then what?" Obvious na hindi niya gusto ang narinig. Hindi approved sa kanya ang pa-free dinner ni Sir. Sure ako na si Sir pa rin ang sisisihin niya kahit ako naman talaga ang ayaw tumanggi sa food.
"May mangyayari sa kanya," halos bulong na lang na dagdag ko. "Nakita ko, Mom."
Ang tagal na napatitig lang sa akin si Mommy. Parang inintindi muna ang mga sinabi ko.
"Nahawakan ko'ng kamay niya," dagdag ko na. "Nanghihina ako after 'di ba? Nag-faint ako sa room niya, mabilis lang naman. Conscious na ako bago pa niya madala sa doctor. Hinatid niya ako, Mommy."
Tinitigan muna ako ni Mommy bago nagtanong uli. "What did you see? D-Death?" Parang hirap din siyang buuin ang last word.
"Bukas na lang, Mom, please..." Wala nang lakas na sabi ko. "Ang weak ng pakiramdam ko."
Napatango na lang siya. Nakailang hakbang na ako nang tinawag ako ni Mommy. "May bisita ka pala, Cee. Nasa breakfast table sa garden. Hindi mo ba nakita? Sasabihan ko na lang na bumalik sa ibang araw."
Natigilan ako. Napalingon kay Mommy. Walang nabanggit si Mart na pupunta siya sa bahay. At bakit nasa garden? Sanay naman ang bestfriend ko na sa kuwarto ko na agad, bakit pa nag-stay sa garden?
Bumalik ako sa tapat ng bintana.
"Forty five minutes ka na niyang hinihintay," si Mommy uli sabay lang ng pagsilip ko sa blinds—napanganga ako. Ang nasa labas na bisitang nakaupo sa isa sa mga upuan sa garden ay si...
"Dom?" Nasabi kong biglang nalito. Bakit ako pupuntahan ni Dom sa bahay? At Paano niya nalaman kung nasaan ang bahay namin? Hindi ko rin maalala na nagpalitan kami ng personal information tungkol sa pamilya. Walang magsasabi sa kanya ng address ko. Bakit nasa bahay siya ngayon? At naghintay ng forty-five minutes?
Nagbalik sa isip ko ang mga nangyari sa school nang buong araw na iyon. Pumikit ako at agad ipinilig ang ulo nang makita sa isip ang nagliliwanag na mga mata niya. Balak talaga namin ni Mart na kausapin siya. Ngayon ay heto, siya na mismo ang unang lumapit.
"Mom?" tawag ko sa atensiyon ni Mommy. Naka-focus pa rin ang tingin ko kay Dom na parang statue na nakaupo. Wala siyang katinag-tinag sa kinauupuan. Nakatingin lang sa isang direksiyon, parang kino-collect ang lahat ng thoughts. "Ano'ng sinabi niya sa inyo? Ba't daw siya napa-visit?"
"Mas importante raw kaysa sa assignment," sabi ni Mommy. "Nag-away ba kayo ni Marty? Bakit hindi na siya ang ka-team mo? Hindi isa 'yan sa mga classmates mong nakita ko na last year, Cee."
"Transferee siya, Mom," sabi ko kay Mommy. And weirdo...
Gusto ko na sanang magpahinga agad. Hindi ako okay. Nanghihina ang pakiramdam ko. Ganoon naman lagi. Parang nauubos ang energy ko sa mga ganoong moment—na nakakita ako ng mangyayari sa isang tao. Hindi ko nga lang basta palalampasin ang pagpunta ni Dom sa bahay. May plans na kasi kami ni Mart—na kakausapin si Dom sa school mismo or sa weekend. Ngayon na siya na mismo ang lumapit, hindi ko dapat sayangin ang chance.
Pinilit kong maging okay kahit parang mas nanghihina ang pakiramdam ko. Naglakad ako papunta sa breakfast table sa garden.
----- :) ------
Want to read more of VA stories?
Follow. Vote. Comment. Share. :)
BINABASA MO ANG
15 (Published)
Fantasy**NEW RELEASE** March 7, 2018. UNEDITED VERSION. For Reb Fiction imprint. Fantasy. Teen Fiction. Naniniwala ka ba sa red string of fate na nagko-connect sa mga taong destined na mag-meet? Paano kung magising ka isang umaga na may chance kang m...