MAY INUTOS si Mami Rosie kay Mart kaya half-way pa lang kami pauwi sa bahay, sumakay na siya ng tricycle palabas ng village. Gusto niya akong isabay pero tumanggi ako. Gusto kong maglakad na lang. Ilang meters na lang naman, gate na ng bahay namin. Ilang minutong sumagap lang muna ako ng hangin—huminga. Umaasa akong magiging okay somehow ang magulo kong pakiramdam.
Nag-vibrate ang cell phone na nasa bag ko. Si Mommy na naman ang tumatawag for sure. Magsi-six PM na kasi, wala pa ako sa bahay. Magche-check na naman siya kung nasa bahay ako nina Mart. Kinuha ko sa bulsa ng skirt ko ang cellphone—unregistered number ang tumatawag?
"Hello?"
"Cyreen?" Lalaki ang nasa kabilang linya. Wala akong ini-expect na tawag kaya naisip kong baka isa sa mga clients ni Mommy na magre-reorder at ako ang natawagan. Sa mga deliveries kasi, may mga clients na humihingi ng numbers kasi naiwala daw ang number ni Mommy. Tuwing wala akong dalang business card ni Mom, number ko na lang ang ibinibigay ko. May mga clients talaga na ako ang natatawagan.
"Yes. Who's this po?"
"It's JV, Cee."
Parang na-freeze ang kasunod kong paghakbang. Natuwa na naman ang heart ko! Naging busy ang mind ko sa mga nangyari buong araw. Hindi ko naisip si Sir JV. Gusto yata akong i-remind ng universe na huwag mag-move on sa feelings. Napakagat ako sa lower lip para pigilan ang pagngiti.
"S-Sir JV..." Ang nasabi ko lang. Ang hina ng voice ko. Baka kasi sa voice pa lang, maging obvious na ang biglang saya ko. Naalala kong nasa box din pala ng cupcakes ang number ko. Number namin ni Mommy ang ipinalagay niya para may option daw ang customers kung alin sa dalawang numbers ang mas convenient na tawagan. "About cupcakes po ba 'tong call?"
"Yes. One box, Cee. Mocha flavor. Kailangan ko within an hour. May available ba?" May isa o dalawang boxes na laging nakahanda si Mommy para sa mga biglaang orders. Hindi ko nga lang sure kung may mocha flavor pang available.
"Check ko po muna, Sir. Wala pa kasi ako sa bahay. Will text you po agad pagdating na pagdating ko—"
"Hindi ka pa nakakauwi?" putol ni Sir JV na hindi ko ini-expect. Parang nag-iba bigla ang tone niya. "Nasaan ka, Cee?" Napakurap ako sabay ng pag-awang ng bibig. Bakit parang hindi niya nagustuhan na hindi pa ako nakakauwi?
"Sa...street po namin, Sir. Few steps away sa gate namin. Bakit...bakit po?" Nagtaka talaga ako. Naisip ba ni Sir JV na naglalakwatsa ako after class? At hindi niya gusto ng student na lakwatsera?
"Saan ka galing?" Parang mas may diin ang tanong. "Alam ba ng Mommy mo na hindi ka agad umuuwi?"
Napanganga na talaga ako. Hindi ko na alam kung anong isasagot ko or ano'ng magiging reaksiyon ko sa tanong. May something kasi sa voice niya. Hindi iyon basta simpleng tanong lang. Nagulat ako na parang may pakialam siya sa mga ginagawa ko outside the school premises.
"Y-Yes, Sir. Oo naman po. I texted her. And, alam po ni Mommy na nasa kabilang street lang ako nagi-stay everytime na nale-late ako ng ilang hours sa pag-uwi."
"Sa kabilang street?" Ang eager ng tone niya. Parang hindi mapapagod magtanong hangga't hindi siya satisfied sa mga sagot ko. Nagtaka na talaga ako. Ano'ng problema ni Sir? Bakit biglang ako ang naging issue? Isang box ng cupcake lang naman ang dahilan ng tawag niya, ah.
"Sa bahay ni Mart, Sir JV..." Binilisan ko na ang mga hakbang. Nagmamadali ako sa pagpasok sa gate namin. Pagkalapat ko uli sa gate, nagpaalam na ako kay Sir JV. Hindi ko na gusto ng dagdag na tanong na parang ini-interrogate niya ako. Na parang may 'say' siya sa buhay ko or something. Mabibilis pa rin ang hakbang ko hanggang nakapasok na ako sa bahay.
"Mommy!" Pagtawag ko. Si Beb—our maid—lang ang nakita ko sa living room; nagwawalis ng alikabok sa floor. Nahulaan ko nang nasa room niya or sa kitchen si Mommy. "One box ng mocha, may available ba, Mom?" Sanay kaming mag-usap nang ganoon kapag nasa sala ako at nasa isang part siya ng bahay.
"Yes, baby! May fresly-baked sa room ko!" sagot ni Mommy. Galing sa kitchen ang voice.
"Ide-deliver ko, Mom! Now na po!"
"Okay!"
Tumuloy na ako agad sa room ko. Inilapag ko sa kama ang bag at books, nagbihis nang mabilis—jeans at sleeveless cotton shirt. Nagtali lang ako ng buhok at lumabas na uli. Dumaan ako sa room ni Mommy para kunin ang box ng cupcakes na hula ko, kaka-box pa lang niya. Hinanap ko ang mocha at inilagay sa paper bag.
Nag-send ako ng text message kay Sir JV nang palabas na ako ng bahay. "Mommy! Kina Tita Patt lang ako. 'Balik din po ako agad!"
"Ingat, baby!" sigaw din niya bago pa ako nakalabas ng front door.
BINABASA MO ANG
15 (Published)
Fantasy**NEW RELEASE** March 7, 2018. UNEDITED VERSION. For Reb Fiction imprint. Fantasy. Teen Fiction. Naniniwala ka ba sa red string of fate na nagko-connect sa mga taong destined na mag-meet? Paano kung magising ka isang umaga na may chance kang m...