"O, BA'T ka pa nag-stop?" mahinang tanong ko kay Dom. Hindi na siya dapat tumatambay pa sa tabi ko. Manonood pa yata ng paghingal ko. "Go na! Ang dami na namang curious eyes niyan, eh." Hingal uli. "Iisipin na naman nila, magkasabay na naman—"
"Hindi ba?" balewalang balik ni Dom, nakatingin pa rin sa reviewer. "Sabay naman talaga tayo. Nang-iwan ka lang—"
"Dom!" biglang putol ko, napahagod na ako sa dibdib. Pinipilit kong bumalik agad sa normal ang paghinga.
Saka lang nag-angat ng tingin si Dom, medyo gumalaw ang isang kilay. "What?"
Bigla akong lumapit. "Si Dom ka, eh," pabulong na sabi ko. "Hindi ka si Lauon. Ano ba'ng trip mo ngayon, ha? Ayoko na ng stress sa school. Ang dami ko nang stress outside, 'di mo ba gets? 'Di ka dapat lumalapit sa akin!" Kulang na lang ay hilahin kong hair ko para mas maintindihan niya na naguguluhan ako sa kung anumang palabas niya.
"Bakit hindi dapat?" Gusto kong mainis na sobrang calm niya. Ang sarap hampasin ng book para may makuha akong emosyon at reaction.
"Gusto mo ba'ng hilahin ni Gallona ang hair ko?" Si Leorelle ang sinasabi ko.
"Ganti ka."
Napa-facepalm na talaga ako. "Oo na, mapipitpit siya 'pag dinaganan ko—'lam ko 'yun, 'no? Pero ayokong madumihan ang clear na record ko sa Academy. Never pa akong na-Guidance office. At hindi ko balak mag-first time dahil lang sa trip mo—o trip n'yo!" Nag-walk out na ako. Pati sa mga steps sa stairs nainis ako kung bakit ang dami. Pati sa mga palapag ng building, nainis akong padagdag nang padagdag. At mas sa weight ko. Kung hindi ako chubby, ang bilis lang sana umakyat. Hindi rin sana ako nauubusan agad ng hangin.
Nilingon ko si Dom na puno't dulo ng pag-ahon ng pagkaasar ko sa mundo. Ang calm pa rin niya, nagbabasa ng reviewer at paisa-isa ang hakbang sa steps. Inirapan ko siya kahit hindi naman nakatingin. Balik ako sa parang 'pinetensiyang' pag-akyat. Go, Cee. Ilang steps na lang!
Pagkarating sa palapag ng classroom, nag-check agad ako ng oras. May fifteen minutes pa bago ang first subject. Sumandal ako sa pader, sagap-buga na naman ng hangin. Ilang seconds pa, dumausdos na lang ako paupo sa last step ng stairs. Niyakap ko na lang ang books ko, hinihingal.
Na-miss ko na naman si Mart. Kung hindi siya nagkasakit, hindi sana ako mag-isang naghahabol ng hininga.
"Bawas kasi ng rice, Valdes!" boses lalaki, kasunod ang nang-aasar na tawa. "Mas tumaba ka, o!"
"Exercise din kasi 'pag may time, besh!" boses babae naman.
"Avoid sweets, girl!"
"Hingal pa more!"
"Kaya mo 'yan, Valdes!"
Hindi na ako nag-angat ng tingin para isa-isang tingnan ang mga nagsalita. Kung kasama ko si Mart, may sagot siya sa lahat ng linyang iyon. Ang cool pa niya. Hindi talaga affected sa pang-aasar. Ang tagal na daw niyang tanggap na chubby siya, deadma siya sa opinyon ng ibang tao.
Mas niyakap ko ang mga books. Nag-iinit ang gilid ng mata ko. Na-realize ko that day, hindi kami pareho ni Mart. Nasasaktan pa rin akong marinig iyon kahit nga hindi na bago sa akin. Alam ko na ngayon kung bakit—hindi ko tanggap ng buo ang sarili ko. Hindi ko mahal kung ano at sino talaga ako. Deep within me, I want to be someone else. Someone I am not.
At mali iyon.
Napapikit ako. Wish kong mag-shut off muna ang mundo kung puwede lang. Hindi nga lang posible ang wish ko.
Cee, love yourself, sabi ko sa sarili ko. Wala namang perfect right? Ano kung chubby ka? Bawal ba maging chubby? And hello? Princess ka kaya! Princess! Cheer up, chubby girl! Don't cry. Don't cry...
Na-feel kong may naupo sa tabi ko. Nagmulat ako ng mga mata—si Dom ang nasa tabi ko. Hawak niya ang bukas nang bottled water. Napatingin ako sa kanya. Inabot niya sa akin ang tubig. Gusto ko talagang uminom kaya tinanggap ko agad. Uminom ako. Lagok after lagok. Water is life!
"Hindi nakakamatay ang excess fats," narinig kong sabi ni Dom. "Ano naman kung chubby ka?"
Ibinaba ko na ang bottled water. More than half ang nainom ko. Medyo bumaba na ang heart rate ko. Nagiging magaan na rin ang pakiramdam ko. Patatawarin ko na si Dom sa pagiging reason ng stress ko that day. Sa less than forty na section A students, siya lang ang piniling umupo sa tabi ko—sa mismong moment na tinatawanan ako ng lahat.
"Pag ba chubby 'di na maganda? Mali ang nag-iisip na ganoon. May maganda. Parang ikaw."
Napatingin ako kay Dom, slightly parted ang lips ko. Nagtama ang mga mata namin. Tutok na tutok sa mga mata ko ang titig niya.
"You're beautiful, Cyreen."
BINABASA MO ANG
15 (Published)
Fantasy**NEW RELEASE** March 7, 2018. UNEDITED VERSION. For Reb Fiction imprint. Fantasy. Teen Fiction. Naniniwala ka ba sa red string of fate na nagko-connect sa mga taong destined na mag-meet? Paano kung magising ka isang umaga na may chance kang m...