Chapter 1: Your friendly neighbor, Spiderman.

192 29 158
                                    

--Lucine Moons

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--
Lucine Moons.

Nandito na naman ako.

Alam kong isa lang itong bangungot pero hindi ko magawang gisingin ang sarili ko.

Muli, nasa loob ako ng isang bahay na unti-unting nasusunog. Nagsisimula na magsibagsakan ang mga gamit at natutupok na ng apoy ang iba roon. Hindi ako makahinga dahil halos amoy lang ng nasusunog na kahoy ang nalalanghap ko. Hindi ko rin magawang umiyak dahil pakirandam ko ay mabilis din silang matutuyo dahil sa hindi matigil na pagkalat ng apoy.

Sinubukan kong tumayo pero may bumagsak na nga gamit sa harapan ko. Sunod-sunod nagbagsakan ang mga nasusunog na gamit sa harapan ko hanggang sa may isa doon na bumagsak sa akin. Hindi ako makasigaw! Naiipit ang boses ko sa lalamunan ko. Lahat ng lakas ko ay unti-unting nawawala. Kahit ang apoy ay tinutupok na rin ang balat ko.

Kailan... kailan matatapos ang kabaliwan na nararandaman ko?

"Miss, okay ka lang?" natigil ako nang may tumapik sa balikat ko. Doon lang bumalik ang ulirat ko. Nasa loob ako ng isang bus. Oo nga pala, field trip namin ngayon at pauwi na kami.

Pero teka, bakit hindi na babae katabi ko?

"Miss, kanina ka pa kasi nagpapawis. May mga binubulong ka rin na hindi ko maintindihan, ayos ka lang?" lalaki na itong katabi ko ngayon. Sobrang puti ng balat niya kumpara sa akin na halos kasing puti niya na lang ang mga ulap, natatakpan ng iilang hibla ng kanyang buhok ang singkit niyang mga mata at mayroon siyang mapulang labi gaya ng kulay ng dugo. Nakasuot din sa isang tenga niya ang earphone habang nakatanggal naman ang sa kabila, mukhang nadisturbo ko siya. Suot niya rin ay isang baseball cap na kulay itim at may spider na nakaukit sa gitna.

 Suot niya rin ay isang baseball cap na kulay itim at may spider na nakaukit sa gitna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"N-nasaan ang katabi ko kanina?" 'yon lang tanging nasambit ng bibig ko. May katabi kasi ako kanina na babae pero dahil hindi ko naman siya kilala, wala akong masabing pangalan.

"Ah, 'yon ba?" turo niya sa unahan ng katapat namin na upuan. "Nakipagpalit sa akin eh, para makatabi niya 'yong boyfriend niya."

Muntik na ako madulas sa kinauupuan ko nang makita ko na lang ang kamay niya na may hawak na panyo at--pinunasan nito ang ibaba ng labi ko?

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon