Chapter 12: The feeling of having a friend

41 9 51
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lucine.

"Nandito na tayo," iminulat ko na ang mata ko at inikot ito sa buong paligid. Talagang tumigil siya sa address na ibinigay ko. Nasa tapat na kami ng bahay ko ngayon. "Ang laki pala ng bahay n'yo... parang puwede ka pang maligaw." nagpakawala siya ng tawa habang nauna na siyang bumaba at inalalayan niya rin akong makababa.

"S-salamat sa paghatid ha..." nakayuko kong sabi habang tinitignan ang mga kamay ko na nararandaman pa rin ang init na mula sa pagyakap ko sa backpack niya. "Puwede ka na umuwi. Anong oras na rin pala."

Natigil ako nang marandaman ko na tinatanggal niya na pala ang suot kong helmet at pinisil niya ang pisnge ko. Narinig ko muli ang pamilyar na ingay sa dibdib ko. "Cute mo talaga. Wag ka mag-alala, uuwi ako agad. Hihintayin ko muna na makapasok ka bago ako umalis."

Hindi ko na maangat ang ulo ko sa nararandaman kong init sa pisnge ko. "S-sige..."

Hindi ko na rin siya nagawa pang lingunin at binuksan ko agad ang gate saka pumasok. Buti na lang at nakabukas pa ito dahil sinasarado lang naman ito kapag nakauwi na ako. Nang marinig ko ang ingay ng motorsiklo niya, doon ko lang unti-unting binuksan ulit ang gate at sinilip kung nakaalis na siya. Nakita ko na lang ay ang motor niya na palayo na.

"Good night, Stef..." sa unang beses, nabanggit ko ang pangalan niya nang may sinseridad at may komportableng pakirandam.

--

Kinabukasan, sumalubong sa akin ang dining room na wala si ate Mercy. Tuwing umaga, nakikita ko siya rito at ngiti ang sumasalubong sa akin. Pero simula nang mag-away kami, hindi na kami ulit nagsasalubong tuwing kakain. Hindi ko maiwasan na makarandam nang maluwag na puwang sa dibdib ko... para itong binutas nang makita kong wala si ate. Kasalanan ko rin naman pero kailangan kong magtiis. May plano pa ako sa kanya na surpresahin siya.

"Ate Fe, anong oras na?" sabi ko nang makaupo ako. Kahit malungkot, kailangan kong kumain. Ayoko naman magmukhang nanlalata habang nagpa-practice kami na tumugtog."

"Saktong alas-dose na nang tanghali, Luci. May pupuntahan ka ba? Malakas pa ang sinag nang araw sa labas--" napatakip siya sa bibig na tila hindi inaasahan ang kanyang nasabi. "H-hindi sa sinasabi ko na hindi mo kakayanin pero nag-aalala lang ako. Patawad, Luci."

Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Okay lang po, ate Fe. Naiintindihan ko na nag-aalala lang kayo sa kalusugan ko. P-pero, may kailangan kasi ako puntahan nang maaga mamaya. Kapag hinanap ako ni ate, sabihin mo na lang na inaasikaso ko ang project ko."

Mukhang nagulat na naman siya sa narinig niya dahil bahagyang namilog ang mga mata niya bago ito nangliit at ngumiti. "Masaya ako na nakikita kitang nagbabago kahit gaano kaliit, Lucine. Kahit gaano kaliit ang pagbabago na nakikita ko, nakakataba iyon ng puso. Ito yata ang unang beses na makikita kitang lumabas na mataas na mataas ang araw... ay naku, pasensya na." natigil ako nang umiyak siya sa harapan ko. Tumayo ako at niyakap si ate Fe. Nararandaman ko ang sakit na nararandaman niya at kahit ang saya niya habang umiiyak. "Malaki ka na talaga, niyayakap mo na rin ako ngayon."

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon