Chapter 10: More than friends

39 12 34
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucine.

Wednesday nang uwian ay nasa labas ako ng school gate at nanginginig ang mga tuhod na naghihintay sa kanya. Hindi rin ako nagpasundo ngayon kay kuya Joel dahil sa naiisip kong plano namin. Ilang araw na lang din kaya kailangan ko na maghanda... pero hindi pa rin ako sanay.

Kumalma ka lang, Lucine. Bulong ko sa sarili ko pero nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Hinihintay ko lang naman siya... hindi ako dapat panghinaan ng loob kung gusto ko maging success ang surprise ko kay ate Mercy.

"Kanina ka pa d'yan?" nilingon ko ang pinanggalingan nang boses at doon ko nakita ang girlfriend na Hel na si Herra. Nakasuot siya ng kulay asul na crop top na long sleeves at high waisted pants na kulay itim. May nakikita na kaunti sa kanyang tiyan pero hindi naman ito masyadong revealing. Simple pa rin siya manamit. "Pasensya na ha, nag-meeting lang kami sa club namin tapos may mga tinapos pa ako sa Student Supreme Council kaya hindi na ako nakababa agad dito."

Napalunok na lang ako tumango. "N-naiintindihan ko naman."

Kita naman sa kanya na kumpara sa akin, mas marami siyang kayang gawin. Maganda si Herra at healthy ang pag-iisip at pangangatawan niya, kahit kung ako ang nasa kalagayan niya ay gagawin ko rin lahat ng maaaring puwedeng gawin hangga't kaya ko.

Kaso hindi ako siya.

"Si Hel kasama niya si Stef, pinauna ko na sa bahay para maayos niya na ang lahat bago pa man tayo makapunta. Tara na ba?" nakangiting anyaya niya sa akin kaya tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

"S-saan pala ang bahay n'yo?" tanong ko dahil doon din ako magpapasundo kay kuya Joel mamaya.

"Tabi lang ng school ang bahay namin. Mga ten minutes walk ay makakarating na tayo roon... Why? Magpapasundo ka ba mamaya?"

"O-oo kasi hindi rin ako puwede umuwi nang mag-isa. Mag-aalala ang ate ko."

"Ano ka ba! Ihahatid ka na namin para mas sigurado na ligtas ka. Hindi ka naman papabayaan ni Hel at lalo na si Stef. Gentleman ang mga 'yon. Hindi ka nila hahayaang umuwi na nag-iisa lang." ngiti niya pero lalo lang yata namilipit ang tiyan ko. Oo, ginagawa ko ito kasama sila pero hindi ibigsabihin niyan ay palagay na ang loob ko sa kanila.

"Okay lang ako kahit sa driver na lang namin ako magpasundo--"

"Nakakainggit ka 'no, Lucine?" bumaling siya sa akin habang nauuna na siyang naglalakad. "You don't have to worry about anything. Nasa sa'yo na ang lahat ng gusto mo with just one one snap. Puwede mo tawagan ang driver mo kahit kailan mo lang gusto, kumain sa malalaking fine dining restaurant kahit napakamahal, o ibagsak ang mga major subjects mo dahil mahirap sila masyado. People like us, like me and Hel, we worked hard for everything. Kahit dugo at pawis ay kaya namin ubusin, kahit dignidad namin natatapakan na, ginagawa pa rin namin ang lahat para sa huli, makapagtrabaho kami at magkaroon nang magandang buhay. If I have that life like yours, I wouldn't trade it for anything..."

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon