Chapter 11: One night, two different words.

40 10 40
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lucine.

"Hey, Stef. What do you think about Lucine? Hindi ka ba nagkakaroon ng kunting crush o pagkakagusto sa kanya? Nag-aalala ka ba sa kanya... more than friends?"

Tumikhim si Hel at siniko pa si Herra kaya naman natigil ito sa pagngiti. "'Di na tayo bata para magtaguan ng feelings. Aamin 'yan si Stef kung gusto niya si Lucine. Hindi ba puwedeng magkaibigan lang talaga kapag nag-aalala?"

Pinisil ni Herra ang pisnge niya. "So sinasabi mo na magkaibigan lang din ang tingin mo sa ating dalawa? Sus, ganyan ka rin gumalaw sa akin dati eh. Sobra kung mag-alala... hanggang ngayon naman. Magkaibigan pala tayo, ha?"

"H-hindi na nga po, boss. Bitiwan mo na lang pisnge ko--" binitiwan na siya ni Herra pero mabilis siyang nagnakaw nang halik sa pisnge nito. "Huli ka!"

"Hoy mga love birds, baka gusto n'yo na kumain muna tayo bago magharutan? Naku, hindi na nahiya. Nasa harapan n'yo pa kami oh!" muli, umalingawngaw ang malakas na tawanan nila. Buti na lang at kahit nandito pala ako, kaya nila maging masaya.

Matapos kumain ay naghugas nang mga plato 'yong sila Stef at Hel. Hanggang ngayon pala, hindi pa maayos ang tawag ko sa kanila. Laging itong si Stef, 'yong Stef, iyang si Stef... Dapat ko na ba sila tawagin nang maayos?

"Lucine, tara rito. Tuturuan na kita." umupo siya sa sofa at dala na niya ang violin niya. Hindi ko rin akalain na maraming talent si Herra. Sa tingin ko ay halos lahat talaga ng kakayahan ay nasa kanya na. Sumunod ako sa kanya at umupo rin. "Tatandaan mo, hindi madali ang matuto nito. Kailangan maglaan ka talaga ng panahon para rito pero since tatlong araw lang ang magiging preparasyon natin, kailangan mo maging mas mabilis matuto. Kaya mo bang pumasok nang mas maaga para maturuan kita?"

Saglit na napaawang ang labi ko sa kanyang tinanong. Alas singko na ng gabi ang simula ng klase namin, kapag mas inagahan ko pa ay maaabutan ko na ang araw. Napakagat ako sa labi ko dahil natataranta ako sa gagawin. Kahit ang mga kamay ko na kanina ay kalmado na ay nanginginig na naman.

"Lucine, anong nangyayari? Bakit nanginginig ang mga kamay mo? May mali ba akong nasabi?"

Umiling ako. "W-wala naman, hindi lang kasi ako puwede tuwing umaga hanggang hapon. Gabi lang talaga ang libreng oras ko." hinawakan ko ang sarili kong kamay para mapigilan ang panginginig nito pero hindi na ito natitigil sa panginginig.

"Ganon ba? Paano 'yon? Kailangan talaga natin masigurado na makukuha natin. Imposible kasi na matutunan mo siya--"

"Herra, ako na lang ang magba-violin kung ganon." napatingin kaming dalawa kay Stef. "Lucine, sana pumayag ka. Gusto ko rin kasi matuto mag-violin. Alam ko naman na marami kang ginagawa kaya hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo rito. Sigurado na ang surpresa na ipapakita mo sa ate mo ay sapat na para magkaayos kayo."

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon