Chapter 8: Smile... if you're only happy.

57 15 49
                                    

Lucine.

Hanggang ngayon, kahit nasa school na ako, iniisip ko pa rin kung paano ibibigay kay ate ang regalo ko na violin. Nakakailang liquid tape na ako dahil binubura ko ang mga ideas na naiisip ko.

Hindi ko puwedeng iwan lang sa kwarto niya ito basta-basta dahil baka isipin niya ay hindi ko naman talaga gusto na makipag-ayos sa kanya.

Hindi ko rin naman puwedeng biglaang ibigay dahil baka isipin niya na wala akong pakialam sa effort at gusto ko lang maibigay sa kanya agad.

Gusto ko siya i-surpresa.

Kaso paano?

Nagulo ko na lang ang sariling buhok dahil nauubusan na ako ng ideas. Hindi puwedeng masyadong nakakagulat dahil ayaw ni ate nang ganon. Hindi puwede na hindi rin nakaka-excite dahil mabilis ma-bored si ate.

Ngayon na naiisip ko ang lahat 'yon, wala akong maalala gaano tungkol sa ayaw atgusto niya. Sa tagal naming hindi nagkita, maraming maaaring nagbago sa kanya. Kahit na madalas kaming nag-uusap dati sa mga video call, hindi ko magawang itanong ang gusto niya o ayaw niya na nagbago. Kinukumusta ko siya pero parang lagi akong may kulang.

Pakirandam ko tuloy ay makasarili ako dahil sa ginagawa ko. Dahil wala man lang akong alam sa kanya kahit isa pero siya ay kilalang-kilala ako. Tila sarili ko lang iniisip ko. Lalo na ngayon na ayaw ko pang pumayag na magpagamot ulit... Para ako masyado nagiging sarado sa kanya. Ganon na ba ako kasama?

Bago pa mas lumalim ang iniisip ko ay huminga ako nang malalim. Iniiwasan kong bumalik ang mga naiisip ko... hindi puwedeng ngayon. Nasa classroom pa ako at maraming tao sa paligid ko.

"S-sir..."

Tumigil naman si Mr. Crisostomo sa pagsusulat sa white board. "Yes, Miss Lucine?"

"C-can I go out? Comfort room lang po ako."

"Sure, Miss Lucine. Siguraduhin mo na rin na pagbalik mo, your thoughts are finally clear. Mukhang maraming bumabagabag sa'yo kanina pa lang."

Kahit hindi ko naunawaan ang sinabi niya ay tumango na lang ako at lumabas na ako ng classroom. Ganon ba kahalata na masyado akong maraming iniisip? Kahit naman na nagsusulat ako ng mga ideas ko tungkol sa paano ko susurpresahin si ate, nagsusulat pa rin naman ako ng lecture. Ah ewan, baka mamaya kanina pa pala ako lutang at napapansin na ako ni Sir.

Pumunta ako sa comfort room at swerte ko na lang na walang tao rito. Paano ba naman, halos lahat ay ginagawan ng tsismis ang banyo na ito. May nagpapakita raw na madra rito dahil dito raw namatay ang madre bago pa man matayo ang SCU. Ako lang tuloy ang pumapasok dito palagi. Kahit ang mga janitor ay nawiwirdohan dahil ako lang daw ang nakikita nilang nakakayang pumasok dito kaya minsan akala nila ako ang multo na 'yon.

Napailing na lang ako. Mas maganda na ako na lang din ang nakakagamit nito minsan, para ko na tuloy ito nagiging tambayan kapag marami akong masyadong naiisip at halos hindi ko na ma-focus ang sarili ko sa dapat na gagawin.

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon