Chapter 50: Lucine

14 3 0
                                    

Third person's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third person's POV.



"Bata, gusto mo ba makipaglaro?" inangat ni Lucine ang ulo niya at natigil siya sa pagkulay ng isang imahe ni Minnie Mouse. Sumalubong sa kanya ang mukha ng dalawang lalaki na tila nasa idad na lagpas tatlumpu't. "Kami nga pala ang bagong hardinero sa bahay ninyo. Ako si Kuya John mo."

Kumaway naman ang isa na may mas maputing balat. "Ako naman si Kuya Enrico mo!"

Ngumiti siya sa mga ito at tinanggap ang dalawang kamay na nakalahad sa kanya. "Sige po!"

Simula noon, lagi na nakakalaro ni Lucine ang dalawa kapag wala ang magulang niya. Naghahabulan, mataya-taya, london bridge, at piko ang madalas nilang laro. Walang araw na hindi masaya si Lucine dahil lagi siya tilang isang prinsesa kahit mas matanda na ang mga nakikipaglaro sa kanya.

"Lucine, masaya ka ba sa mga bagong kaibigan mo? Si Kuya John at Kuya Enrico?" tanong ng kanyang ina na may mahabang kulot na buhok at kung saan niya nakuha ang singkit niyang mata, si Lumienne.

"Opo naman, Mama. Ang bait nga nila sa akin. Walang araw na hindi nila inaalagaan ang garden at ganon din sila sa akin!" masiglang sagot niya sa kanila.

"Ang friendly talaga ng anak namin. Eh 'di kahit sa school ay marami ka ring kaibigan?" tanong naman ng kanyang ama kung saan niya nakuha ang maliit niyang ilong at katamtaman na nipis ng labi, si Mercury.

Hindi mapigilan ni Lucine na sumimangot sa magulang niya. Kanina lang kasi, mamg nasa school pa siya, narinig niya ang mga kaibigan niya na pinag-uusapan siya.

"Hindi ba't ang weirdo ni Lucine? Nakikipag-usap siya sa mga hardinero nila at nakikipaglaro pa! Ang mommy ko nga, hindi ako hinahayaam na lumabas eh. Madudumi raw kasi ang mga workers namin." sabi ni Delly, ang kaibigan niya na may katangkaran kahit halos pre-school pa lang sila.

"Yes, galing kasi sa mahirap ang dad niya right? Of course, galing din sa hirap ang ugali niya kaya siguro friendly siya sa mahihirap kesa sa atin." umirap pa si Winona na maarte at maluhong kaibigan niya.

"'Wag na tayo makipaglaro sa kanya, ayoko sa mga nakikipaglaro sa poor!" pagkukumbisi ni Terry na isa pang galing sa mayamang pamilya.

Wala tuloy siyang nagawa kung hindi umiyak na lamang sa loob ng comfort room pagkatapos iyon marinig.

"Oh, baby, bakit naman nakasimangot ka na?" nag-aalalang tinapik ni Lumienne ang balikat ng anak. "May nangyari ba sa school kanina?"

Pinilit ni Lucine na umiling at ngumiti na lamang ito sa kanila. "Okay lang po ako!"

Bata pa lang si Lucine, natutunan niya na itago ang nararamdaman niya.

"Ate Mercy, makipaglaro raw tayo kay Kuya John at Kuya Enrico!"

Umiling si Mercy sa paanyaya ng kapatid na si Lucine na masayang nagtatampisaw sa swimming pool nila kasama ang dalawang hardinero.

"Lucine, ten years old na ako. Hindi ko kasiyahan ang maglaro sa pool." pagtatanggi niya kahit na naiinggit siya. Wala kasi siyang tiwala sa mga hardinero dahil kakatanggap pa lang nila sa mga ito pero sobra na kung makipaglapit-loob sa kanila. "Five years old ka pa lang at hindi mo pa alam ang realidad ng mundo kaya ikaw na lang mag-enjoy."

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon