Chapter 61: (SC) The skin behind her sleeves

13 2 0
                                    

Lucine

(Refer to Chapter 40)

Natigil ako nang may narinig akong door bell mula sa labas. Kahit ayoko pa sana lumabas ay wala naman akong magagawa dahil baka sila lang iyon. Pumunta ako sa pinto at binuksan iyon. Nagulat ako nang makita si Herra ang sumalubong sa akin.

"Lucine! Puwede muna bang tumambay ako rito saglit?"

Tumango ako at dumiretsong pasok naman siya sa loob at umupo sa isa sa mga sofa. "B-bakit ka pala nandito, Herra?"

"Gusto ko lang tumambay rito, napansin ko kasi na umalis si ate Mercy so I thought that you need a company." ngiti niya. "Bakit pala ang dilim dito? Alam kong takot ka sa liwanag pero... ngayon ko lang naisip na takot na takot ka nga pala. Phobia mo iyon 'di ba?"

Hindi ko alam bakit, pero hindi ako komportable sa tanong niya na iyon. "O-oo, heliophobia ang tawag doon."

"Ah so, it means that, you are really scared of light right? To the point that, you can't live a normal life because of this fear of yours? 'Yon ang definition ng phobia, 'di ba?"

Umupo ako sa kama at iniwasan kong tumingin sa kanya. "Bakit mo natanong, Herra?"

"I am just concern, Lucine. Bilang kaibigan, ngayon na alam na natin ang condition mo, bakit hindi mo subukan magpagamot? Alam mo, lagi nga kita naiisip tuwing nakikita ko ang araw na sumisikat. Naiisip ko, nakikita mo kaya ang ganda niyan? Nagagandahan ka rin kaya sa liwanag? Anong pakiramdam na matakot sa liwanag at laging nagtatago sa dilim na nakakasakal?"

"H-Herra, tama na..." napahawak ako sa dibdib ko. Sumisikip iyon, hindi na naman ba ako makahinga? Kahit ang mga nakikita ko ay tila umiikot o hindi naman kaya ay bumabaliktad. Nahihilo na ako at nanghihina pa ang mga buto ko. Napahawak ako nang mahigpit sa kutson ng kama.

"O hindi kaya, paano ka magugustuhan ni Stef kung hindi mo haharapin ang takot mo?" natigil ako nang makita ko siya sa harapan ko na hawak ang gamot ko para sa panic attack. Mabilis ko iyon kinuha at ininom iyon. Inabot niya pa ang isa niyang hawak na para sa depression at PTSD ko, ininom ko rin agad iyon. Kinuha ko ang bottled water sa side table na binili ko kanina.

Napasandal ako sa head board at doon lang ako nakahinga nang maluwag. Umupo sa tabi ko si Herra at hinawakan niya ang kamay ko. "Nandito ako Lucine, bilang kaibigan mo, dapat lang kita tulungan na harapin ang takot mo. That's what friends are for, right?"

--

"Tada, look at the mirror! Mas lalo ka naging maganda oh." turo ni Herra sa salamin.

Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko at hindi ako makapaniwala na hindi na ako namumutla. May kulay pula na hindi nalalayo sa kulay ng strawberry ang kulay ng labi ko. Mas naging matingkad at mabuhay rin ang mga mata ko dahil sa nilagyan ni Herra ng mascara ang pilikmata ko kaya lumabas ito na mas mahaba kesa sa natural. Ang mga kilay ko rin ay nakapa-arko ang hugis na talagang bumagay sa mata ko. Ang pisnge ko rin ay nilagyan ng blush on na pinkish lang ang kulay kaya mukhang natural lang sa maputi kong balat.

"H-hindi ko alam na may iaayos pa pala ang itsura ko..."

Muntik na ako mapatalon nang tinapik ni Herra ang mga balikat ko. "Syempre! Ako ang nag-ayos sa'yo eh. Total, nagsisimula na rin naman na ang pagbabago mo, bakit hindi pa natin ituloy-tuloy?"

"H-ha?"

Ngumiti lang siya. "Kung gusto mo na makita ka ni Stef bilang babae, start acting like one! Wear clothes na out of your comfort zone sometimes. Hindi masama mag-try ng mga damit na walang sleeves o above the knees ang ikli ng suot mo."

Napakagat ako sa labi ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko, iisipin ko pa lang na walang sleeves ang susuotin ko, hindi na ako makahinga.

"B-bakit ba gustong-gusto mo ako baguhin, Herra?"

Saglit na nagkunot ang noo niya pero umiling lamang siya.

"I'm just helping you out, Lucine. Masama na bang tulungan ka para makalabas sa kweba mo?" hinawakan niya ang mukha ko at nanglamig ako nang pinilit niya inangat ang dalawang sulok ng labi ko. "Ganyan, ngiti ka rin kasi minsan."


"A-ano ba ginagawa mo?"

"Lucine, hindi mo pa ba nakikita na mas maganda ka kapag may make up ka? Kapag pinipikit mo ngumiti at tumawa? Kapag nagpanggap kang ayos sa harap ni Stef? Ngayon, bakit hindi mo subukan na buksan ang bintana mo at 'wag magsuot ng shades para makita 'yon, ha? Hindi ka magugustuhan ni Stef kung ganyan ka lang palagi!"

Nanginig ang mga tuhod at braso ko dahil parang ibang babae ang nasa harap ko. Nakangiti siya pero ang ngiti na iyon ay mapaglaro. Madilim at nakakasuklam ang ngiti na binibigay niya sa akin. Ngiti na hindi umaabot sa mga mata niya.

"Hindi pagbabago ang ginagawa mo sa akin, Herra. Pinagpapanggap mo ako sa tao na hindi ako!" hindi ko mapigilang sigaw.

"'Wag ka umarteng inosente! Hindi ka pa ba nagpapanggap sa ginagawa mo? You're hiding at us! You're telling us that you are okay when you are not, ano pa ang pinagkaiba 'non sa pinapagawa ko sa'yo? Parehas lang pagpapanggap 'yon!"

Tila nasampal ako ng mga salita na sinasabi niya. Dahil kahit sa sarili ko ay hindi ko matanggi... na hindi ako nagpapanggap na ayos lang ako at masaya ako sa kanila kahit ang totoo, bumabalik ang takot ko na mapalapit sa kahit. Na kahit ang totoo ay hindi pa talaga gamot lahat ng sugat na mayroon ako.

Nagulat ako nang bigla na lang itinaas ni Herra ang sleeves ng suot kong sweater hanggang sa may siko ko. Hinawakan niya ang braso ko na iyon at inangat niya ito. Alam niya?

"Akala mo, hindi ko malalaman na ito ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi ka nagsusuot ng maikling damit o walang sleeves? Hindi dahil sa takot ka sa araw, pero dahil sa ayaw mo na makita namin ang totoo!"

Napatingin ako sa braso ko hanggang sa pulso ko. Puno ito ng mga sugat na ako ang mismong gumawa. May mga peklat na rin ito senyales na matagal ko na ito nandito at bahagi na ito ng pagkatao ko. Matagal ko na rin iyon huling ginawa at ngayon pinipigilan ko na lang ang sarili ko dahil kasama ko sila, pero noong wala silang lahat sa buhay ko, halos walang linggo na hindi nadadagdagan ang mga bakas na ito.

Nang makilala ko sila, kahit papaano, natigil ako.

Pero tinatago ko lamang lagi sarili ko. Lagi ko lang tinatago ang sakit. Hindi ko mailabas at punong-puno na ako. Ang ginagawa ko na ito ang tanging nagpapawala saglit ng mga sakit na hindi ko mapakawalan sa mundo.

Itinaas niya ang kanang braso ko at inangat niya rin ang sleeves ko roon hanggang sa may siko at puro iyon muli ang sumalubong sa kanya. Mga bakas ng totoong ako.

Ang natatakot ako na makita nila.

"Hindi pa ba pagpapanggap ang ginagawa mo na 'to, Lucine?"

At kusa na lamang bumagsak ang mga luha sa mata ko.

"Wala ako sasabihin na kahit ano sa kanila dahil hindi naman ikaw ako at may sarili kang pag-iisip para gawin ang tingin mong magpapakita ng totoong ikaw. Ang akin lang, Lucine, ipakita mo kung sino ka! Sabihin mo sa akin, sino ka ba talaga? Hindi habang buhay, matatago mo ang balat mo na 'yan."

Tumalikod si Herra. Naglakad na siya palayo pero saglit ay tumigil siya sa paglalakad. "I used to be like you, Lucine. Iyon siguro ang dahilan bakit ayaw na ayaw ko rin sa'yo. Kasi hanggang ngayon, parehas tayong nagpapanggap. Pero ikaw, hangga't maaga pa, ipakita mo na kung sino ka. Hangga't hindi ka pa gaya ko."

Hindi na siya lumingon pa sa akin at nagmadali siyang lumabas sa kuwarto.

Naiwan ako roon na puno ng mga tanong. Kanina lang, iba sa Herra na kilala ko ang nakita ko. Naaalala ko rin dati nang nag-away sila ni Hel ay tila iba ang aura niya noon, kahit din nang pumunta kami sa bahay ni Stef para sa movie marathon at tulog na ang lahat, parang iba ring tao ang kausap ko noon.

Parehas lang ba talaga kami...parehas lang ba talaga kaming may tinatago sa ilalim ng aming balat?

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon