Chapter 30: Night sky in books are overrated

23 5 2
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lucine.

"Buksan mo na kasi ang mga mata mo."

"A-ayaw ko, Hel. Mataas na siguro ang araw!"

"Hindi pa nga. Dadaan pa naman tayo sa Manila Bay kaya mas malapit mong masisilayan 'yon doon..."

"M-manila Bay? Bakit tayo umabot doon! Iuwi mo na nga ako, Hel."

"Mapapadaan talaga tayo rito dahil dito ang daan pabalik sa bahay ninyo, ano ka ba. Saka hindi mo ba napansin na rito kayo dumaan kagabi papunta kay Stef? Dito ka talaga dadaan para makapunta sa kanila."

Hindi ko na iyon napansin pa dahil nga sa naaalala kong magdamag lang ako nakapikit sa byahe namin ni Stef. Ngayon ko lang nalaman na dadaan pala muna kami sa Manila Bay.

"A-ayaw ko, uwi na tayo. Hindi na talaga kita papansinin pagkatapos nito!"

"Eh 'di wag. Iiwan na lang kita rito kapag hindi mo binukas ang mata mo mamaya." narinig ko pa ang mahinang tawa niya. "Dali na, malapit na tayo sa Manila Bay oh."

Iminulat ko ang mga mata ko at namangha sa sumalubong sa akin. Dahil bumabagal ang andar ng bisikleta, mas nakikita ko kung paano sinasalamin ng dagat ang buong kalangitan. Tahimik ang buong paligid dahil halos wala pang sasakyan na nagkakalat kaya tanging mga huni ng ibon lang ang naririnig ko at ang paghampas ng dagat sa may dalampasigan. Kahit ang haring araw ay tumataas na tila isa siyang senyales na nagsalubong ang langit at dagat sa dulo.

"P-pero Hel..." hindi ko maiwasang manginig ang mga kamay ko dahil nakikita ko na ang pagtaas ng araw sa kadulo-duluhan nito. Kahit ang ulo ko ay tila niyuyugyog sa sakit. "Natatakot ako. Hindi ko kayang tumagal na nakikita ang liwanag, sumasakit ang ulo ko. A-alam mo na takot ako rito pero dinala mo pa rin ako. Ano ba talagang gusto mo?

"Kung natatakot ka, puwede mo akong yakapin at magtago ka sa likod ko pero saglit lang. Kahit natatakot ka, subukan mo pagmasdan ang ganda ng araw na papataas pa lang. Para tuwing maaalala mo na takot ka, iyong larawan ng sunrise sa utak mo ay hindi mawawala sa alaala ng puso mo." tinignan ko siya at nakatingin siya ngayon sa kalangitan habang nakangiti. "Kaya nga ako nandito, eh. Kung ginagamit ko lang ito para takutin ka, eh 'di sana iniwanan na lang talaga kita pero nandito ako sa tabi mo ngayon. Nandito ako para samahan kang harapin ang takot mo. Nandito kami."

Itinigil niya ang kanyang bisekleta at ipinarada iyon sa tabing puno. "Tignan mo, sumisikat na ang araw, Lucine." ngumiti siya sa akin. Ayaw kong ialis ang tingin ko sa mukha niya dahil sa takot ko pero hinawakan niya ang mga balikat ko at hinarap niya ako sa dagat.

Doon ko nasilayan ang pagsikat ng araw. Ang kauna-unahang pagsikat ng araw sa mga mata ko. Ang tanging alaala ko sa araw na makikita ko. Sumisikip na naman ang paghinga ko pero sa pagkakataon na iyon, nauna pa ang mga luha ko tumakas sa aking mga mata. Kulay dilaw na araw na tila may halong kahel ang nagniningning sa buong paligid. Dahil sa maliwanag niyang kislap, kahit ang dagat ay siya na ang unti-unting sinasalamin. Kahit ang ihip ng hangin ay naging presko ngunit may kaunting init mula sa kanyang liwanag.

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon