Chapter 13: Best of me

34 9 55
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucine.

Kinakabahan ako.

Ilang beses ko na yata ito nasasabi ngayong gabi. Ngayong gabi na kasi ang gabi na susurpresahin namin si ate Mercy. Sabi kasi ni ate Faye, saktong hatinggabi lagi ang uwi ni ate dahil minsan daw ay dumadalaw-dalaw siya sa trabaho o minsan naman ay gumagala ito. Kaya naisip ko na ngayon din, susurpresahin ko siya.

Naalala ko na naman tuloy kung paano kami nag-ensayo para sa gabi na ito. Halos sa aming lahat, marami akong nakuhang kalyo sa kaka-practice ko sa violin. Ang lalalim na nga rin ng mga mata namin dahil sa puyat at pagod na ginagawa namin para lang maging perpekto ang gagawin naming surprise. Lalo na kay Herra, marami siyang naitulong sa akin kaya wala akong masabi. Kahit na madilim at tahimik sa kwarto ni ate ngayon, naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko na halos ito na lang ang nagiging musika ko sa tahimik na paghihintay ko na dumating si ate.

Sinigurado ko na walang magbubukas ng pinto sabi ko kay ate Fe para masigurado na si ate Mercy lang ang magbubukas ng pinto. Ito kasi ang magiging senyales ko na siya na ang papasok sa loob. Nanglalamig ang mga kamay ko pero pilit kong pinapalakas ang loob ko. Tinanggal ko ang suot kong gloves at shades, tanging sumbrero na lang ang natitira kong suot. Takot man ako sa liwanag, kahit sa ilang minuto man lang, susubukan kong harapin ito.

Para kay ate.

At parang isang magic, sumakto na nagbukas ang pinto at may nagbukas ng ilaw... si ate Mercy ito na nakasuot ng pang-office attire na kulay red na coat at white na palda hanggang tuhod niya. Halata sa mukha niya na antok at pagod na siya dahil sa nagiging mapangusap na ang mga mata niya. Napamilog ang bibig niya sa nakita at nabitiwan niya pa ang dalang shoulder bag.

Siguradong hindi lang dahil sa akin siya nagulat, nagulat din siya dahil sa mga kasama ko sa likod ko. Si Herra na nakaupo gaya ko at may hawak na violin sa tabi niya, Si Stef at Hel na parehas may hawak na suklay para magsilbing microphone nila kunyari sa gagawin naming performance.

Kahit kinakabahan ako, tumingin ako sa aking likod at tumango sila sa akin na senyales na handa na sila. Tumikhim ako at sinubukan pigilan ang nginig sa aking kamay at mga tuhod. Nangingibabaw din ang liwanag na mula sa bumbilya pero pinilit kong hindi ibaling ang atensyon ko roon at ibinaba ko lang ang tingin ko sa violin.

(Play the music in the multimedia above: Best of me by BTS Violin cover)

"When you say that you love me
Feels like I'm walking across the sky
Tell me about forever, just one more time
When you say that you love me
I just need those words
That you'll never change, just one more time
You're everything in this world to me
Harder, so it hurts, hold me tight
We shared something
And you can't make it nothing
I hope you don't forget
You're my

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon