Chapter 48: Error and trial

9 4 0
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucine.

Busy na ang lahat. May dalang electrical stove si Ate Mercy kaya naman pala siya namalengke kanina kasama si Kuya Joel. Gusto niya talaga na maging mabusisi ang bawat handa namin at hindi basta binili lang sa restaurants ang luto namin. Mas masarap daw kasi ang lutong bahay talaga.

Dapit-hapon na rin kasi. Nagluluto na si Ate Mercy ng Carbonarra sauce dahil ito raw ang paborito ko. Si Kuya Joel naman ay gumagawa ng buko pandan kasama si Stef. Si Haven at One ay gumagawa ng graham balls. Habang si Hel naman ang nagbe-bake ng cake dahil ito lang daw ang nadala niya na madali lang din gawin.

At kami ni Herra? Nandito kami sa terrace. Ngayon niya na kasi ako gusto kausapin. Hindi nakatulong ang malamig na hangin dahil lalong nagsisitaasan ang balahibo ko sa kaba.

Walang gusto mag-utos sa amin o kahit lumapit man lang. Para bang alam nilang lahat na may dapat kaming pag-usapan.

"Lucine, alam mo na siguro," sinandal niya ang mga siko niya sa railings bago tumingin sa akin. "na break na kami ni Hel."

"O-oo. Pero anong dahilan?"

"Hayaan mo, hindi naman ikaw ang dahilan. Wala ka naman kinalaman sa amin although nagustuhan ka ni Hel dati nang saglit kaming naghiwalay."

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko inakala na sa kanya pa iyon magmumula. At tila isa akong kandila na nalagyan ng apoy kaya parang natutunaw ang puso ko sa loob.

Alam ko na matagal na iyon at nalaman ko na rin iyon dati mula kay Stef. Pero bakit tila nagkaroon nang ibang ibigsabihin noong sinabi na ni Herra? Bakit mas nabigla pa yata ako ngayon?

Ah, malamang siya ang girlfriend dati ni Hel kaya talagang mawe-weirdohan ang sistema ko.

Pilit ko pinapaniwala ang sarili ko roon kahit na alam ko naman ang totoong pagkakaiba.

Nang sinabi iyon ni Stef ay hindi pa malapit ang loob ko kay Hel. Pero ngayong sinabi iyon ni Herra, tila mas lalo akong nanibago... dahil ngayon, mas malapit na ang loob namin ni Hel.

"Namumula na yata mga pisnge mo? Hindi ba halata na gusto ka ni Hel?" ngiti niya. "Hanggang ngayon, halata naman na gusto ka niya. At 'yon ang isa sa mga dahilan bakit kami nag-away dati..."

Hindi ko maiwasang lumingon kung nasaan si Hel ngayon. Pokus na pokus siya sa paglalagay ng icing sa cake na ginagawa niya at minsan ay hindi niya pa maiwasang kagati ang labi dahil sa pagpopokus niya.

"Kung lalayuan ko siya, lalayuan din kita. Mabait si Lucine. Kailangan niya kami at kailangan ko rin siya bilang kaibigan kaya kung lalayo ako sa kanya, dapat na rin akong lumayo sa'yo dahil maaaring kailangan din kita pero ikaw? Laruan lang ako sa mata mo, Herra," napalunok ako sa sinabi niya. "'Yan ang eksaktong mga salita na sinabi niya sa akin noon kaya imbes na pilitin ko siya na lumayo sa'yo, pinilit ko na lang ulit maging parte nang buhay niya. Kahit alam kong huli na ang lahat."

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon