Chapter 49: Self-help

12 3 0
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucine.

"Happy birthday, Lucine!" maligayang bati nila sa akin.

Napatingin ako sa kanilang lahat at bawat ngiti nila ay nagliliwanag sa mata ko. May hawak silang mga balloons na nakaukit ang letters ng pangalan ko. May 'Happy Birthday, Lucine' na nakasulat pa sa cartolina at nakadikit sa pader.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob at hindi ko akalain na naalala pa nila ang birthday ko. Malamang, kay ate Mercy nila ito nalaman. Na tuwing pumapatak ang panahon ng Pasko, nagiging panahon din ito ng kaarawan ko.

Lumapit sa akin si Stef dala ang cake na hawak niya at inabot iyon sa akin. "Happy birthday, Lucine." aniya saka marahang nag-iwan ng halik sa noo ko.

Pero imbes na bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya, agad na hinanap ng mata ko si Hel. Nakangiti siya sa akin at kinindatan lamang ako.

"Namumula na yata mga pisnge mo? Hindi ba halata na gusto ka ni Hel?" ngiti niya. "Hanggang ngayon, halata naman na gusto ka niya. At 'yon ang isa sa mga dahilan bakit kami nag-away dati..."

Bakit ba bigla ko na lang naalala ang mga sinabi ni Herra sa akin?

"Lucine, okay ka lang?" inalog ako ni Stef. Doon ko lang nakita na nakatingin na pala ang lahat sa akin habang nakalapag ang cake sa table. "Namumula ka ah."

Birthday ko ngayon, hindi ko muna dapat isipin 'yon.

May mas mahalagang bagay pa sila na dapat malaman.

"Syempre, ikaw ang nasa tabi ba naman ng kapatid ko eh. Pero Stef ah, bawal muna ang relationship. Aral muna kayo. Saka alam mo naman ang kalagayan ni Lucine hindi ba?" pabiro ni ate Mercy.

"Mag-aral muna kayong mabuti, bata pa naman kayo eh." dagdag na payo ni kuya Joel.

"Naku, kayo talaga ang favorite ship ko!" tili ni One. Akala ko ay gusto niya si Stef pero mukhang talagang malapit lang sila sa isa't isa. "Pero tama si Ate Mercy at Kuya Joel, aral muna tayo. Kapag tama na ang lahat, puwede na diretsong kasalan."

"Kasalan agad? Birthday muna ni Lucine ang unahin natin! Lucine, nineteen years old ka na ngayon 'di ba? Patay ka. Simula na ng tanda years mo." natatawang asar ni Haven.

"Por que mas matanda ka sa amin eh ginaganyan mo na kami? Don't mind him, Lucine. Maganda ka pa rin naman kahit tumanda ka na. Mas maganda nga lang ako nang kaunti." ngiti sa akin ni Herra.

"Ako na mag-blow ng candles, wish ka na lang ah?" natigil ako nang agad na yumuko si Hel sa cake at hinipan ang mga kandila. Nang inangat niya na ang kanyang mukha ay nakita ko agad ang maliwanag na ngiti sa mukha niya.

Pumikit ako at ang tanging hiniling ko lang ay ang tanggapin nila ako kung sino man ako. Na sana ay matanggap nila ang nakaraan ko at kung ano ako ngayon. O kahit hindi na nila ako matanggap pero sana hindi sila lumayo o matakot sa akin. 'Yon lang.

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon