Chapter 58: Why does the moon shine?

23 3 1
                                    

Lucine.

"Good night, Lucine." ani Stef nang marati namin ang hotel room ko. Tinignan niya ang relo na suot. "Ah, good morning na pala. Halos alas kuwatro na rin nang madaling araw. Matulog ka na rin agad, ah?"

"G-good morning din. Matulog ka na rin." binuksan ko na ang pinto. "Sige, una ka na."

"Sige, mauuna na ako. See you later!" ngiti niya.

Tumango ako at sinarado na ang pinto. Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos at napasandal ako sa pinto. Pakiramdam ko ay hindi na ako makakatulog. Hindi ko maiwasang isipin na para akong nangloloko! Gusto ko si Stef... pero iba naman ang nasa isip ko?

Posible ba 'yon?

Sabi nila, normal sa mga gaya namin na nasa adolescent stage na malito at hindi maunawaan ang nararamdaman namin.

Ah, bahala na nga!

Naisipan kong lumabas muli. Sinilip ko muna kung wala na sa labas si Stef bago ako tuluyang lumabas at sinarado ang pinto. Kailangan kong maglakad at makapag-isip. Hindi na naman ako kumakalma eh.

Nang makarating ako sa park na tabi lang ng hotel halos at kung saan din kami nag-jogging nang nakaraan, natuwa ako nang makita na magdamag pala iyon bukas para sa lahat. May mga nakabukas na lamp posts at may mga nagru-ronda rin para makasigurado sa kaligtasan ng mga pumapasyal. May mga ilang pumapasyal na rito pero bilang na lang sila sa kamay.

"Hay," naisipan kong umupo sa isa sa mga bench. Tumingin ako sa kalangitan at marami pa ring bituin kahit halos kaunti na lang ay magliliwanag na ang kalangitan. "Malapit na mag-umaga pero hindi pa rin ako nakakatulog."

"Oo nga eh. Malapit na mag-umaga pero ikaw pa rin ang nasa isip ko." halos mapatalon ako nang makita na nasa tabi ko na si Hel.

Ilang beses ko pinikit at minulat ang mata ko pero hindi siya nawawala. Totoong nasa harapan ko siya! Anong ginagawa niya rito?

"H-hel?" tawag ko sa kanya pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa kalangitan. "Anong ginagawa mo rito?"

"Naglalakad-lakad din ako, narinig ko kasi ang usapan n'yo ni Stef kanina. Hindi na tuloy ako makatulog. Muntik ko na makalimutan na una pa lang, talo na ako." ngumiti siya.

Napakagat ako sa labi ko pero tumingin din ako sa kalangitan gaya niya. Nakikita pa rin ang buwan na nasa gasuklay.

"Bakit ka naman matatalo? Wala naman ako sinagot sa kanya kanina."

"Talo ako hindi dahil sa mas malaki ang posibilidad na gusto mo siya. Talo ako dahil gustong-gusto pa rin kita kahit siya ang gusto mo. Mukhang tanga pero ayos lang."

"Tss. May sinabi na ba akong siya na ang pinipili ko? O ikaw na ang pinipili ko? Akala ko ba ay kaya mong maghintay?"

"Kaya kong maghintay pero hindi ko kayang umasa. Dalawang magkaibang bagay 'yon."

"Bata pa tayo. Wala pa rin sa isip ko na mamili sa kahit sino. Wala pa sa isip ko ang relasyon. Nang umamin ako na gusto ko si Stef, hindi dahil sa gusto ko magkaroon kami ng relasyon, umamin ako sa kanya para lang malaman niya. Para lang magkaroon ako nang katahimikan kahit saglit lang. Pero hindi ko inaasahan na ibabalik niya sa akin ang nararamdaman ko, hindi ako umaasang magugustuhan n'yo akong dalawa."

"'Yon. 'Yon lang din ang gusto kong marinig," natigil ako at napatingin ako sa kanya. "Masaya na akong malaman na wala kang pinipili. Kailangan mo pa matuto, Lucine. Marami ka pang dapat matutunan, kailangan mo pa madapa nang marami beses, kailangan mo pang mabuo ang mga piraso mo at mahalin kung anong mabuo mong larawan. Ang pag-ibig, para lang 'yon sa taong handa at hindi na nagmamadali."

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon