Chapter 34: Last question

19 5 0
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucine.

"You are Lucine, right?" aniya. "Nice meeting you. Finally, nagkita na tayo rito."

"K-kilala mo ako?"

Bubuka na sana ang kanyang bibig nang umalingawngaw ang ingay ng bell sa kabilang side kung nasaan sila Hel. Itinaas ni Hel ang tela na tanging naghahati sa tent at saka siya pumasok sa loob. Sumaludo siya sa akin... at kay One nang magkatinginan din sila.

"Ngayon na magsisimula ang five minutes ninyo para makilala ang isa't-isa." anunsyo niya. "Kailangan ninyo magbigay ng sampung impormasyon na dapat nila malaman tungkol sa inyo. Dapat ang mga impormasyon na iyon ay mas makikilala nila kayo dahil doon. Pagkatapos, isusulat n'yo ang mga impormasyon na ibinigay n'yo at pipili kami ngayon ng dalawang impormasyon na puwede namin itanong sa inyo." tumingin siya sa kanyang relo. "In three, two... go!"

Humarap sa akin si One. "Mauuna ako magbigay ng information at dapat parehas lang mga sasabihin natin na tanong para hindi tayo mahirap tandaan ang lahat. Salit-salitan lang tayo, okay?"

"S-sige..."

"Hmm, ano ba..." nag-iisip na rin siguro siya ng ibibigay na impormasyon sa akin. Sa totoo lang, kahit ako ay walang maisip. "One ang tawag nila sa akin dahil iyon ang acronym sa pangalan ko. My full name is Odessa Nicole Estrella. How about you?"

"F-full name ko ay Lucine Moons. Lucine ang napiling ipangalan sa akin dahil ang meaning 'non ay liwanag mula sa buwan. I-ikaw?"

"Ang ganda pala ng meaning 'non, ah. Ako kasi ay wala naman kahit anong meaning. Gusto lang talaga ng mama at papa ko na lahat kaming anak nila ay One ang magiging acronym ng pangalan. Parang gusto nilang iparating na kami ang iisang treasure nila..." tumingin ako sa kanya at mukhang masaya talaga siya habang kinukuwento iyon. "Ang pangalan ng mama ko ay Olivia at ang papa ko naman ay Nicholas ang pangalan. Eh ikaw?"

Kahit hindi ko nagugustuhan ang kapupuntahan ng tanungan namin ay pinilit kong huminga nang malalim. Hindi naman kami siguro darating sa punto na pati iyon ay mapag-uusapan namin. Tama, Lucine... wag ka masyadong matakot. Hindi kayo darating sa topic na iyon.

"Ang pangalan ni mama ay Lumienne. Ang kay papa naman ay Mercury." kailangan kong ibahin ang usapan. "Eh anong paborito mong pagkain?"

"Adobong manok! Sarap 'non lalo na kapag si mama ko ang nagluluto. Ikaw, anong paborito mong luto ng mama mo?"

Napalunok ako sa tanong niya na iyon. Hindi ko alam kung paano magsasalita at tila kahit ang paghinga ko ay natigil. Kahit anong gawin ko ay lumalapit kami sa usapan na iyon.

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon