Chapter 7: Just be yourself

50 14 55
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucine.

"Lucine, sigurado ka ba na papasok ka sa mall ng ikaw lang mag-isa? Puwede naman akong sumama kung gusto mo." tanong sa akin ng family driver namin na si kuya Joel pagkatapos niya mai-park ang sasakyan.

Nagsuot ako ng jacket at face mask. Bawal sa mall na ito ang shades kaya wala naman akong magagawa kung hindi ito lang muna ang suotin. Nilabas ko rin ang dalawang gloves sa bag ko at sinuot ito saka ako lumingon kay kuya Joel. "Kaya ko na po ang sarili ko, kuya. Ayoko na maabala ko rin kayo. Tatawagan ko na lang po kayo kapag magpapasundo ako. Salamat kuya!"

Bumaba na ako nang tumango siya bilang tugon. Alam ko na marami pa siya gagawin pag-uwi at magiging isang abala lang ang pagsama niya sa akin sa mall. Saka gabi naman na, kahit maraming ilaw kesa sa umaga, mas sigurado ko naman na ligtas ako dahil kanina pa bumaba ang araw at buwan na ang pumalit sa puwesto niya.

Nang makapasok ako sa mall ay nilagay ko agad sa harap ko ang dala kong bag para sa inspection ng security guards. Natigil ako nang pagkatapos niyang tignan ang bag ko ay hinarang ng babaeng guard ang kanyang braso. "Ma'am, pakitanggal na lang po ng hood n'yo. Para lang po sa security."

Wala akong nagawa at binaba ko na lamang ito. Pagkatapos n'on ay pinapasok niya na rin ako sa loob. Naalala ko, bawal din pala isuot ang hood dito para maiwasan ang mga magnanakaw na maitago ang mga mukha nila. Buti na nga lang at hindi pinatanggal ang face mask na suot ko. Public place pa naman ito, baka bigla ko na lang hindi kayanin.

At dahil gabi nga, mas maraming ilaw ang nakabukas kesa sa kadalasan kaya madalas ay nahihilo ako kapag tinitignan ang mga ito. Hindi ko alam kung dahil pa ba ito sa phobia ko o dahil sa hindi na rin ako sanay na makakita ng sobrang maliwanag na ilaw. Yumuko na lang ako habang naglalakad. Kahit papaano, kabisado ko naman ang pupuntahan ko.

Hindi nagtagal ay nakarating ako sa music store kung saan maraming music instruments ang nakalagay sa bawat sulok. May mga piano na maliit at may malaki rin. May guitar, violin, at marami pang iba. Linggo na ng gabi pero naisipan ko pumuta para rito... ito kasi ang gusto ni ate Mercy.

Mahilig kasi sa music instruments si ate Mercy. Mula pagkabata, halos lahat ng klase para sa instruments ay kinuha niya dahil hilig niya talaga ang tumugtog. Marunong siyang mag-guitar, mag-piano, mag-violin, at pati na rin ang mag compose. Halos isipin ko na nga na iyon ang kukuhain niyang kurso, nagulat na lamang ako ng fashion designing ang kinuha niya.

Simula kasi nang mag-away kami nitong sabado, hindi niya na ako kinausap pa. Kinakausap niya man ako, tuwing kakain lang. At halos wala na nga siya sinasabi kapag nag-uusap kami. Saka ko lang naisip na nag-away pala kami kaya siya naging cold sa akin. Wala akong ibang maisip na paraan para mapagaan ang loob niya kaya naisipan kong pumunta sa mall.

Tumikhim ako at huminga nang malalim. In hale and exhale. Kaya mo 'yan! Tatanungin mo lang kung magkano ang violin at bilhin agad. Walang mahirap sa gagawin mo.

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon