Chapter 6: The second type of a person

72 14 58
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucine.

Halos isang linggo na ang lumipas simula nang makilala ko 'yong Stef... at hanggang ngayon, hindi siya tumitigil sa pagpilit na maging kaibigan ko. Sa loob ng isang linggo na 'yon, lagi siyang sumasabay sa aking kumain sa canteen, minsan ay hindi pa kasama ang kaibigan niya. Hindi ko naman maitaboy dahil alam ni ate Donna na magkaibigan kami.

Napailing na lang ako. Bakit ko ba biglang naisip 'yon? Biyernes na ng gabi, kagagaling ko lang sa school at nakauwi na ako sa bahay kaso ginutom ako bigla, nandito ako sa loob ng Eight Twelve na convenient store, at nasa harapan ko ang mga nakasabit na mga pekeng gagamba sa net nila. Kaya rin hindi ako masyadong naliliwanagan dahil ang gamit nila na mga bumbilya ay mahina na liwanag lang ang nilalabas. Display nila ito dahil siguro sa buwan ng November ngayon at malamang ay parte ito ng halloween para makisabay sa nauuso na panahon.

Bakit ko pa kasi tinignan 'yong gagamba na 'yan kung puwede ko naman iwasan?

Umiling ulit ako. Tama, ayoko na talaga maisip ang tungkol doon! Inayos ko ang suot ko na hood at shades bago ako pumunta sa section ng cup noodles. Kinuha ko ang jjampong na paborito ko at pumunta sa cashier para magbayad. Kailangan ko alalahanin na pagkain ang pinunta ko rito at hindi ang maalala sa gagamba ang Stef na 'yon.

Nakayuko kong inabot ang cup noodles at ang pera na ibabayad ko. Hindi pa rin kasi ako sanay sa mga tao na hindi ko kilala at saka sa pwesto niya lang may bumbilya na sobrang liwanag. Nanginginig pa nga lang ako sa isipin na i-angat ang ulo ko sa liwanag na 'yon.

"Oh, nandito ka pala!" halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Dahil kilala ko na ito, hindi ko na lang inangat ang mukha ko. Inabot ko lang ulit ang dala kong cup noodles kahit nanginginig na ang kamay ko. "Ah sige, pasensya na. Nagulat lang ako na makikita kita rito."

Siya ang kaibigan ni Stef. Sa lahat talaga ng lugar ay rito pa kami nagkita. Kahit gabi na at alam ko naman na parehas lang kami halos ng schedule, nagagawa niya pa rin magtrabaho rito? Hindi kaya siya napapagod? Dahil ang alam ko, halos umaga na natatapos ang shift dito kung night shift siya.

"Ito na, Lucine." halos mabitiwan ko ang wallet na hawak ko sa gulat nang sinambit niya pangalan ko. Kinuha niya pa ang kamay ko at nilagay doon ang plastic kung saan nakalagay ang jjampong na cup noodles ko saka niya sinarado ang mga daliri ko at binitiwan ito. "Mukha kasing hindi mo na itataas ang mukha mo kahit kailan kaya nilagay ko na sa kamay mo. Balik ka na lang ulit doon sa cup noodles section at lagyan 'yan ng hot water kung gusto mo."

Tumango lamang ako sa kanya at mabilis akong pumunta sa cup noodles section at naglagay ng warm water sa jjampong ko. Kahit sa mainit na tubig ay ayaw ko. Pakirandam ko ay binibiyak ang tiyan ko kapag sinusubukan kong uminom nito. Pagkatapos ay lumabas ako sa convenient store at umupo sa isang table na nakalatag para lang sa mga customers nila. Mas gugustuhin ko na kumain dito dahil wala namang ilaw na at ang ilaw na mayroon lang ay sa entrance kaya may kakaunting liwanag pa rin naman ako rito.

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon