Chapter 26: Strawberry

19 5 4
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucine.

Tumigil ang motorsiklo ni Stef sa mall na malapit sa bahay daw nila. Kilala ko iyon dahil noong bata pa ako, halos dito ako lagi napunta... kasama sila.

Umiling ako. Ayaw ko munang maalala ang kahit ano ngayon dahil doon. Nandito ako at kasama ko si Stef. Hindi niya puwedeng makita ang ganito kong pagkatao. Mag-aalala na naman siya gaya sa nangyari nang nakaraan. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang takot sa mukha niya nang mag panic attack ako--

"Lucine, anong gusto mo na ice cream para mamaya? Strawberry o chocolate?" nabalik ang diwa ko kay Stef na may hawak na dalawang ice cream na magkaibang kulay at flavor. Isang kulay pink at isang kulay tsokolate. "Hindi ako makapili, eh. Paborito kasi ni Hel at Hera ang chocolate pero strawberry naman ang paborito ko..."

Kung iisipin, matagal na rin pala ang huli kong kain ng ice cream. Matagal na rin ang panahon kung kailan pinapili ako sa maraming flavor. Napatikhim na lang ako bago pa mas lumalim ang naiisip ko. "S-strawberry rin ang gusto ko."

"Ganon ba? Parehas ko na nga lang bibilhin. Bahala na." ngisi niya saka nilagay iyon sa may basket. "Hindi halata pero mahilig ka pala sa strawberry flavored. Pag may juice na strawberry si ate Donna sa tinda niya, lagi kang nakaka-tatlong baso."

"Kapag ganon ba, hilig mo na kaagad?" tanong ko dahil hindi ko alam kung talagang ganon ba kapag may hilig kang isang bagay.

"Hindi mo ba alam? Hmm..." tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Itong gagamba na nasa desinyo lagi ng cap na suot ko, gusto ko laging nakikita 'yan kasi hilig ko siya. Bata pa lang ako, mahilig na ako sa palabas at movie super hero na si spiderman. Sobrang hilig ko sa kanya na lahat ng tungkol sa kanya ay alam ko at tuwing may mga merchandise ako makikita, binibili ko agad. Ganon ko iyon kahilig. Kahit minsan wala na koneksyon sa spiderman, basta may design lang na gagamba... binibili ko na agad eh. Wala lang, hilig ko lang talaga."

Nagpatuloy na siya sa paglalakad at humabol ako sa kanya para magpantay ang lakad namin. Muntik ko na makalimutan na ganon nga pala ang totoong pakirandam kapag may nagustuhan kang bagay at naging hilig mo na iyon.

"Hilig ko pala ang strawberry?" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad.

Hindi ko alam kung bakit sa simpleng bagay na iyon, masyado na akong nagalak. Ganito ba ang pakirandam kapag may nagustuhan kang bagay? Ang sarap at nakakaaliw.

Bili na rin kaya ako ng mga gamit na may strawberry na design?

--

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami dahil sa buong byahe ay nakapikit lang ang mga mata ko. Hindi naman siya mabilis magpatakbo pero hindi ko maiwasang ipikit ang mata ko sa takot na kung anong makikita ko sa daanan.

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon