Chapter 23: Building trust

26 4 5
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucine.

"Ang tanging masasabi ko lang Lucine, nasa sa'yo na kung maniniwala ka dahil ikaw 'yan eh pero... the things that they told you are quite different from the things you will learn about me." aniya na nagpatigil sa akin. "Sige, una na ako."

Tumalikod siya sa akin at naglakad na siya na bagsak ang mga balikat. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Hindi ko rin naman akalain na magiging ganito ang kalalabasan ng sinabi ko.

"H-haven!" tawag ko sa kanya na nagpatigil sa kanya sa paglalakad. "Mag-usap tayo."

--

Nag-usap kami sa bench na malapit sa quadrangle. Kahit maraming ilaw na nakabukas, natatakpan naman ito ng punong may katandaan sa itaas ko. Wala na rin ang mga estudyante na kadalasan mo makikita na naglalaro dahil halos alas onse na rin nang gabi. Mga kakaunti na estudyante na lang ang natitira. May ibang naglalakad, may mga nakaupo sa bermuda grass at nakikipag-usap sa mga kaibigan nila, at may mga gaya namin na nakaupo lang sa bench at tila may hinihintay.

Sa wakas, natapos na rin namin ni Haven ang magiging plano namin para sa darating na Psychology Week. Kung hindi dahil kay Haven, baka hindi na ako nakaisip na puwede kong gawin. Marami siyang suhestyon na naisip at halos lahat ay nagustuhan ko kaya hindi naging mahirap ang lahat.

"S-salamat pala sa pagtulong at pagpayag sa akin na maging partner kita ha? 'Di ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ikaw ang naging kasama ko rito..." tinignan ko soya at ngumiti siya sa akin. "Tungkol pala sa kanina... kaya ayokong makipag-partner sa'yo ay dahil sa mga narinig ko na sinasabi nila tungkol sa'yo. S-sa totoo lang, hirap ako makipagkaibigan at lalong mahirap sa akin ang magtiwala sa iba. Hindi ako naniwala sa mga sinabi nila, pero hindi ibigsabihin n'on na naniniwala ako sa'yo. Kaso... naisip ko na sino ba ako para husgahan ka? Hindi pa kita kilala at hindi ko rin alam kung tama ang mga sinabi nila tungkol sa'yo, naisip ko na mas maganda na marinig ko ang lahat mula sa'yo. S-sorry kung ganito ako mag-isip. Hindi ko akalain na nahusgahan na rin pala kita sa ginawa ko." nakayuko kong sabi habang tinitignan ang mga kamay ko na ngayon ay panatag na.

Tinapik niya ang likod ko kaya bumaling ako sa kanya. Hindi ko man lang makitang nagalit siya kahit kanina. "Hush yourself, Lucine. To be honest, I was glad that you told me the truth. Nasanay na kasi ako sa mga tao sa paligid ko na magpapanggap na walang naririnig tungkol sa akin at sa katagalan, magugulat ka na lang dahil isa na sila sa mga sumisira sa akin. Hindi ko ginustong maging anak ng isa sa mga shareholders ng school, pero tingin nila sa akin, mayabang porket lagi akong active sa bawat event na ginagawa ng school... if that's a sin, I'll truly regret it. Kahit kailan, hindi ko pinangarap na maging anak ng shareholder sa school."

Nakinig akong maigi sa kuwento niya. "Iniisip nilang lahat na kapag mayaman ka, you're taking everything for granted. Mula pagkabata ko, lagi kong iniisip na lahat ng bagay ay dapat kong paghirapan. Kaya kahit hanggang ngayong college na ako, sumasali ako sa mga contest, sa Student Council, mga organization na puwede ako makatulong, at sa basketball na rin. Gusto ko mapakita na hindi lang ako bastang mayaman na walang kayang gawin para sa sarili niya... kaso hindi ko akalain na sa mata ng iba, they would see me as arrogant and nothing but a handsome and rich guy..."

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon