Chapter 31: Impossible

15 6 2
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lucine.

"Ang mama ko, dati ay nagkaroon siya nang matinding depression," nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. "Pero ngayon, wala na siya... dahil sa akin."

"B-bakit? Paano?" tanging nasambit ko... kahit na alam ko na ang depression ay walang kahit anong dahilan para magsimula. Biglaan mo na lang iyon nararandaman.

Kahit gaano ka kasaya, kahit gaano ka-perpekto ang panahon, kahit walang ulan at hindi mataas ang sikat ng araw, ang kalungkutan ay gumagapang sa buong katawan at sistema mo na tila hinihila ka nito para hindi gawin ang mga gusto mo at sa katagalan, iyon ang tatapos sa mga kasiyahan mo.

"Nagkaroon siya ng major depressive disorder noong fourth year high school ako. Iyon ang uri ng depression na umaabot ng two weeks hanggang two months at ganon nga ang nangyari sa kanya. Pero kahit kailan, hindi ko iyon napansin o kahit sino sa aming magkakapatid. Pero ako lang ang tanging naiiwan sa bahay dahil ang dalawang kapatid ko ay may sariling pamilya na at ang papa ko naman ay nagtatrabaho sa Cebu dahil sa project na binigay sa kanya roon. Ako, ako ang nandoon pero kahit kailan hindi ko nakita..."

"Marunong magtago ng kaulungkutan niya si mama. Kahit kailan, hindi ko nakita ang depression sa mukha niya. Wala rin kahit anog dahilan pero ang hindi ko alam, na-scam na pala siya ng dati niyang kaibigan na mas nagpalala sa depression na dinadala niya. Sinabi niya iyon sa akin at alam mo kung ano lang sinabi ko? Sabi ko, magiging okay din ang lahat. Na kalimutan niya na ang perang nanakaw sa kanya dahil babalik din sa kaibigan niya ang ginawa niya."

"Pero ang hindi ko alam, ang ikinalulungkot niya ay ang tanging kaibigan na mayroon siya... pinagtrayduran siya. Hindi ko alam na tanging mga maling salita ko at ang pagtraydor ng kaibigan niya ang tatapos sa buhay niya. Kinaumagahan 'non, nakita ko na lang ay ubos na ang tatlong bote ng mga gamot na iniinom niya. Overdosed of drugs ang ikinamatay niya... at ang tanging naiisip ko noon, kung hindi ba iyon ginawa ng kaibigan niya, nandito pa rin kaya siya sa tabi namin?"

"Wala akong ibang sinisi kung hindi ang kaibigan na iyon ni mama. Kahit na nahuli na siya, galit na galit pa rin ako sa ginawa niya. Hindi ko siya mapatawad. Kaya nang makilala kita Lucine, naiintindihan ko kung bakit ayaw mo magtiwala agad kaya maigi kong inipon ang tiwala mo. Kaya nang makita kitang nakipagkaibigan agad kay Haven, nagalit ako. Nagalit ako dahil natatakot ako na baka maulit ang nangyari sa mama ko. Nagtiwala siya masyado at sa huli, iyon ang pumatay sa kanya. Natakot akong mawala ka... at dahil pa sa kaibigan mo."

"Pero nang mag-usap tayo sa Eight Twelve at sinabi mo na sinusubukan mong magtiwala sa kanya... tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad kahit wala kang mali at ako ang may nasabing hindi maganda. Doon ako tinamaan ng realidad. Naisip ko, hindi kaya ang mga salita ko ang tumapos din sa buhay ng ina ko? At ang nagawa ko sa kanya ay maaaring nagagawa ko lang din sa iyo?" pinunasan niya ang mga luha niya sa kanyang pisnge. "Kung imbes na sabihin ko ang salitang iyon at nanatili na lamang ako sa tabi niya at pinarandam kung gaano ko siya kamahal, hindi kaya mas nanatili siya ng matagal? Kung imbes na magalit ako sa'yo at pagsabihan ka sa kung anong dapat mong gawin, hindi kaya mas makakagaan sa loob mo kung mananatili na lang ako sa tabi mo at tanggapin kahit ano ang mabuo mong desisyon? Masyado ako naging makasarili."

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon