Chapter 24: The fourth type of a person is ideal

21 4 5
                                    

Lucine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucine.

Sa wakas, Friday na rin.

Kagabi ay inayos ko na ang mga gamit ko para sa gagawin namin ni Haven sa susunod na linggo. Hindi ko pa sigurado kung papayagan kami sa plano namin pero dahil madali lang naman iyon, sana pagbigyan kami ni Mr. Crisostomo na iyon ang gawin.

"Ate, salamat po ulit sa paghahatid." lumabas na ako sa sasakyan at ngumiti ako sa kanya bago ko sinuot ang face mask ko.

"Walang anuman, make sure lang na magugustuhan ng professor mo ang proposal project mo ha?" aniya. Tumango naman ako bago niya pinaandar ang kanyang sasakyan at umalis.

Si ate Mercy kasi ang tumulong sa akin na magawa ito. Hindi ko kasi alam paano ilalagay sa mga salita ang gusto kong iparating. Buti na lang at nakita ako ni ate kagabi na walang ibang ginagawa kung hindi ang magpunit ng papel sa notebook ko dahil puro mali ang naiisip kong mga ideya.

Nang malapit na ako sa room ay nilabas ko agad ang copy ng proposal na nakalagay sa kulay asul na folder. Pumunta na ako sa upuan ko at gaya ng dati, wala pa rin sila Stef at Hel sa puwesto nila. Naiisip ko pa lang sila, pumapait na ang sakit sa dibdib ko. Ilang araw na rin kasi akong hindi kinakausap o pinapansin ni Stef at hindi ko rin naman alam ang dahilan.

Pero ang alam ko lang, simula nang napag-usapan namin ang tungkol sa pakikipagkaibigan ko kay Haven nang nakaraang gabi, iyon na ang naging simula ng pag-iwas niya sa akin. Pakirandam ko, ang dami kong mali na nasabi sa kanya pero hindi ko man lang nagawang humingi ng tawad sa kanya o subukan na kausapin siya dahil baka lalo niya lang akong iwasan.

Hindi pa nagtagal ay kasama na nila ang professor namin na pumasok sa loob ng room at tumatawa pa ang dalawa habang pinagsasabihan sila ng professor namin dahil siguro sa late na naman sila. Nang papalapit na sila sa puwesto nila ay agad akong umiwas sa kanila ng tingin. Kahit tuloy ako ay hindi mapigilang umiwas sa kanila.

Napaurong naman ako nang marandaman kong may umupo sa tabi ko. Nilingon ko iyon pero hindi ko alam bakit iba ang inaasahan kong makikita ko na tatabi sa akin. Si Hel. Hindi naman kasi siya kahit kailan tumatabi sa akin kapag ganitong may klase kami, si Stef lang. Akala ko tuloy ay magkakaayos na kami.

Ngumiti siya. "Ako muna tatabi sa'yo ha? Pakirandam ko, lumalabo na mga mata ko eh."

Paanong naging mas malapit dito eh nasa iisang hilera lang naman ang upuan namin? Napailing na lang ako. Mga dahilan talaga ni Hel minsan. Kumpara sa kanilang dalawa ni Herra, mas malapit pa ang loob ko sa girlfriend niya dahil sa mas madalas ko iyon makausap kesa kay Hel. Si Hel kasi ay minsan lang ako kausapin at kung kakausapin niya man ako, parang laging may ibigsabihin... na hindi ko alam. Baka pakirandam ko lang naman iyon dahil sa ganon lang talaga si Hel. Madaldal siya pag gusto niya. Tahimik din siya pag gusto niya.

Why Does The Moon Shine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon