*Cath P.O.V*
Mahigit isang oras na akong nakadapa sa malambot kong kama habang tinititigan ang mga pictures niya.
Hindi maalis ang mga ngiti sa labi ko habang tinititigan ang naka ngiting litrato ng nag-iisang,
SETH CORTES.
Ang first Crush ko!
I'm too young to feel this damn feelings... pero 'yon ang totoo, crush ko siya.
Crush lang naman. Anong masama do'n? Yung iba nga diyan 10 years old palang naglalandi na, how much more ako na 13 years old na.
Ahead lang ng 2 years si Seth sa akin dahil 15 years old na siya ngayon.
Oh diba? Perfect!
Napalingon ako sa pintu-an ng room ko nang bigla itong bumukas at pumasok si mommy.
"Are you ready baby? Let's go." Sabi ni mom.
"Yes mom! Wait for me downstairs.." excited na sagot ko.
Pupunta kasi kami ngayon sa Airport para sunduin ang mga kaibigan nila ni Daddy.
Galing silang Canada, 5 months na silang nakatira doon. At babalik na sila ulit ng Pilipinas at napagkasunduan nilang dito na rin lilipat sa subdivision na tinitirhan namin.
Sina tito kenneth at tita Jen. Magkaibigan na sila ng mga parents ko since highschool pa lang sila hanggang ngayon.
Magbabarkada daw sila noong college, kaya sila na rin ang nagkatuluyan.Si mommy at daddy,
ganun din si tito kenneth at tita Jen at anak nila ang nag-iisang crush ko.
Si Seth Cortes.
Hindi ko pa nakikita sa personal si Seth ganun din ang mga parents niya dahil sa Mindanao talaga sila nakatira.
Hindi pa raw kami naipapanganak napagkasunduan na nilang, ang mga anak din nila ang magkakatuluyan someday.
And I'm happy to tell you that... It is me and Seth.
Pero naisip ko lang,
May katangahan din pala silang taglay.Paano kung naging lalaki ako? Ipapakasal pa kaya nila ako kay Seth?
Woaaa! Same gender? Magpapakasal? Buti nalang at naging MAGANDANG babae ako. Hihi.
Naiinip na akong naghihintay dito sa Airport ngunit hindi pa rin dumadating yung hinihintay namin.
Kaya nagpaalam muna ako kina daddy na pupunta ng Comfort Room.Upang magpaganda! Choouurr!
Hindi naman kailangan eh, maganda naman na ako.Medyo malayo na ang nalakad ko ngunit hindi ko pa rin nakikita ang bwesit na Comfort Room na yun!
Napatigil ako nang may dalawang babae ang lumapit sa akin at halatang mga pulubi sila.
Seriously? Bakit Hinahayaan nilang pagala-gala ang mga pulubing 'to dito? Bawal to eh, gagawan ko to ng Report! Charr.
"Palimos po.." sabi ng isa at sabay silang naglahad ng palad sakin.
Wala akong dalang wallet dito dahil iniwan ko yun kina daddy... Gusto ko mang magbigay pero wala naman akong maibibigay sa kanila.
"Wala akong dalang pera!" Sabi ko sa kanila.
"Tse! Akala mo kung sinong maganda! Don't me girl" sabi ng isang babae.
"Oo nga ang damot! Tara na nga I hate wasting my time sa mga hampas lupa!" Dagdag naman ng isang pulubi.
Really? Wow hah ako pa talaga ang kinakalaban niyo hah. We'll see....
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...