Chapter 9

540 26 14
                                    

I'll Stay Away Far From You
  
       

Masakit ang ulo ko na bumangon sa kinahihigaan ko. Dito na pala ako nakatulog sa sofa kagabi?

Bumangon ako at tinungo ang room ko upang mag impake. Kailangan ko ng umalis dito. Nandun naman si kuya chris at yaya sa bahay eh kaya may kasama naman ako dun. At saka babalik na rin bukas si mommy at daddy.

Tama si Seth. Lalayuan ko na siya. Mas lalo lang akong masasaktan kapag nagpatuloy pa ako sa katangahan ko. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya kaya it's the right time para mag move on.

Pagkatapos kong mag impake, pumunta ako sa kusina upang kumain muna nagugutom na kasi ako. Hinagilap ng paningin ko si Seth ngunit hindi ko siya makita, nasaan na kaya 'yon? Baka natutulog pa?

Woah! Bakit ko naman siya iniisip? Diba nga gorl? Mag-momove on ka na?

8 am na nang makatapos akong kumain. Lalabas na sana ako ng bahay nila nang hinarang ako ng bobitang si Fanny.

"Get out on my way!" At tinaasan ko siya ng kilay.

"Don't block the drive way po 'yon maam! Tanga ka ba? Nabasa ko 'yon sa Gate ng bahay."

"Whatever! Bobita!" Singhal ko sa kanya.

"Maam aalis na po ba kayo? Nag away ba kayo ni Sir? Naghiwalay na ba kayo? Sabi ko na nga ba eh, walang forever." Binatukan ko siya! Puro kalokohan eh!

Tinulak ko siya upang makadaan at pumunta na ako sa gate. Bubuksan ko na sana pero bigla na itong bumukas at pumasok ang lalaking kanina ko pa hinahanap.

Tiningnan ko siya from head to foot.
Pawisan, naka jersy, short at rubber shoes ito. Halatang nag jogging.

Oh my gosh. Why so hot?

Pumasok siya at ni lock ang gate.
"Padaanin mo ako!" Singhal ko sa kanya.

"Saan ka pupunta? Bukas pa babalik sina tito Castor ah?" May halong inis ang boses niya.

"Wala kang pakialam kung gusto ko ng umuwi! Tabi!" At binuksan ko na ang gate para makalabas ako pero maagap niya akong pinigilan. Hinawakan niya ang braso ko at hinila palayo sa gate.

Nabangga naman ako sa katawan niya sa lakas ng pagkakahila niya!

Kahit pawisan siya, mabango pa rin. Para akong nanghihina. Ganito na ba ako karupok sa kanya?

"Anu baaaaaaaa!" Keri lang.

Nagulat siya sa pagsigaw ko.

"Let me go!"

"Hindi ka pwedeng umalis hangga't hindi ka rito sinusundo ng parents mo kaya bukas ka pa makakauwi!"

"And who do you think you are to order that?!"

"Kapag sinabi kong dito ka, 'yong ang masusunod! Hear me? Dito ka lang." Sagot niya.

Woah! Ang kapal!

Binitawan ko ang bag ko at tinalikuran siya dahil pakiramdam ko namumula ang pisngi ko. Affected yata sa nadinig mula sa kanya.

"Ang kapal mo din ano? Mapagsamantala ka ng kahinaan ng ibang tao, wala kang pus----"
Natigilan ako sa pagsasalita nang paglingon ko ay wala na siya at ganun din ang bag ko na naglalaman ng mga gamit ko. Wengya! Naglahong parang bula ganun?

Nanangis ang mga bagang kong pumasok sa bahay nila at dumeritso papunta sa guest room ngunit wala doon ang bag ko.

Alam ko na kung saan niya dinala. Nasa kwarto niya! Brrrr, nakakainis!

I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon