Warning: Nasa seryosong part na tayo ng story. It means nalalapit na ang ending kaya kapit lang guys.😚
Masigla akong lumabas ng kwarto ko nang tawagin ako ni Yaya na nandito daw ang kaibigan kong si Farrah.
Napag-usapan kasi namin na magbi-bake kami ng cake at cupcakes dahil weekend naman ngayon at walang pasok."Hi Farrah!" Masiglang bati ko sa kanya. Ngumiti naman ito sakin.
"Ang sigla ng bestfriend ko!" Puna niya sa akin.
Ang sigla ko nga talaga ngayong araw at maging sa mga nagdaang araw. Okay na kasi kami ni Seth. Palagi na siyang may time para sa akin at araw araw na kaming nagkikita. Araw araw niya rin akong hinahatid sa bahay.
"Let's go to kitchen so that we can start?" Nauna na akong naglakad at sumunod din si Farrah.
Ito kasi yung bonding naming dalawa. We both love baking.
Kahit hindi pa kami masyadong marunong tina-try pa rin namin. Kaming dalawa lang naman ang kumakain pagkatapos at minsan binibigay ko kay kuya Chris.
"Far, okay na ba 'to? Hindi ba masyadong cheap tingnan ang design?" Tanong ko kay Farrah. Tinutukoy ko ang binake naming cake dahil ako ang naglalagay ng icing habang siya naman ay sa cupcake.
"Omg cath! Ang galing mo. Ang gandaaaaa.."
"Talaga? Sige itatabi muna natin 'to at kukunan ko mamaya ng picture at ipopost ko sa FB."
"Sure. Mauna na ako sa salas hah. Dadalhin ko na 'tong ibang cupcakes." Paalam niya.
"Sure. Tataposin ko lang 'tong isa pang ginagawa ko."
Napadungaw naman ako sa window ng kitchen namin nang may marinig akong pamilyar na boses. Napangiti ako nang mapagtanto kong si Seth iyon at kausap niya si kuya Chris sa labas.
Tamang-tama ipapatikim ko sa kanya 'tong cake na ginawa ko.
Binilisan ko pa ang pag lagay ng icing sa isa ko pang cake na ginagawa. Excited na akong ipatikim sa kanya ang mga 'to, baka mas lalo pa siyang mafall sa'kin kapag nagkataon.
Mga ilang minuto lang ang lumipas ay natapos ko na rin ngunit biglang nanliit ang mga mata ko dahil paglingon ko nahagip agad ng paningin ko si Seth na kinakain na ang cake kong binake kanina.
Nakakainis siya hindi manlang nagpaalam sa akin!"Hindi uso ang magpaalam? Nahiya ako!" Singhal ko sa kanya nang makalapit ako sa table.
"Nagugutom na ako e." Sagot niya sa akin habang nakatingin lang sa kinakain.
Nilapitan ko siya at hinampas sa braso.
"Bakit ba?" Inis na tanong niya sa akin.
"Hindi ko pa nakukunan ng picture 'yan eh." Reklamo ko sa kanya.
"Pwede mo naman kunan 'to ah. Kasama ako." Biglang uminit ang pisngi ko sa narinig. Kinilig na ba ako dun? Hinampas ko ulit siya sa braso.
"Nakakarami kana Catherine!" Saway niya sa'kin.
"Talaga ba? Nagustuhan mo ba 'yung ginawa ko?" Tanong ko sa kanya
"Gusto mong tikman?" Sabi niya sa akin at akma na akong susubuan. Napanganga naman ako pero bigla niya itong sinubo sa kanya. Wengya! Akala ko susubuan niya na ako! "Kumuha ka dun ng sarili mong tinidor kung gusto mo!"
"Ang sama mo talaga sa akin!" Angal ko sa kanya at inirapan siya.
"Magaling ka pala gumawa nito. Paano nalang kaya pag naging tayo? Palagi akong mabubusog nito." Sabi niya sakin habang nanunuyo ang boses! Kinilig ako dun enebe Seth dahan-dahan lang.
Kumuha muna ako ng tinidor at kumain na rin ng ginawa kong cake.
"Hindi lang tiyan mo ang mabubusog pati 'yang puso mo." Hindi ko napigilan na isagot yun sa kanya dahilan sa napangisi siya at ngumuso sa akin.
Emeged! He's so tease! Halik agad ang nais?
"Enebe! Wag dito makikita tayo." Sagot ko sa kanya habang kinikilig.
Napailing iling siyang tumayo at lumapit sa akin dahilan sa bumilis ang pagtibok ng puso ko. Napaatras ako hanggang sa macorner na ako sa pader. "Se-Seth wag dito!"Ngumisi lang siya at inilapit pa lalo ang mukha niya sa'kin. Now I feel his warm and minty breath.
Halos tumalon-talon na yung puso ko. Kainis 'to eh!
"May icing pa kasi sa gilid ng labi mo!" Narinig kong sabi niya sakin at pinahid ng daliri niya ang icing sa labi ko. "Never assume kasi ng kung anu-ano."
Bigla namang namula ang mukha ko. Nakakahiya nanaman 'tong ginawa ko. Pinahid niya lang pala ang icing sa bibig ko akala ko hahalikan niya na ako.
"Ehem!"
Mabilis naman siyang dumistansya sa'kin nang marinig namin ang tikhim at presensya ni Farrah.
"Kaya pala ang tagal niyo naglalampungan lang pala kayo dito." Naka-ngising sabi ni Farrah.
Sinamaan ko silang dalawa ng tingin at nag-walk out papuntang sala.
Never assume kasi Cath. Napapahiya ka tuloy. Sumalampak ako sa couch at napapikit. Bahala sila sa buhay nila.Hershee P.O.V
Nanghihina akong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama. I really miss this House. Lalong lalo na ang kwartong 'to. There's no place like home. Yung akala kong makaapak ka sa lupa ng sarili mong bayan at maamoy ang fresh air ng Pilipinas sapat na para mawala 'tong sakit sa dibdib ko pero hindi pa rin pala.
Kung iniisip niyong nasa Pilipinas na ako, well, tama kayo. Isa lang naman ang dahilan ko kung bakit ako bumalik ng Pilipinas, yun ay dahil kay Seth.
Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas na hindi kami naguusap, palagi siyang offline. Hindi na rin siya masyadong nagrereply sa mga chat ko at nalaman ko nalang na nagkakamabutihan na pala sila ng kababata niya.
Alam kong malaki pa ang chance ko na makuha siya kapag ipinaglaban ko 'tong nararamdaman ko. Minahal ako ni seth kaya madali lang para sa akin na mabawi siya.
Kapag nagmahal ang puso hindi basta-basta sumusuko kaya walang akong dapat sukuan. Lalong lalo na sa lalaking mahal ko.
A/N: tinatamad talaga akong magdraft eh, sadyang makulit nga lang yung bestfriend ko, nahiya naman ako sa kanya dahil pinagbigyan nya ako sa happy ending na hinihingi ko kaya pinilit kong mag UD kahit maikli lang😆😆
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...