Chapter 13

533 27 9
                                    

*18th birthday*

Hindi ako mapakali habang  palakad-lakad sa loob ng hotel. Dito kasi gusto ni mommy na venue para e-celebrate ang birthday ko. We have a lot of visitors. Most of them mga kasusyo nina daddy sa negosyo. Ang iba naman mga kamag anak namin.
Nandito rin sina tito kenneth at tita Jen pero si Seth ay hindi pa rin dumadating. Ang sabi niya sa akin ay makakauwi sila ngayon pero kahit text wala akong natanggap. Kahit isang greeting lang galing sa kanya wala!

Sumisikip ang dibdib ko.

Mas lalo akong napasimangot sa suot kong light pink gown. Sobrang haba kasi. Hindi ako makagalaw ng maayos.

"Hi Cath! Happy birthday!" Napangiti ako nang makita ko sa Farrah. Nakadress ito at dala dala ang gift niya para sa akin.

"Thanks sweety!" Nagbeso kami sa isa't-isa.

"Here's my gift!"

"Thanks again.."

"Wala pa ba yung hinahanap mo?" Tanong niya sakin at sinimangotan ko siya.

"Wala pa siya e!" Sagot ko at panay ang tingin sa entrance ng hotel at nagbabakasakali na dumating siya anumang oras.

"Enjoy your day Cath! Smile ka naman kahit konti. Maraming dahilan para sumaya ka sa kaarawan mo. Look at the people around you! Maging masaya ka nalang para sa kanila at nagbigay pa ng time para makicelebrate sa kaarawan mo." Pagbibigay ng advice sakin ni Farrah. Kahit papanu medyo gumaan yung pakiramdam ko. Siya lang talaga ang nagiisa kong kaibigan na totoo sa akin.

Hinatid ko siya sa isang table kung saan nandun na din ang mga pinsan ko na hindi ko naman masyadong close. Nginitian ko lang sila at nagpaalam para kausapin pa ang ilang mga bisita.

"Happy birthday, sweety!" Sinalubong ako ni tita Jen at humalik sa akin.

"Thank you tita."

"Hindi pa ba tumatawag si Seth sa 'yo sweety? Dadating pa ba siya? Sana kasi hindi ko nalang siya pinayagan na maging representative ng school nila." Ani tita Jen.

"No, it's okay tita. Marami pa namang birthday ang darating eh. Nagkataon lang talaga siguro ngayon na hindi siya makakadalo." Paliwanag ko naman  sa kanya. Ayokong pagalitan niya si Seth.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas hindi na ako nakatiis pa at pumunta na ako sa hindi mataong lugar para tawagan siya. Hindi talaga magiging masaya ang birthday ko kapag wala siya! I swear!

*ringing*

"Hello Cath.. happy birthday!" Bati niya sa akin pagkasagot niya sa tawag ko. Napangiti naman ako nang marinig ko ang boses niya.

"Thank you. Where are you? Ang sabi mo makakarating ka ngayon diba? Magsisimula na ang 18 roses at 18 candles." Sabi ko agad sa kanya.

"Ah, I'm sorry Cath. Nandito pa rin kami sa Cebu! Hindi na talaga siguro ako makakarating. Bukas pa daw kami uuwi." Bigla akong nanghina sa narinig.

"Bakit? Hindi pa ba tapos ang seminar niyo?" Pakiramdam ko ay iiyak na ako sa sobrang sama ng loob! Ang unfair naman ng araw na 'to. Sana hindi nalang ito ang araw ng birthday ko.

"Kaninang umaga pa natapos. Pero ang sabi ng coordinator ng seminar bukas pa raw kami babalik diyan." Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nagsilaglagan.

I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon