Chapter 4

518 28 4
                                    

   

Kahit na nagalit siya sa akin kanina hindi ko pa rin siya tinigilan. Hinintay ko siya sa gate para sabay na kaming umuwi.

Mas mabuti sana kung pinapayagan na kami ng parents namin na gumamit ng sariling sasakyan. Ayaw pa nila dahil ang bata pa raw namin at delikado pa.

Kaya sobrang hassle minsan ang magcommute. 

Nakatayo lang ako sa tabi niya habang nag aabang siya ng taxi. Hindi naman nagtagal may tumigil ding taxi sa harap namin at sumakay na kami. Hindi pa rin siya nagsasalita, abala siya sa kanyang cellphone.

Sana naging cellphone nalang ako, para ako na ang pagkaabalahan niya. Huhuhu

Nang makarating kami sa labas ng subdivision hindi na kami nagpahatid pa. Mas prefer namin ang maglakad with matching holding hands. Hehe wala palang ganun.

Mabilis siya kung humakbang hindi ko nanaman siya mahabol kaya parang nag jog ako para makasabay sa kanya.

"Ang bilis mo!" Reklamo ko sa kanya.

Hindi ko napansin na may malaking bato pala na nakaharang sa unahan ko kaya natalisod ako at tumama ang dalawa kong tuhod  at dalawang siko sa sementadong kalsada.

"A-aray!" Napadaing ako sa sobrang sakit. Nilingon naman niya ako.

"Tssss! Too Careless!" Naiiling na sabi niya.

Tiningnan ko naman ang dalawa kong tuhod at ganun din ang siko ko. Namutla ako nang makita kong may tumutulong dugo at nagsimula ng magsilabasan ang mga luha ko.

Nilapitan ako ni Seth.

"Damn it! Look what happened to you. You're stupid."

Aniya at dinaluhan ako.

"Ikaw ang may kasalanan nito eh, ang bilis mo kasi!" Umiiyak pa rin na sabi ko.

Napa face palm naman siya sa narinig mula sakin.

"Isusumbong kita kay daddy at tito, palagi mo n-nalang a-ako inaaway....." at mas lalo ko pang nilakasan ang pag iyak at parang 5 years old na batang pinapadyak padyak ang dalawang paa.

"Stop crying... Ang pangit mo tingnan. Gusto mo bang maturn-off ako ng tuluyan?" Aniya.

Hindi ako sumagot at patuloy lang na umiyak.

May kinuha itong panyo sa bulsa niya. Hinablot ko iyon sa kanya at ipinunas sa pisngi kong basa na ng sariling luha.

"Akin na!" Kinuha niya ulit sakin ang panyo.

Yumuko siya at pinunasan ang dalawa kong tuhod na may tumutulong dugo at ganun din ang dalawa kong siko.

Matapos niyang mapunasan, ay itinali niya yung panyo niya sa kanang tuhod ko na may pinaka malaking sugat.

"Ouch!" Napahawak ako sa kanya nang itali niya iyon sa tuhod ko.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong binuhat. Waaahh! Kaya niya pala akong buhatin? Masyado ba akong maliit? Bakit parang wala lang sa kanya habang buhat buhat ako?

Hindi na ulit ako nagsalita habang buhat buhat niya ako at ganun din siya. Magpapakabait muna ako ngayon mahirap na at baka magalit siya at bigla nalang akong bitawan.

Kikiligin na sana ako sa mga nangyayari ngayon ngunit mas nangingibabaw ang hapdi ng mga sugat ko.

Pagdating namin sa bahay sinalubong agad kami ni mommy.
"What happened to you baby? At bakit uniform ng yaya yang suot mo?" Tanong agad ni mom sakin habang pinapa upo ako ni Seth sa sofa namin.

"Meron lang po kaming role play ngayon mom, kaya suot suot ko 'to!" Pagsisinungaling ko.

"So, bakit may sugat ka? Anong nangyari?" Tanong ulit ni mom sakin.

"Nadapa po siya tita." Si Seth ang sumagot.

"Talagang bata 'to, hindi nag iingat. Mabuti nalang at kasama mo palagi si Seth para tulungan ka." Sermon sakin ni mom.

"Mauna na po pala ako tita." Paalam niya kay mom at sinulyapan ako "Mag iingat ka next time."

"Ayaw mo munang mag meryenda hijo?" Si mommy.

"No thanks tita. I need to go at may pupuntahan pa po ako." Sagot niya.

"Okay, thank you nalang sa pagtulong sa baby ko! Take care yourself hijo." Paalam sa kanya ni mommy.

Si mommy talaga baby pa rin ang tawag sakin dalaga na kaya ako.

Ayie? Ang galing talaga ng Seth na yun! Kunwari concern sakin kapag kaharap mga parents ko pero kapag kaming dalawa lang inaaway ako, sipain ko yun eh.



A/N: Rush ko muna tong story ni cath at seth guys hanggang sa maka tuntong sila sa edad na 18, matutuyuan ako ng tubig sa katawan sa kakaisip ng mga pambatang scene eh.
Haha,

And thank you for supporting my story guys. Don't forget to vote.
And be patience.

-Reyan I.

I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon