>His Part<
A/N: Sa mga nagalit at nainis nga pala sa character ni Seth, so eto na nga, I will give him a chance to clear and express his side, for the second time bibigyan ko ulit sya ng POV, kahit ayaw na ayaw kong magbigay ng POV sa mga guy character sa story ko. Kayo na bahala kung mapatawad nyo pa sya o hindi na😆.Halos hindi ako mapakali kung bakit hinayaan ko syang umalis kanina, kung bakit wala akong lakas ng loob na habulin sya at sabihin sa kanya na sya talaga ang mahal ko.
Gusto kong sabihin sa kanya na sa tuwing nakikita ko syang nasasaktan ng dahil sakin ay nasasaktan at nahihirapan din ako, masyado lang akong naguluhan kung sino ang uunahin ko sa kanila ni Hershee kanina, tumawag ang mga magulang ni Hershee kanina at nagmamakaawa sila na puntahan muna sya sa Hospital dahil wala syang pamilya dito sa Pilipinas, sinubukan kong bumalik agad kay Cath ng dumating kaninang hapon ang parents ni Hershee pero huli na ang lahat.
I can't even forgive myself sa kagaguhan at katangahang ginawa ko!
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang minahal ko sya pero hindi ko naman pwedeng dayain ang puso ko eh, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko syang nasasaktan.
Wala ako sa sariling umuwi sa bahay, kailangan ko ng gumawa ng paraan habang mas maaga pa, hindi pwedeng matatapos lang kami sa ganito.
Mga limang oras din akong tumambay sa bar bago ko naisipan ngayong umuwi, derederetso lang akong pumasok sa bahay pero natigilan ako ng makita ko si mommy na umiiyak! Inaalalayan sya ni daddy na malungkot din ang ekspresyon ng mukha.
"Dad, what's going on? Bakit umiiyak si mommy!" Nagtatakang tanong ko.
Tiningnan lang ako ni daddy ng masakit kaya bigla akong kinabahan, ngayon lang sila nagkakaganito!"Care to explain to us what happened between you and Cath, Seth Cortes! Totoo bang ikaw ang may kasalanan sa nangyari sa kanya!?" Medyo mataas ang boses ni dad." Tumawag samin si Cath, at humihingi ng tawad dahil sumusuko na sya sa kung anu man ang meron sa inyo! Napapagod na daw syang masaktan! Sinasaktan mo ba sya?"
Hindi ako sumagot, yumuko lang ako.
"Stupid!" Sigaw ni daddy sakin."Wag mong pagalitan ang anak natin!" Pigil ni mommy kay daddy habang umiiyak pa din, naguguluhan pa din talaga ako eh.
"Mommy, dad, I'm sorry! Just give me a chance to settle everything! Mahal ko si Cath!"
"Paano mo magagawa yan dahil wala na si Catherine!"
Hindi ako nakagalaw sa narinig mula kay daddy.
"What do you mean dad? Anong wala na sya! Umalis ba sya?!"
Napailing iling si daddy.
"Naaksidente sya kanina nung umuwi sya pagkatapos ng graduation nya, at nasaan ka? Akala namin magkasama kayo!"Biglang kumirot ang dibdib ko sa narinig! Hindi ko alam kung anu ang dapat kong gawin! Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni daddy it makes me paranoid!"
"Please dad tell me the truth! Sinasabi mo lang sakin yan dahil nagagalit ka sakin diba?" Namamaos ang boses na tanong ko.
"I'm telling the truth Seth! Tumawag samin si Chris dead on the spot ang pagkakaaksidente nila ng driver ng taxi na sinasakyan nya ng binangga sila ng bus!" Naluluhang sabi ni daddy.
"No dad!" I shouted! I can't bear with this!" Mommy? Totoo ba?"
Imbes ma sagutin ako ni mommy, tiningnan nya lang ako at mas lalong naiyak!
Napaatras ako ng dalawang hakbang, sobrang bigat na ng mga mata ko at hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga luha ko.
"Hindi ako naniniwala buhay sya!" Sabi ko habang patuloy paglabas ng mga luha sa mata! It so damn unacceptable! Bakit sya pa? Sana ako nalang eh! Ako yung nanakit kaya dapat ako ang parusahan.
"Nasaang hospital sya dad? Pupuntahan ko sya, buhay pa si Cath! Alam kong nagagalit lang kayo sakin kaya ginagawa nyo to, nag usap pa kami kaninang dalawa!"
Napailing iling ulit si daddy!
"Hindi namin alam, nagpapanic kasi si Chris kanina habang kinakausap namin at ngayon hindi na namin sila matawagan."
Hindi na ako sumagot pa, tumakbo na ako papunta sa sasakyan ko at pinaharurot iyon! Narinig ko pang hinabol ako ni daddy hanggang sa Gate pero hindi ko na pinansin pa.
Hindi ko mapigilan ang maiyak habang nagmamaneho papunta sa pinakamalapit na hospital mula sa saubdivision na tinitirhan namin.
How am I supposed to live without Cath? It likes Im living in Hell!
Kubg hindi lang sana ako naging g*go hindi sana nangyari ang lahat ng to!
Hindi ko matanggap na mawawala nalang ng basta-basta si Cath na may sama ng loob sakin, naging masaya ang buhay ko simula ng dumating ako dito at nakilala ko sya, kahit palagi nya akong iniinis at ginugulo hindi ko napigilan ang sarili ko na mahalin sya at makalimutan ang naramdaman ko kay Hershee, at hindi naman yata tama na kukunin na agad si Cath sakin.!Inilang hakbang ko lang ang distansya mula sa parking lot papunta sa information desk ng hospital at tinanong agad ang pangalan ni Cath, natigilan ako ng sinabi ng nurse na nasa ICU ito at critical ang condition.
Mali ang sinabi ni daddy sakin!Agad akong tumakbo paakyat sa 3rd floor hindi na ako nag abala pang gumamit ng elevator, isang minuto lang ang lumipas at narating ko agad ang 3rd floor hinanap ng paningin ko ang ICU room at agad kong nakita iyon.
Mas lalong kumirot ang dibdib ko ng makita sina tita at tito na umiiyak ganun din si Chris, lumapit ako sa kanila at agad kong tiningnan mula sa window si Cath,
Pakiramdam ko ay unti-unti akong namamatay habang tinitingnan ang katawan nya na puno ng tubo.
Sa kabila ng lahat, nagpapasalamat pa din ako sa panginoon at buhay pa sya may pagasa pang mabuhay ang babaeng mahal ko!
Ilang beses kong hiniling na ako nalang sana ang nasa kalagayan nya, nasasaktan ako sa lahat ng nangyayari! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Cath! I swear!
-pls vote😚
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...