Kanina pa kami nakatayo ni Farrah sa labas ng Gate ng school namin pero hindi pa rin dumadating si Seth. May usapan kasi kami na ihahatid niya kami ngayon dahil doon din naman matutulog si Farrah sa bahay dahil may tatapusin kaming project.
"Anu Cath? Darating pa ba siya?" Tanong ni Farrah sa akin at halatang naiinip na rin.
"Kinakabahan talaga ako. Baka may masamang nangyari sa kanya kaya hindi pa siya dumarating." Ani ko.
"Puntahan nalang kaya natin siya sa University nila, para masagot na 'yang tanong mo."
"Talaga ba? Okay lang sa 'yo?" Paninigurado ko. Mahirap na at baka nakaka-abala na ako sa kanya.
"Sure. Anything for you Cath."
Nginitian ko siya.
"Let's go."
Mga ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa University kung saan nag-aaral sa Seth.
5:30 pm na kaya wala ng masyadong tao sa loob. Halos kilala naman na ako ng mga guards dito dahil palagi akong pumupunta rito kaya mabilis kaming nakapasok.Ngunit naka-ilang hakbang pa lamang kami ni Farrah ay natigilan din agad kami dahil sa nakita.
Halos pareho ang naging reaksyon namin.
Nakita lang naman namin si Seth na may kayakap na babae. Halatang umiiyak ito dahil nakaharap siya sa amin habang nakatalikod naman si Seth.
Bigla akong nawalan ng lakas nang mamukhaan ko kung sino ang babaeng niyayakap niya. Hindi ito bago o pampalipas oras niya lang.
Ang babaeng nasa picture Frame na nakita ko sa room niya at ang babaeng kayakap niya ngayon ay iisa.
Siya ang First love ni Seth at wala akong ideya kung hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ito pero sa nakikita ko ngayon mahal niya pa rin yata ito. Paano ako??
Mabilis kong hinila sa Farrah palabas ng Gate at tumakbo ng mabilis. Hindi ko kayang panoorin pa 'yong nangyayari. It hurting me so much!
Pareho kaming hinihingal ng makalayo kami sa Gate.
"Cath, I'm sorry talaga! Sana kasi hindi nalang tayo pumunta pa rito."
"Don't say sorry it's not your fault. Okay lang naman sa akin 'yon. Sanay na ako do'n." Mapait akong ngumiti.
"Malalagot din talaga sa 'kin ang Enzo na 'yon pag nagkita kami ulit. Akala ko naman sa akin lang siya nanliligaw. Sino naman 'yong kausap niyang babae kanina?" Halata ang pagkainis sa boses ni Farrah. Oo nga naman pala, may kasama rin kanina si Enzo na babae at nagtatawanan pa sila. "Bakit hindi mo sinugod 'yong babae ni Seth kanina?"
"Ayoko lang ng gulo ngayon, 'di ba gagawa pa tayo ng project? Tara na uwi na tayo."
"Mabuti pa nga!"
Ngunit hindi pa man kami nakahakbang ulit may narinig nanaman kaming nagpapalakpakan sa likuran namin kaya pareho kaming napalingon.
"Finally! We meet again, bitches!" Natatawang sabi ng isang babae.
"This is the perfect to time to take a Revenge! Hahaha.. kapag minamalas nga naman kayo." Dagdag pa ng isa.
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...