Pinilit kong pumasok kinaumagahan dahil nga nalalapit na ang graduation namin at bawal na talagang umabsent.
Hindi pa din kami nagkikita ni Seth simula ng pag-alis nya kagabi, yung pangako nyang babalik sya ay hindi nangyari, hinayaan ko nalang sya at pinilit na intindihin ang sitwasyon,ganyan naman talaga kapag mahal mo eh, lahat kaya mong tiisin para sa kanya.. echos!
Parehong seryoso lang ang naging asal namin ni Farrah sa mga tao sa paligid namin, pareho kaming may pinagdadaanan ngayon kaya kahit malapit na ang Graduation namin hindi kami nakakaramdam ng saya o excitement.
Buong araw lang kaming tahimik at nakasimangot habang nagpa-practice, dahil next day na ang Graduation namin, and Finally, magiging college na kami next year.
"Let's continue our practice tommorrow, you may gow now."
Biglang umingay ang lahat dahil sa wakas ay makakauwi na din kami, agad na nagpaalam si Farrah sakin at nagmamadaling umuwi,
6pm na pala.
Naglalakad ako palabas ng gate ng may biglang sumabay sakin, classmate ko si Jon, matagal na tong pumoporma sakin yun nga lang hindi ko talaga pinapansin, loyal kasi ako.
"Wala kang kasama?" Tanong nya sakin.
"Meron." Walang gana kong sagot.
"Hah? Sino?"
"Ikaw! Di mo ba nakikita sarili mo?"
Bahagya syang napatawa sa sinabi ko.
"Ang sungit mo naman Cath, I mean wala bang susundo sayo?""Kaya ko namang umuwi mag isa." Sagot ko.
Nagulat nalang ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay at hinila patakbo.
"Ihahatid nalang kita." Pilit kong tinanggal ang kamay nyang nakahawak sakin pero hndi ko magawa hanggang sa makalabas na kami ng Gate.
Napa-awang ang labi ko ng makita ko ang lalaking dahilan ng kalungkutan ko buong araw, nakatayo sya sa gilid ng sasakyan nya at matiim na nakatitig samin, lalong lalo na kay Jon.
Agad kong hinila ang kamay ko.
"Sorry Jon, next time nalang siguro nandito pala ang sundo ko.""Ganun ba? Okey, basta next time ha." Biglang nalungkot ang boses nya, magsasalita pa sana ako ng may biglang humila sakin.
"Mauna na kami pare!"
Masyadong mabilis ang lakad nya dahilan sa napatakbo nanaman ako.
"Anu ba? Nasasaktan ako!" Reklamo ko sa kanya dahil sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko.
Bigla nya namang binitawan ang kamay ko pagdating namin sa sasakyan nya.
"Sorry." aniya."Anu bang problema mo?" Naiinis na sabi ko, Catherine kumalma ka muna, wag kang manumbat!
"I don't want to see you again talking to that bullshit men!" Mahinang ang bosee nya pero halata ang pagka-irita.
I bitterly smiled.
"So ganun nalang ba? Kapag ikaw ang may kasamang babae okey lang pero pag ako may kausap na lalaki hindi okey, ang unfair nun!""Hindi naman sa ganun Cath!"
"Bakit ka nga pala nandito? Okey na ba ang first love mo? Pinakain mo na ba? Alagaan mong mabuti! Paliguan mo na rin at bihisan para mas masaya." Pagtataray ko.
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...