Farrah POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nahuli namin sina Seth at Enzo na may kasamang ibang mga babae, hindi na iba samin ang mga ganyang pangyayari pero pakiramdam ko talaga may kakaiba sa naging reaksyon ni Cath, masyado syang affected sa nasaksihan namin.
By the way, Hiningi ko tong isang Chapter sa author para linawin lang sa inyo kung anong meron samin ni Enzo.
He's my Crush since our fist met.
Crush lang talaga, I'm pretty sure na wala ng hihigit pa dun, hindi naman kasi ako naniniwala sa love at first sight.Hindi ko naman inaasahan na sa tuwing sumasama ako kay Cath ay nagkikita din kaming dalawa, nagkakilala, nag-uusap at naging malapit sa isa't-isa.
Hanggang sa wala na talagang awkward feeling na namamagitan samin.Ina-akbay akbayan nya na ako na parang matagal na kaming nagkakilala, at dun ko na naramdaman ang mas higit pa sa paghanga.
Naniniwala kasi ako sa "love at first touch" tanging si Enzo lang ang lalaking nakakahawak at nakakaakbay sakin, kahit mga pinsan ko hindi talaga ako masyadong malapit sa kanila. Wala din akong kapatid na lalaki.
Naging comfortable naman akong kasama sya, yun nga lang likas na talaga sa kanya ang pagiging playboy.
Last week he asked a permission if he can court me, dahil hindi naman ako kagandahan pumayag agad ako.Bigla akong natauhan ng may dalawang student na pumasok din sa comfort room, naglalagay kasi ang ng lip tint at powder sa mukha habang iniisip ko yung mga sinabi ko kanina.
Agad din akong lumabas sa CR para puntahan si Cath malapit sa gate, magkikita kasi kami ngayon.
Hindi ko pa man narating ang gate ng biglang nahagip ng paningin ko ang isang familiar na tao.
Nasa gilid siya ng Men Rest room may kasamang babae, duda talaga ako sa nangyayari eh.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at nagtago sa gilid ng pader upang pakinggan ang pinag uusapan nila."Hanggang ngayon ba wala pa din akong pag-asa sayo? Dalawang taon na akong naghihintay eh." Ani Enzo.
Si Almira ang kausap nya, batch mate ko din ito, yun nga lang ibang track ang kinuha nya.
"Ang kulit mo talaga Enzo, hindi nga ako pwedeng magboyfriend eh. Diba kayo na ni Farrah? Bakit ginugulo mo pa ako?" Bakas sa boses ni Almira ang pagka-irita.
"Hindi ko mahal yun, ikaw ang gusto ko, kahit maraming babae sa buhay ko, ikaw pa rin talaga ang gusto kong seryosohin." Halos hindi ako makapaniwala sa narinig.
Wala naman akong karapatan na magalit dahil nanliligaw pa lang naman si Enzo sakin, pero putik! Nasasaktan ako sa narinig..
Napahakbang ako paatras ng maramdaman kong nagsilabasan bigla ang mga luha ko sa mata,
Wala akong lakas para tumakbo at lumayo sa lugar na ito.Yumuko ako at dahan-dahang naglakad,pero may nabangga nanaman akong tao.
"Farrah?"
Hindi ko naiwasan ang mapa angat ng mukha, si kielvin to ah, kaibigan to ni Enzo.
"Umiiyak ka ba?" Bigla akong yumuko ng tinanong nya ako, shit! Baka sabihin nya to kay Enzo!
Hindi ako sumagot, mabilis akong tumakbo papunta sa gate.
"Sandali nakita mo ba si Enzo?" Pahabol pa nyang tanong, pero hindi na ako lumingon pa at binilisan pa ang pagtakbo.Anu ba kasi ang ginagawa nila dito?
Nakita ko sa Cath na kumakaway sakin, nilapitan ko sya at niyakap at umiyak."Far? What happened? May nambastos ba sayo?" Nag aalalang tanong nya.
"Ang sakit Cath! Nasasaktan ako." Hagulhol kong sabi.
"Ano nga kasi ang nangyari? Nagkita na ba kayo ni Enzo? Nandito sya ngayon kasama si kielvin." Tanong nya sakin.
"Sinusumpa ko ang Enzo na yun! Nagsisisi ako kung ba't pa ako pumayag na magpaligaw sa kanya."
"Farrah!" Bigla akong natigilan ng marinig ko ang hinihingal na boses ni Enzo.
Biglang kumawala si Cath sa pagkakayakap ko, at itinago nya ako sa likuran nya. Hinarap nya si Enzo.
"Binastos mo ba si Farrah?!" Seryoso ang boses ni Cath.
"No Cath! May narinig syang hindi dapat nyang marinig." Nahihirapang sagot ni Enzo, hindi nya yata alam kung anu isasagot nya. Nakatingin lang din si kielvin samin na nasa tabi ni Enzo.
"Farrah! Let me explain please!"
"Hindi! Nakita mo nga dba? Umiiyak yung tao!" Sagot ulit ni Cath, parang tanga lang ako na hindi makapagsalita at iyak lng ng iyak.
"Cath! Let me settle this, maguusap lang kami ni Farrah." Sabi ulit ni Enzo.
"No! I can't! I don't want to see a person like you again! Liar!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo.
"Sorry Cath, tatawagan nalang kita." Paalam ko kay Cath at pumasok agad sa taxi na pinara ko, ilang beses pa akong kinatok ni Enzo sa bintana ng taxi pero hindi ko na pinansin.
Sya sana ang unang lalaking mamahalin at pagkakatiwalaan ko, sumugal ako kahit alam kong babaero sya pero hindi pala sapat yun para mahalin nya din ako.
Wala eh, minalas lng talaga ako. Hindi ko lang alam kung paano ko sya haharapin ulit. Ang gusto ko lang ngayon ay kalimutan na lahat ng nararamdaman ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...