Ngayong araw na ang nakatakda ng paglabas ko sa Hospital. Mahigit tatlong araw din akong namalagi dito at hindi ko na kakayanin pag tumagal pa ako dito, ang bored kaya, buti nalang nandito ang bhabe of my life ko. Hihi.
Napatingin kami pareho sa pintuan nang bigla itong bumukas. Pumasok ang isang nurse na may dalang hindi kalakihang box na may pulang laso. Obvious naman na isa iyong regalo.
"Hello maam, may nagpapabigay po sa 'yo." Iniabot nito sa akin ang box.
"Thank you." Lumabas din naman agad ang nurse. Pareho kaming nagtaka ni Seth kung kanino galing ang regalong ito.
"See? I have a secret admirer! It means? Maganda ako!" Pagmamalaki ko sa kanya.
"Tssss.. Baka mamaya bomba ang laman niyan." Umiwas siya ng tingin sa akin.
Curious nanaman ako kung anu ang laman nito. Inilapit ko iyon sa tenga ko.
"Waah! Bhabe, I heard something inside the box. Gusto mong marinig?" Biglang naging curious ang mukha ni Seth.
Ito po yung tinatawag natin na kanya kanyang diskarte para mapansin.
"Lumapit ka kaya rito at pakinggan mo. Napaka mysterious ng sound na naririnig ko!" Agad naman siyang lumapit sakin at inilapit din ang tenga niya sa box na nasa tenga ko.
Bigla akong humarap sa kanya, at sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.Ramdam ko ang mabango at mainit nyang hininga.
Emeged? Another kissing scene nanaman ba 'to?"May naririnig ka ba?" Tanong ko sa kanya habang magkalapit pa rin ang mukha namin sa isa't isa.
"Oo." Tipid niyang sagot habang hindi rin inilayo sakin ang mukha niya.
Emeged? Wala naman akong naririnig pero bakit siya meron?
"Anu?" Hinahabol ko na ang hininga ko dahil sa posisyon namin. Oh no? My dear heart!
"Heart beat mo. A heartbeat of a flirty Cat." Aniya habang may naglalarong ngiti sa kanyang labi. Nagulat ako sa sinabi niya at inilayo ko ang mukha ko sa mukha niya. Langya! Iniinsulto ako nito eh.
"Ayt. Grabe siya! Sino 'yong malanding pusa?" Nasabi ko nalang sa kanya, pareho kaming napatingin ulit sa pinto at biglang pumasok si mom at dad.
"Good news Hija! Makakalabas ka na!" Masiglang balita sa akin ni dad.
"Really dad? Thanks God!"
"Paano tito aalis na muna ako, makakalabas na pala si Cath." Si Seth.
"Sige hijo, salamat pala sa pagbantay sa anak ko." Si dad.
"Walang anuman po tito." Sagot niya at tinapunan ako ng tingin at pilit na nginitian at lumabas na ng Room.
"Nag-away ba kayo ni Seth, baby? Bakit kakaiba kinikilos niyo ngayon?" Tanong naman ni mommy ng maka alis si Seth.
"Naku, mommy hindi po. Nababaliw lang yun sa pagmamahal niya sakin.." sagot ko naman na tinawanan lang nila ni daddy.
Basic diba? Hehe
--*--
Kumunot ang noo ko nang makarating kami sa subdivision dahil sa bahay kasi nila Seth kami tumigil. Anong gagawin namin dito?"Mom, dad? What are we doing here? Bakit dito tayo tumigil dito?" tanong ko sa kanila.
"Baby, anu kasi. We have an important appointment ng daddy mo kasama sina tito kenneth at tita Jen mo.." si mommy.
"Hah? What is it?"
"May eme-meet kaming clients dun sa Cebu. Dalawang araw kami doon, kaya napag usapan namin na dito ka nalang muna uuwi sa bahay nila para may kasama ka." Si daddy.
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...