Dedicated to my bestfriend "Shadows_Winter".
Magaling kasi sya sa ganitong scene.Cath POV
Malapad ang mga ngiti ko sa labi, habang pababa sa hagdanan papuntang salas, naka abang ang sobrang gwapong lalaki na nakikita ko sa mundo, nakaformal attire sya, at talaga namang napakagwapo nya sa suot nyang black longsleeve at Pants.
Sobrang espesyal ang araw na to sakin dahil sa wakas Gagraduate na ako, mas lalo pa itong naging special dahil nandito ang lalaking mahal na mahal ko.
"You look so stunning and Gorgeous Cath." Tinampal ko sya sa braso.
"Binobola pa talaga ako."
Bigla nya akong kinabig sa beywang at hinila palapit sa kanya."Maniwala ka na kasi." Napasinghap ako ng maramdaman ang init ng katawan nya at amoy na amoy ko ang pabango nya.
Bahagya ko syang itinulak, nagrarambulan nanaman kasi ang mga daga sa dibdib ko.
"Late na tayo!""Let's go." Naglakad kami papunta sa kanyang sasakyan.
"Eto na siguro ang pinakamasayang araw ko." Ani ko, habang bumabyahe kami papunta sa school.
"Talaga ba? I'll make this day extra special for u Cath."nakingiting sabi nya.
"Ikaw bahala." Tanging sagot ko nalang, naeexcite kasi ako sa gagawin nya, baka nga siguro magpopropose na sya sakin. Hihi.
K. Masyado na akong assuming, hindi pa nga kami proposal na agad ang iniisip ko.
Masaya lang kaming naguusap habang nasa byahe, mga sampung minuto ang binyahe namin hanggang sa makarating kami sa school, pinark nya agad ang kanyang sasakyan at agad na lumabas para pagbuksan ako ng pinto.
"Lumabas na po kayo kamahalan." Napatawa ako sa sinabi nya.
Sakto namang naisarado nya ang pinto ng sasakyan ng biglang tumunog ang cellphone nya.
Kinuha nya ito at agad na sinagot.Kumunot ang noo nya habang nakikinig sa nagsasalita sa kabilang linya, agad naman itong napalitan ng pagaalala.
May masamang kutob ako dito eh, wag lang sana ngayon, almost perfect na sakin ang araw na to eh.
Mga ilang sandali pa ay ibinaba nya na ang phone at malungkot na humarap sakin.
"I'm sorry Cath.""Hah? What's wrong?" Kunot-noong tanong ko.
"Kailangan kong umalis ngayon para puntahan si Hershee sa Hospital."
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?"
"Isinugod daw sya sa hospital, dahil ininom nya lahat ng gamot nya, na over dosed daw." Aniya.
"Hindi ba pwedeng mamaya nalang pagkatapos ng program?"
Yumuko sya at hindi sumagot.
"Importante sakin ang araw na to Seth, at kailangan kita. Siguro ngayon hindi na talaga ako papayagan na aalis ka nalang basta basta, I'm begging you, just this once."
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...