>3rd Person POV<
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko matapos marinig ang balita sa akin ng binabayaran kong tao upang bantayan ang pinakamamahal kong lalaki sa Pilipinas and it really broke my heart. Nalaman kong may babae pala na nakatakdang ikasal sa kanya. But how about me? His promises? Hanggang kailan ko panghahawakan yun?Kahit 5 months lang kami nagkasama ni Seth dito sa Canada, pero minahal namin ang isa't isa kahit mga bata pa kami nun at nung nalaman kong babalik na sila ng Pilipinas para dun na ulit tumira sobra akong nasaktan pero naging matatag ako dahil nangako siya sa 'kin na babalikan niya ako rito. I am pure Filipina, My family migrated here in Canada because of our business at dito din nagpapagamot ang grandmother ko kaya my parents decided to stay here kahit may bahay naman kami sa Pilipinas. Ilang taon na akong hindi nakabakasyon doon 5 years na yata.
14 years old kasi ako nang lumipat kami dito sa Canada at ngayon 19 years old na ako.Pero kahit magkalayo kami ni Seth sa isa't isa hindi pa rin naputol ang komunikasyon namin mas lalo lang kaming naging matatag.
I'm Hershee San Pedro, ang pinangakuan ni Seth na mamahalin niya 'till his last breath.
>Cath POV<
Ang bilis lang lumipas ng mga araw at next week 18th birthday ko na. Nakakalungkot nga lang dahil sa araw na yun ay aalis si Seth, isa kasi siya sa mga architecture student na napili upang magseminar sa cebu at isa rin siya sa mga player ng basketball team sa school nila na maglalaro rin doon. Andameng arte ng school nila eh panira ba naman sa birthday ko.By the way, second year college na pala si Seth habang ako ay Grade 12 na rin. Achitecture ang course na napili niya. Napaka talented kasi, samantalang ako undecided pa rin kung anong course ang kukunin ko next year.
Fun Day ngayon sa School namin, at meron kaming Food fest at kung anu ano pang mga activities na gaganapin pero kahit isa dun wala kaming sinalihan ni Farrah. Makapagsign lang kami sa attendance okay na yun."Alam mo girl pakiramdam ko may mga taong nakatitig ng masakit sa atin." Ani Farrah.
"Nakita mo ba?"
"Hindi. Pakiramdam ko lang naman. Baka insecure lang sila sa atin."
Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Farrah nang mahagip ng paningin ko si Seth kasama si Enzo at kielvin, ang dalawa niyang kaibigan. Bakit sila nandito wala ba silang pasok?
"Tara, puntahan natin sila." Yaya ko kay Farrah.
"No thanks! Ikaw nalang." Tanggi sa'kin ni Farrah. Alam ko naman na nahihiya lang siya kasi crush na crush niya yung Enzo.
Hindi ko na sya pinagsalita pa ulit at hinila ko na sya papunta doon.
"Yes dude! Ang sarap niya nga sa kama eh!!" Dinig kong halakhak ni Enzo at naghigh five pa sila ni kielvin.
"Buti pa kayo!" Seryosong sabi ni Seth.
"Bantay sarado ka kasi!" Natatawang sabi ni kielvin.
"Speaking of her.... nandito na pala siya eh, Hi Cath!" Bati sakin ni kielvin kaya napalingon na rin si Seth at Enzo sa amin.
"Kasama mo nanaman pala ang maganda mong kaibigan." Ani Enzo na nakatitig lang kay Farrah. Ang loka-lokang 'to may natira pang hiya sa katawan. Yumuyuko-yuko pa kasi bakit di nalang niya sunggaban agad? Hihi.
"Naku tol, ligawan mo na kasi! Uunahan pa kita diyan eh!" Sabat ni kielvin.
"Gago! Gusto mo yatang Masira Friendship natin eh!" Ani Enzo.
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...