*his 18th birthday*
Ang bilis bilis lang lumipas ng panahon at ngayon Grade 10 na ako at Grade 12 na si Seth.
Hindi na ako ang tulad ng dati na dinadaan sa iyak ang mga bagay na hindi ko magawang makuha.
Ngayon, pinaghihirapan ko na ito.But my feelings to him didn't change. It goes deeper. Sa loob ng tatlong taon na magkasama kami walang pinagbago ang pakikitungo niya sakin.
Nanatiling cold ang pakikitungo niya sakin.
Pero ako? Immune na ako dyan, sa pagiging coldhearted niya sakin, mga rejections, pambabalewala at pagiging paasa.
Dahil mahal siya ng puso ko lahat titiisin ko. Cheret!Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko habang papasok sa bahay nina seth. Marami silang bisita.
Mostly, mga kaibigan ng parents niya at ang iba naman ay mga kamag anak nila at kaklase ni Seth.
Agad ko namang nakita si Seth na abala sa pakikipag usap sa tatlo niyang barkada. Nilapitan ko sila.
"Hi, bhabe.. Happy birthday!" Masiglang bati ko sa kanya.
At oo, bhabe na ang tawag ko sa kanya.. nag improve diba? Hihi ganun talaga.
"Oh dude, your pet's finally here. hindi mo na sya kailangan hanapin." Sabi ni Enzo, isa sa mga barkada ni Seth.
Sinamaan ko siya ng tingin. Tagalang cinareer ang pagtawag sakin na pet ni Seth. Langya!
I rolled my eyes to them, at humarap na kay Seth."Here's my Gift! Hope you like it." buong puso kong ibinigay sa kanya ang regalo kong buong taon kong pinag hirapan.
Scrap Book na naglalaman ng mga stolen pictures niya at nakasulat din doon ang nilalaman ng damdamin at paghanga ko sa kanya.
Masyado ba akong nagpapahalata? Yaan nyo na mas mabuting malaman niya ng mas maaga."Thanks!" Tinanggap niya rin iyon.
"Mamaya mo nalang buksan, nahihiya ako eh." namumula ang mga pisngi na sabi ko.
"Tsss!" Napa iling siya at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya.
Sumunod din ako sa kanya at pumasok din."Who told you to follow here?" Sita niya sa akin nang mapansing nakasunod ako sa kanya.
"Me, myself and I. Bakit may iba pa ba?" Imbes na sagutin niya ako tumungo ito sa kama niya at inilapag doon ang gift ko. Maglalakad na sana siya palabas ng kwarto niya nang nagsalita ulit ako.
"Pwedeng magrequest? Pagbigyan mo naman ako. Birthday mo kaya ngayon." Sabi ko sa kanya.
"Spill it! Ayoko ng kalokohan." sagot niya sa akin.
"Pwede bang ako ang maging last dance mo?" Bigla naman niya akong binigyan ng "nandidiri" look.
"Anong akala mo sa birthday ko? May 18 roses at 18 candles? Walang ganun." Naiiritang sabi niya.
"Okay! Fine! Seryoso na 'to, siguro naman ngayong 18 years old ka na magbabago na yung pakikitungo mo sakin." Malungkot ang boses na sabi ko.
Bahagya siyang napangisi at humarap sakin.
"Walang magbabago hangga't may nasasaktan na ibang tao. Because of that freakin' agreement of our parents my life is in a mess and I'm fucked up. Really. Kaya wala kang aasahan." Tumalikod na siya at lumabas na ng room niya. Nakatunganga lang ako, hindi ko ma gets yung nais niya iparating.
Bahala na nga sya! Kahit naman aawayin niya pa rin ako di pa rin ako magbabago. Guguluhin ko pa rin sya akala niya hah.
-----*-----
Tinatahak ko ang daan papunta sa Building ng Grade 12. Uwian na kaya dapat magkasabay din kaming uuwi ni Seth.Nang makarating ako sa Room nila, wala ng katao tao doon maliban sa isang classmate ni Seth na babae na sa pagkaka alam ko nilalandi rin si Seth.
Nagkasalubong kami ng tingin. Matalim siyang nakatitig sakin kaya gumanti rin ako. Pero di nagtagal ay umalis na rin siya.
Aalis na rin sana ako nang mapansin ko ang isang familiar na bagay sa loob ng trash Can sa Room nila, nilapitan ko ito.
Biglang nanikip ang dibdib ko nang mapagtantong ang regalo ko iyong ibinigay kay Seth. Nasasaktan ako dahil kahit konting halaga man lang sa efforts ko sa paggawa nito wala akong naramdaman mula sa kanya. Naramdaman ko nalang ang mga luhang nangilid sa pisngi ko. Bakit ako nagkakaganito ngayon? Diba sanay naman na ako? Bakit?
Kinuha ko yung scrap book at isinilid sa bag ko at naglakad na palabas sa room nila.
Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Farrah, ang nag iisang kaibigan ko na close ko na ngayon. Palagi ko 'tong kakampi kapag may naka away ako.
Bigla siyang nagulat nang nilapitan ko siya at niyakap. Pinigilan ko ang maiyak ulit.
"Anong nangyari, girl?" Nagtatakang tanong nya sakin.
"None, Im just thankful na naging kaibigan kita!" Sabi ko.
"Hindi ako sanay sa drama mo ngayon hah, tara uuwi na tayo."
Naglakad na kami papunta sa Gate. Napansin ko naman si Seth na nakatayo sa labas ng Gate ng school.
Ako ba hinihintay niya?
Walangya siya! Di marunong magbigay ng sentimental value sa gift ko! I hate him!Tumigil ako sa harap niya at sinamaan siya ng tingin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Huwag mo akong hawakan!" Sabi ko sa kanya dahil naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
"Anu bang problema mo?" Naka kunot noong tanong nya sakin!
"Wala kang pakialam sa problema ko! kaya bitawan mo ako! Get your hands off me." Nanggigigil na sabi ko sa kanya.
"Hindi naman kita hinahawakan ah!" Sabi niya sakin.
Kinalabit naman ako ni Farrah.
"Girl, ako ang nakahawak sa kamay mo. Assuming ka na naman!" Nakangising sabi niya sa'kin at nag peace sign pa.Wengya! Medyo nakakahiya 'tong pagiging assuming ko minsan! Gigil niyo ang collar bones ko!
"Mauna na ako girl, nandyan na sundo ko!" Paalam ni Farrah sakin.
Ngayon kaming dalawa nalang ang naiwan.
"Uwi na tayo!" Aya niya sakin. Himala first time to eh!"Umuwi ka mag isa mo!" Inirapan ko siya at naunang naglakad. Binilisan ko ang paghakbang.
Nagulat ako sa narinig na napaka lakas na busina ng sasakyan, paglingon ko. Huli na ang lahat para umiwas pa ako sa humaharutot na motorsiklo. Kaya nabundol ako!
Shit! Another katangahan na naman.
Hindi naman ako tumilapon nang mabundol ako pero naramdaman kong malakas na bumagsak ang katawan ko sa kalsada.
"Cath!" Narinig kong sigaw ni Seth!
Naramdaman ko naman na dinaluhan niya ako at inihilig ang ulo ko sa kamay niya.
"Shit! Call the ambulance! Please" Narinig kong utos niya sa mga tao.
Tinapik tapik niya ang pisngi ko.
"Are you okay?"Malungkot ko siyang tiningnan at naramdaman ko naman ang mga luhang nangilid sa pisngi ko.
Pinahid niya iyon gamit ang daliri niya.
"Just hold on! Parating na ang ambulansya!" Sabi niya sakin.
Narinig ko pa ang ingay ng paligid at nakita ko rin ang nag aalalang mukha ni Seth.
Then, everything's turn dark...
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...