*Her 14th Birthday*
Pagkatapos kong kumain umakyat agad ako sa kwarto ko. Mas mabuti nalang na magkulong ako rito kesa makipagplastikan sa mga relatives at visitors namin.
Ito na yung worst birthday ko sa buong buhay ko. Pinaasa lang ako sa wala.
Ang sabi niya uuwi siya ngayon, but what happened? Hindi siya dumating kahit anino niya hindi ko nakita. Paano ako magiging masaya sa 14th birthday ko??
Matutulog nalang ako forever. Charot!
Di bali, sisingilin ko nalang siya bukas humanda siya sa 'kin!
Kinaumagahan....
"Good morning sleepy boy.... gising na!"
"Ugh!" Singhal niya sakin at nagtalukbong ulit ng kumot.
"Gising na sabi eh!" Sabi ko at hinila ang kumot niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hubad niyang katawan. Tanging boxer lang ang suot niya.
Seriously? Ganito pala siya matulog? Walang suot? At 16 years old pa lang naman siya bakit ang ganda na ng katawan niya??"Ikaw?!" Nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulat nang makita ako.
"What the heck are you doing here?" Tanong niya sa 'kin at kinusot kusot pa ang mga mata at ginulo lalo ang magulo niyang buhok.
"Ginigising ka. May lakad tayo ngayon." Sabi ko at nag cross armed sa harap niya.
"Tayo? Walang tayo kaya lumabas ka na sa kwarto ko at umuwi!" Taboy niya sa 'kin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Napaka assuming mong hinayupak ka! Wala akong sinabing merong TAYO, ang sabi ko may lakad lang.""Ayoko nga diba? Kung gusto mo go out with yourself and enjoy!" Walang ganang sabi niya at bumalik sa pagkakahiga.
"Ayaw mo? Sige isusumbong kita kina tito at tita na hindi ka sumipot kagabi. Magaling ka rin pala magsinungaling eh paniwalang paniwala sila na nadon ka kagabi, saan ka naman kaya nanggaling?" Nagbabanta na sabi ko at humiga sa tabi niya.
Napabalikwas siya ng bangon.
"W-why are you lying in my bed?" Frustrated na sabi niya. woah! Ang arte niya!
"Hindi ako aalis dito!" Pagmamatigas ko.
"Ang kulit mo! Sige na! Pumapayag na ako!" Tumayo siya at hinila ako palabas ng kwarto niya.
"Hintayin mo ako sa labas at wag na wag mo akong isusumbong kay daddy!" Ani niya.
"Okay. Take your time hihi pengeng Abs?" natutuwang sabi ko.
Ngunit pinagsarhan niya na ako ng pinto.
Natatakot din pala siyang isumbong ko siya eh.
45 minutes na akong naghihintay sa labas ngunit hindi pa rin siya lumalabas ng room niya.
Akma ko na sanang buksan ang kwarto niya nang bigla itong bumukas at iniluwa nito ang pinaka gwapong lalaki na nakilala ko.
Tinapunan niya ako ng tingin at nilagpasan na rin at naunang naglakad palabas.
"Bye hijo, take care of Cath." Sabi ni tita Jen nang makasalubong namin siya sa salas.
"Bye mom" sabi nuya at humalik ito sa pisngi ng mommy niya.
Ginaya ko rin ang ginawa niya.
"Bye mom." sabi ko at humalik din sa pisngi ni tita.
Napansin ko namang tumigil si Seth at kunot noong lumingon sakin.
Hindi yata nagustuhan yung pag tawag ko kay tita Jen na "mom".
Wala namang masama dun diba? Someday dun na rin yun pupunta. Hihi.
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...