Chapter 8

532 26 8
                                    

       

Lumabas ako ng kwarto pagkagising ko, nakatulog kasi ako sa sobrang inis.

Time check, 7:30 na pala ng gabi.

I'm starving.

Tinungo ko ang kitchen upang tingnan kung naka handa na ang pagkain.

Isang bagong mukha ang nakita ko, bagong kasambahay yata to nina Tito. Sa tantiya ko nasa 20+ pa lang yung edad niya.

Nang magkasalubong kami sa pintuan, bigla kaming natigilan dahil nagkaharangan kami.

Tiningnan niya ako at nagsalita.
"Don't block my drive way!"

Tanga ba siya? Nagmamaneho ba siya ng sasakyan?

Tinaasan ko siya ng kilay.
"Don't block my way! Tanga ka pala eh!" Pag tatama ko sa kanya.

"Kyaaaaaaaaa...!"

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya.

"Maam, is that you? Selfie tayo dali ang ganda mo pala."

Napakunot ang noo ko. Bakit kilala ako ng bobitang probinsyana na 'to?

"Nagtataka ka ba kung bakit kita kilala?"

"Yes!" Tipid kong sagot.

"Hulaan mo....."

Pinitik ko ang noo niya! Puro kalokohan.

"Nakapagluto ka na ba?"

"Yes maam, yung Bacon nalang po ang hindi ko pa naprito." Sagot niya sakin.

"Ako na magluluto no'n"

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Seryoso po ba kayo maam?"

"Yeah!"

"Yes! Yes! I'm free! Thank you talaga maam ha, sige ikaw na bahala magluto diyan. Tapos maghain ka rin ng pagkain.  At hugasan mo na rin yung mga plato na hindi pa nahugasan."

Pinandilatan ko siya ng mata! Langya ipapasisante ko 'to eh.

"Stop acting like you're boss here! Tanga ka talaga!"

"Joke, joke lang po maam, ito naman hayblad masyado eh. High five nga diyan" at nakipag high five ako sa kanya. Nakakaaliw 'tong bobita na 'to eh. Hayy, makapagluto na nga lang.

Kasalukuyan akong nagpiprito ng bacon habang kumakanta kanta pa, ang dali naman kasi nito lutuin eh..

Bigla akong napa sigaw nang biglang tumalsik bigla ang mantika sa mukha ko, mga tatlong talsik yata ang tumama..

Ouch! Ang hapdi! Damn!

Napa upo ako habang hawak-hawak ko ang mukha ko.

"Anong nangyari sa 'yo?" Hindi na ako nag abala pang tingnan kung sino ang nagsalita dahil alam kong si Seth iyon.

Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko na nakatakip sa mukha ko at inilayo ito.

"The F*ck! Namumula 'yong mukha mo!"

"Huhu! Natalsikan ako ng mantika!" Naiiyak kong sabi.

"Maam, Sir? Anu pong nangyari?"

Hinarap ni Seth ang bobitang kasambahay niya.

"Bakit mo siya hinayaang magluto? diba gawain mo yan?"

Napatingin ako sa kanya. Galit ba siya?

"Sorry po sir, mapilit kasi si maam eh!"

I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon