Cath POV
Hanggang ngayon inaalam pa rin namin ni Seth kung sino ang may pakana sa nangyari kagabi.
Okay na rin pala kami. Masyado ba akong marupok? Hindi naman masyado right? Nandito na nga ako ngayon at hinihintay siyang lumabas. Hindi ko rin kasi siya matiis.
Basta mahal mo, mahal mo talaga.Lesson learned: Basta mahal mo wag na wag mong susukuan lalo pa't alam mo sa sarili mong sa taong mahal mo lang nababagay ang taglay mong kagandahan. Hihi.
When I see him coming, I waved my hand na agad niya namang nakita.
May plano kasi ako ngayon."Tara!" Bigla ko siyang hinawakan sa kamay at hinila patakbo.
"Saan tayo pupunta?" Nakakunot noong tanong niya.
"Opening lights ngayon sa South point diba? Gusto kong mamasyal dun at sasamahan mo ako"
"Ayoko tinatamad ako." Tanggi niya.
"5pm pa lang naman ah! Ngayon lang naman ako magpapasama sa 'yo ayaw mo pang pagbigyan!"
"Walang Taxi na bumabyahe papunta dun. Kaya mo bang sumakay sa Bus?" Tanong niya sa akin.
"Kakayanin! Sisiw lang 'yan e!"
"Kaya mo bang tumayo? Rush hour ngayon kaya sigurado akong punu-an lahat ng bus."
"Kahit maglambitin pa ako sa loob ng bus, kakayanin!" Confident kong sagot at nagpuppy eyes pa sa kanya.
"Sigurado ka?"
"Yeah! I'm pretty sure!" Sigurado akong nagdadahilan lang siya pero hindi papasa sa akin ang mga yan. Beside, first time ko ang sumakay ng Bus kaya exciting talaga.
"Let's go then!" Yaya niya sa 'kin.
Mga ilang minuto lang ang nakalipas may tumigil ngang Bus sa harapan namin at tama nga ang sinabi niya. Siksikan nga talaga. May nauna ng nagsisitayuan sa loob nito gusto ko pa sanang umatras pero huli na ang lahat at tumakbo na ang bus.
Bigla akong namutla. Nakakatakot pala kapag first time. Pakiramdam ko anytime titilapon ako. Darn It!
Mas lalo akong kinabahan at napatili nang biglang nagpreno ang driver ng Bus kaya napahawak ang dalawang kamay ko sa ulo ng dalawang pasahero na nakaupo sa kaliwa at kanang gilid ko at nasabunotan ko sila.
"Anu ba 'yan!"
"Sorry.." Nanlalamig na sabi ko.
Narinig ko pang reklamo ng isa at tiningnan lang ako ng masakit ng isa pa. Nagpeace sign nalang ako sa kanila. Tiningnan ko naman si Seth na relax na relax habang nakatayo rin sa tabi ko. Ngingiti ngiti pa ang hype niya. Lumapit ako sa kanya ng konti dahil pinagpapawisan na rin ako.
"Subukan mo kayang maglambitin, diba sisiw lang sayo?" Nangingiting sabi niya sakin. Nangaasar pa talaga ang impakto na 'to!
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong ganang magdaldal dahil pakiramdam ko nahihilo na ako.
Tumigil na naman ulit ang bus kaya na out of balance nanaman ako. Mabuti nalang at kay Seth na ako kumapit. Good thing at hindi naman siya nagreklamo kaya nilubos lubos ko na ang pagkapit sa braso niya.
BINABASA MO ANG
I Love You, Until My Last Breathe(COMPLETED)
HumorCatherine Alexa Lheman is a Spoiled brat girl who desperately fell inlove with her Ideal Guy named Seth Cortes. Even Seth always ignore her pressence and efforts she still don't lose hope that maybe someday, Seth will love her back. Is it possible o...