Second time

1 0 0
                                    

'Wish you were here'by Avril Lavigne. Play the song.

Lintik naman pusa oh. Wala talagang pusa hah. Andito na kasi ako sa loob ng eroplano at ang malas lang nasa dulo 'yung upuan ko.Sheyete lungs ha.

Oh,meron nang nakaupo sa isang seat. Obvious naman na lalaki to kasi nakasuot siya ng rip jeans with matching shoes na wow ah mayaman pre nike 'yung brand. Mahal kaya nun,di nga ko nga afford eh. Tatabi na sana ako sa kanya ng gumising siya at laking gulat ko.

"Ikaw"

"Ikaw!" We said in unison. What? Siya na naman. Ito na ba ang tinatawag nilang destiny? Kesi kung Oo,pwede narin. Wow ha lumalandi Karin besh. Pagminamalas naman oh.hayst!

"Pag minamalas ka nga naman oh" sabi pa niya at kinuha ang ear phone niya. Aba naman! Akin 'yung linyang 'yun eh.

"Tsss" inirapan ko nalang siya.

Kainis! Ba't ba kasi siya 'yung kasama ko dito.Duh wala akong pakialam sa kanya. Makaidlip nga muna. Nakatulog din ako ng mga ilang minuto.

"Pangalawa nato ha.Sa susunod magsabi ka papatulogin naman kita eh" shit lungs. Nakatulog na naman ako sa balikat niya eh.Kahiya.

"Tsss" pagtataray ko.

"Wag ka ngang mataray di bagay sayo" plain yang sabi. Wow ha,naiinis na talaga ako. Ipapalapa ko talaga to sa aso namin.

"Paki mo" inirapan ko na naman siya. And nakita kong nag smile siya.Lopsided smile? Totoo?

"Baka mabulag ka niyan sa kakairap mo" Ughhh naiinis na talaga ako.

"Hoy kuyang kamatis!" Haha parang nainis siya sa tinawag ko sa kanya. "Hindi mo'to mata kaya wala kang pakialam!" sigaw ko.

"Excuse me Miss, pwede low down your tone?" Sabi nung matandang lalaki.Aish! Nakakahiya, baka sabihin na wala akong modo.

Tinignan ko si kuyang masungit at tawa lang siya ng tawa.Aba naman! Pinandilatan ko siya para tumigil siya pero mas lumala pa 'yung tawa niya. Parang nang-iinis talaga eh. Ahhhh! Kaya sinuntok ko siya sa tiyan.

"Ahww" daing niya. Ay napalakas .

"Sorry!" Taray kong sabi.

"Kung magsosorry ka man lang 'wag na." plain parin na sabi niya. Naguilty ako dun ah.Pero bahala siya." Amazona" dagdag pa niya.

"Whatever" hindi ko na siya inirapan baka kasi aasarin naman niya ako.And he just smirked at natulog ulit.

Hindi ko talaga maiwasan na hindi tumingin sa mukha niya.Sobrang kinis halatang mayaman. Kitang-kita ang pagkamusculin niya.Napaisip tuloy ako, meron kaya siyang abs? Aish! Ano ba 'tong iniisip ko.

"Lubos-lubosin muna ang pagtitig sa mukha ko dahil maghihiwalay na naman tayo" nagulat ako ng magsalita siya. Tss! Na naman? Nagkita na ba kami? Oo tanga ka ba! Oo nga nagkasama din pala kami sa eroplano nung papunta sa Palawan.

"Assuming naman nito" Aish!

" Hindi ako assuming talagang gwapo ako. Napapatitig ka nga eh" wut? Crazy na talaga siya. Sakit niya sa bangs.

"You wish" taray kong sabi.

"Hahahaha" pinandilatan ko siya kasi tawa lang ng tawa.Pukpukin ko kaya to sa ulo para matauhan. 'Wag na lang pala baka lumala pa.Napangiti nalang ako sa iniisip ko.

"Crazy"

"Ano?!" Inis kong tanong

"Wala" sabi niya at bumalik sa pagkakatulog.

Salamat naman at malapit na kami. Gusto ko nang lumayo sa taong 'to. Gusto ko na siyang patayin at ihawin. Oy, 'wag naman ang gwapo kesi ni kuya. Oh? Gwapo ba? Oo nga, gwapo nga talaga siya. Bigla na lamang siyang gumising at tumingin sakin. Eyes to eyes to besh! Ghad 'wag mo kong pakiligin kuyang kamatis. Pero siya din ang unang nag-iwas. Oh ano ka ngayon ha, di ka makatagal sa mga magagandang ko mata noh.Pero mas nagulat ako ng magsalita siya.

"Hindi mo na ba ako kilala" statement 'yun. Hindi ko alam kung sino ang sinasabihan niya nun. Pero kami lang naman dalawa doon.Hayst! Eh,nag-earphone siya baka meron siyang kausap sa kabilang linya.
Hindi ko nalang siya pinansin.Hanggang makababa na kami hindi ko na siya pinansin at siya man din. Pero kakaiba talaga ang tibok ng puso ko ah.Papasok na ako ng kotse ng may tumawag sakin.

"Anna, nakita na kita" sabi niya at ngumiti. Tinignan ko lang siyang umalis. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pa'no niya nalaman? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Nakita? Anong ibig niyang sabihin?
Nagbalik ako sa huwisyo ng tawagin ako ni Manong.

"Sige po, Tara na po". Ang mysterious naman ni kuyang kamatis. Hayst! Makatulog nga muna.







I'm Inlove With The Unexpected GuyWhere stories live. Discover now