Bumukas ang pintuan at laking gulat ko.
"SURPRISE!!" wow with matching balloons and confetti pa. Aww ang sweet naman. Andito sina mama,papa,my sisters and my best friend.
"Welcome back Anak" sabi ni mommy at yinakap ako.Yinakap din ako ni daddy and my sisterets.
"Sali naman akooo" sabi pa ni Lina at tumawa kami.hahaha namiss ko talaga sila.
"Thank you mom and dad" at ngumiti ako sa kanila.Ngumiti naman din sila sa'kin.
"Oy bespren! Mukhang maaliwalas ang mukha mo ah! Sana ako din sana makamove-on na ako" sabi pa niya at nagpout.
"Aray naman po." Pinukpok ko siya sa ulo.Tinaas ko 'yung kilay ko.
"Bespren di ka parin pala nagbabago, Amazona at mataray ka parin? Hayst! Kala ko naman nakatagpo kana nang The One doon." Speaking of the one, naalala ko naman 'yung si kuyang kamatis, Hahahaha." Bespren pede mo namang i-share yan noh para di ka magmukhang baliw sa kangingiti diyan..A-arayy!"
"Che!" inirapan ko nalang siya.
"Ang sakit nun bespren ah huhuhu" nag-aakting pa siyang umiiyak. Aish! Parang bata, baliw talaga pagkatapos niyang mag-iiyak diyan tatawa yan.I swear."Hahahahahaha" oh diba? Baliw talaga. Pero kahit ganyan yan love ko yan.Siya 'yung palaging nagcocomfort sa'kin. Hindi niya ako iniwan na akala ko iniwan na nila ako. She was my best friend and my partner in crime.
"Halina kayong dalawa dito, kakain na" tawag ni mommy.
"Yes! Kainan naaaa" nagtatakbo yung baliw dun sa dining area.Napakatakaw talaga.Ikaw ba hindi? Haha Oo nga pala.
"Wooooow ang saaaaraaap" manghang sabi ng bruha. "Hoy bespren, ba't ang dami niyan?" Aba nagtanong pa'tong bruha na'to.Kala naman niya di niya alam na matakaw din ako.
"Ba't bawal ba?" Taray kong sabi.
"Hahahaha,wala lang baka kesi tumaba ka" wow as in wow tong bruha na'to.Alam ko na yang mga tactics niya eh, kukuhanin niya pagkain ko.Ang dami kaya ng pagkain,ang baboy niya ah.
"Wag kang baboy bes" sabi ko.
"Wow naka compose na siya ng sentence. Congrats bespren" at yinakap pa'ko sa bruha.Eh kung kunin ko lahat ng pagkain niya siguradong iiyak 'to.
"Kumain ka na nga, ang baboy mo" nanlaki 'yung mata niya,magsasalita pa sana siya nang sinaksak ko sa baga ayy este sa baba niya ang chicken joy.Ayan tumahimik kana rin.
"Tsss" ngumiti lang ako.Abay mukhang tahimik ang mga sisteret ko ngayon ah. Makichika nga.
"Oh Annie,problems?" Kanina pa kasi siya di mapakali.Tumingin siya sa'kin at parang sabing what-are-you-talking-about?. Haha alam ko na yan,may problems yan at ayaw niyang ipaalam kina mom and dad.
Matapos naming kumain napagpasyahan ng bruhang bespren ko na mag-usap kami sa kwarto ko.As in siya pa ang nauna sa kwarto ko,ikaw may-ari nito bes? Hayst! Kalbohin ko kaya 'tong bruha na'to. What do you think? Eh ayaw niyo. Sige 'wag na lang pero gusto ko sana haha.
Kung kaninang baliw na mukha ng bespren ko ngayon naging seryoso na. Bipolar lungs?
"Anna" tawag niya. Oh diba, di na'ko tinawag na bespren.Sapakin ko kaya 'to para matauhan.
"Oh?" 'yun lang sinagot ko.
"Nakamove-on kana ba talaga?" yan lang pala tinatanong niya eh.
"Oo,bakit?"
" Hindi mo na ba siya mahal?"ang easy ng mga tanong niya ahh.
"Oo naman" I said a matter-of-factly.
"Kesi....s-si" naputol na sabi niya ng may tumawag sa kanya."Wait lang bes ha" kinilig ang bruha? Hmmm smell something fishy.
Bumalik naman siya agad at parang ang saya niya."Boyfriend mo?" deretsang tanong ko.
"Grabi bespren,walang padalos-dalos?" Tinaasan ko siya ng kilay " A-ah h-hindi noh! 'No ka ba! Kaibigan ko lang 'yun" kaibigan? Eh namumula nga ang bruha.Pero support naman ako sa love life niya. Iniintay ko lang na sabihin niya kung sino ang ipapakilala niya sakin.
"Whatever" sabi ko nalang at nagpout na naman siya." Di ka cute kaya 'wag kang ngumuso diyan"
"Sama mo huhuhu. Pero seryoso bespren wala ka talagang nakitang gwapo doon?" pagsinabi ko ba sa'yo titikom yang bibig mo? Ay Hindi bahala ka.
"Wala" sabi ko nalang at humiga.Humiga din ang bruha.
"Sana makakita ka talaga ng para sa'yo bespren" aww how sweet. Salamat bes kasi Andito ka palagi. Thanks sa lahat-lahat.
"Thanks" sabi ko
"Bespren?"
"Oh?"
" I wonder kung bakit ang tipid mong magsalita eh mayaman naman kayo"laglag 'yung panga ko.Kala ko seryoso 'yung sasabihin niya.Watdapak!
"Linaaaaaaaaaa!!!!" mabilis siyang tumakbo sa baba.Buti at tumakbo siya dahil kung hindi baka ihulog ko siya sa dagat at ipakain sa piranha.
"Hahahaha" ayun rinig ko parin ang tawa niya. Tss, bruha talaga. Makatulog na nanga.Goodnight everyone.