Chapter ng buhay

1 0 0
                                    

"Hoy! Prinsesa,gumising kana!" nagising ako sa ingay ng buwisit na lalaki na 'yun.Bahala siya,at ang aga pa kaya it's 5:30 in the morning at saka sa bahay tulog pa ako nitong mga oras nato.

Oo.Pumayag akong maging maid ng mokong na 'yun at halos isang linggo na ako dito at isang linggo rin ang nakalipas na kinakawawa niya ako. Ano bang kasalanan ko sa kanya para pahirapan niya ako? Huhuhuhu ang dadali lang kaya ng trabaho mo.Magluluto ka sa kanya ng pagkain araw,tanghali at gabi pero diba sabi niya every night lang daw ako ang magluluto,eh anong anong nangyari?Ugghh tapos ikaw ang magdadala ng mga gamit niya sa school,ikaw ang gagawa ng mga assignments at projects niya,ikaw ang bibili ng mga gamit niya at marami pang iba.Oh yan ba ang tinatawag mo madali? At halos napagkamalan nga kaming magnobyo eh kasi daw palagi kaming magkasama pati na si Rift at sinabi ko naman sa kanya ang totoo.


At ang gago,enjoy na enjoy sa pagpapahirap sakin at tawang-tawa pa siya nung mapagkamalan kami ng mga estudyante na magnobyo.At ako naman pulang-pula na sa hiya at inis. Kevin and me? Gross.

Tumutulo na ba ang bubong ng bahay ni Kevin? Kasi parang may mga patak ng tubig galing sa.......napabalikwas ako at tama nga ang hinala ko, ang nagpapa bad mood ng good mood ko.

"Sabi ko na eh,gigising ka rin hahaha" bipolar talaga 'tong lalaki  na'to ever.Minsan nakangiti,minsan naman malungkot,at worst minsan walang emosyon. Ano nga kayang nangyari? Simula nung umalis ang parents niya ay naging ganyan na siya.

"Stop fantasizing me" babatuhin ko sana siya ng unan pero madali siyang nakalabas.

"Ano?! Hoy Mr. Villanueva! Hindi kita pipapantasyahan noh! Mas gusto ko pang pinapantasyahan si Rift kesa sayo!" alam kong nakalabas na siya kaya nilakasan ko talaga ang pagsigaw ko. " kala mo naman kung sinong gwapo.tssss kainis! "



Natapos na ang daily rituals ko at pagsisilbihan ko pa ang mokong na yun.

"Ito na po ang pagkain niyo MAHAL na PRINSIPE" diniinan ko talaga para mabwisit siya.

"Salamat naman katulong ko" asar na sabi niya.

"Meet your sarcasm MAHAL na PRINSIPE" kumain na rin ako.


"Oh ba't ka dito kumain?"


"Eh alangan naman sa kwarto mo" pangbara ko


"Katulong kita diba? At di pwedeng magkasabay ang Prinsipe at ang katulong"

"Aish! Kainis!"  padabog kong kinuha ang pagkain ko at dun kinain sa kusina. "Kainin mo na rin pati lamesa mo!" and he just smirk.


"Bwisit na lalaki 'yun!" andito ako at naghahanap ng masasakyan. Ang akala ko kasi isasakay ako ng mokong na yun hindi pala.At ang hirap pala ng ganito hindi ako sanay maging independent halos nakadepende lang ako sa parents ko. Pero kahit mahirap na-eenjoy ko naman siya pero bwisit nga lang ang amo ko. At mukhang uulan pa,hayst! wala pa naman akong dalang payong.

Grabi, ba't ang malas ko ngayong araw.Basang-basa na ako,bakit wala pang dumarating na jeep. Giniginaw na ako,lumilinga-linga ako pero wala akong makitang masilungan. Hays buhay ng poor.Napaupo nalang ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginaw.Lalo pang lumakas ulan. Niyakap ko nalang ang sarili ko pero bakit walang tumutulo na ulan sakin,napatingin ako sa kanya.

"Itong gamitin mo muna para di ka lamigin.Iuuwi muna kita sa bahay para makapagpalit" andito kami ngayon sa kotse niya.

"Salamat"

Tahimik lang niya ako hinatid sa bahay.

"Magbihis lang ako para makapagpalit ng uniform" sabi ko sa kanya.Kelangan ko pading pumasok noh

"No. You should rest"

"Ano ka ba! Wala naman akong sakit at saka magpeperform tayo ngayon sa P.E" paliwanag ko

"You're so stubborn, Anna." malamig na sabi niya. Kahit ganyan siya sakin masaya pa din ako dahil alam kong concern siya. "at ano namang ngini-ngiti mo diyan?"

"A-ahh k-kasi....paki mo ba!" change topic ko. "Sige pasok na'ko" parang ang sakit ng ulo ko.

"Okay ka lang?" nilingon ko siya at nginitian. And all went black.

"Annaaaaaaaaa! Shit!shit!" napamura nalang si Kevin

Kevin's POV:

Stubborn. Gaya ka parin ng dati,Anna.Hindi ka nakikinig,wala kang focus.At halos mabaliw ako sa nangyari sa'yo kanina.

Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka. At sana umayon ka sa mga plano ko. I could hurt you but this is the best for you.

Pangalawa nato,Anna. At hindi nato mauulit.At sana makikilala ko na sila.Ang mga taong aagaw sa'yo sakin para lang sa mga sarili nilang hangarin.

Tandaan mo,Anna. Ipaglalaban kita hanggang nabubuhay ako.Hindi ko hinahangad na maangkin ang pagmamahal mo pero sapat na sakin na maging masaya ka at ligtas.

Sabi ko noon sa'yo 'I will be your boyfriend but not just like that. I want to be your Knight and shining armor becoz I want to protect you from them.' pero iba ang mahal mo kaya kahit na masakit binigay kita sa kanya para maging masaya ka at maging ligtas dahil kung sakin ka mapunta mapapahamak ka lang. Pero ngayon pinagsisisihan kong sumuko ako sa'yo,Anna. Hindi na kita pakakawalan but I will just hurt you a little,kelangan ko paring maging cold sayo.


I'm Inlove With The Unexpected GuyWhere stories live. Discover now