First day of June. First day of school. At late na naman ako.I'm not good in mornings eh.
Bahala na.First day pa naman. Pababa na'ko nang kotse ko nang may humablot sa kamay ko.
"K?" si Kevin kasi 'yung kaibigan ko din at 'yung manliligaw ko din noon pero binusted ko dahil si Aljun ang pinili ko eh.
"Miss mo'ko?" ngumisi pa ng nakakaloko ang gago.
"Miss mo your face" inirapan ko siya.Di parin nagbabago ang gago.
"Gusto mo kasi ng kiss eh" tinaasan ko siya ng kilay.
"Sapak gusto mo" malamig kong sabi.
"Sabi ko nga Tara na" hinigit na niya ang braso ko para pumasok na kami.Dito kasi ako nag-aaral ngayon sa University of Mindanao at Grade 11 kasi naabutan ako ng K-12 program.
"Anna,anong track ang kinuha mo?" Oo nga anong track nga ba? Kinuha ko ang white na papel sa bag ko at binigay sa kanya."Wow! Destiny talaga tayo,Anna. STEM rin ang kinuha mo? At sa B8 ang room natin.Haha" tawa pa niya.
Pumunta na kami sa sinasabi niyang room namin. Oo, STEM ang kinuha ko. Ewan ko, wala naman akong pakialam sa math eh sa science meron. Bahala ka math di tayo friends.
Mukhang marami-rami narin ang nasa loob ng room. Umupo nalang ako sa likod. Ayoko sa unahan,pagpyistahan lang ako dun.Buti at tahimik 'tong gago na'to.Tumabi din kasi siya sa akin.
"Tahimik mo?" tanong ko.
"Oyy concern siya" ngumiti ng abot langit ang loko. Cute naman siya pero kaibigan lang talaga eh.
"Another sapak? Gusto?"
"Hehe joke lang naman Anna" nagpeace sign pa.
"Tsss!" Buti nalang dumating na ang professor. Salamat para hindi ako mabored. Ang bruhang bespren ko, asan na 'yun? Speaking of the witch. Ayan na may kasama siya? Kasama niya si- may kasama siyang beast.Magkatabi din silang naupo? Wow ha di man lang niya ako tinabihan, ako ang bespren niya.Tsss! Bahala nga siya. May isa pang vacant seat ang natitira dito sa likod. Siguro sumobra ang upuan.
"Goodmorning students" sabi ni Prof.
"Goodmoring Sir" Sabay naming sabi.
"Okay,I am your adviser this semester. So I hope we are all okay of that" tumango-tango naman kami. "So first day of school, gagawin natin ang nakaugalian natin. We should introduced ourselves in front but instead of introducing ourselves. Pipili kayo nang gusto niyong partner at sasabihin niyo sa kanya ang mga personalities niyo at siya ang mag-iintroduced sa inyo.Got it?"
"Yes sir" we said in unison.Sino pa bang pipiliin ko eh ang gagong 'to. Ang bruha kasi nakipagpartner sa beast na 'yun.Tumingin ako sa kanya at timigin din siya with a look of what-are-you-needing-for?. Aba! Ang gago meron na palang partner. Bahala siya,I don't need him. Mag-isa nalang ako. Magsusulat na sana ako nang pangalan at mga favorites ko. When he grabbed my paper,Aish! Bastos ah!kukunin ko na sana sa kanya at laking gulat ko...
"Ikaw?" hininaan ko na ang boses ko.
"Partner tayo" w-wut? why is he here? Tanga ka ba. Nag-aaral din. Tsssss!
"Maghanap ka!" taray kong sabi.Ayoko siyang makapartner noh.Ang bongga niya naman. Pero binigay niya 'yung paper niya sa'kin.I give him a look anong-gagawin-ko-dito?
"Introduced me" laglag panga ko.Shit lungs ha. Di ko siya pinili na maging partner. Grrrr.Cool na cool lang siya at nag-eearphones pa. Anong klaseng estudyante 'to.
"And last but not least?...Ms & Mr..." tawag sa'min ni Prof.
"Hoy!" tinawag ko siya. Aba naman! Tulog si kuya. Hayst! Di ka gigising ah.