Drake's POV
"Hayaan mona pare. May tamang oras den jan sa pagmamahalan nyu." Sabi sakin ng pinsan kong si Benj habang tina-tapik tapik ang braso ko.
"Pero hindi ko hahayaang maagaw sya sakin ng iba." Sabi ko. Alam ko kasing ipapakasal sya kay Adrian.
"Wala na tayong magagawa pare. Ni si Shirley nga na papakasalan di makaalma,edi ikaw pa kaya." Sabi nya. May punto sya pero hindi talaga ako basta basta sumuko. Nagpaalam nako kay Benj at dumiretso sa kwarto ko.Mahal kong Shirley,
Pasensya na at wala akong magawa para pigilan ang nalalapit nyong kasal. Mahirap para sateng dalawa ang sitwasyon pero maniwala ka sana,hindi ako bibitaw at sana ganun ka den. Hahanap at hahanap ako ng paraan para hindi ka ipakasal sa lalaking hindi mo sinisinta. Mananaig paren ang pagmamahalan natin,tandaan mo yan. Kung ang apelyido lang naten ang pa-parte sa pagmamahalan natin,kaya kitang ipaglaban,kahit sa buong mundo pa. Siya nga pala,wag ka nang iiyak tuwing gabi. Alalahanin mong tuwing patak ng luha mo,parang pinupokpok ang puso ko. Sa ngayon,kailangan na muna naten makinig sa kanila para makahanap ng tyempo. Hanggang dito na lamang binibini. Mahal na mahal kita.
Nagmamahal, Drake.
Sinulat ko yun at tumambay sa puno sa tapat ng bahay nila Shirley. Hindi ako pwede makita ni Senyorita Gigi. Nang lumabas ang katiwala nilang si Marigold,hindi nako nagpaligoy-ligoy pa at agad ko syang nilapitan.
"Ate Marigold!" Sabi ko sabay kalabit.
"Nako Drake. Umalis kana dito. Magagalit si Maam pag nakita ka nya." Nag-aalala sakin si ate Marigold.
"Sandali lamang ho ako. Kamusta napo si Shirley?" Hinila nya ako sa tapat ng puno.
"Ha?? Okay lang naman sya. Malungkot syempre. Kaso wala syang magawa." Sabi nya habang palinga-linga.
"Wag kapo magalala. Lalakad nako. Pakibigay nalang po sa kanya ito." Sabi ko sabay bigay ng sulat.
"O sige. Mag-iinagt ka ha! Juskopo. Bakit ba hindi malayang magmahal ang dalawang ito?" Narinig kong bulong nya.
"Salamat po!" Sabi ko at humangos pagkatapos nya tumango.Habang naglalakad ako,nakita ko ang karibal ko. Si Adrian malamang. -,-
"Bro."Bati nya sakin.
"Di mo kailangan makipag-plastikan sakin Adrian. Hindi naman kita hahayaang makuha si Shirley eh." Sabi ko sa kanya at nilayasan ko."Anak are you ok??" Tanong sakin ni Mama Joey.
"Hindi Ma." Sabi ko. Sa lahat,si mama ang nasasabihan ko ng problema ko.
"Alam kong dahil ito kay Shirley. Kung sa tingin mo,bato ang puso ni Gigi,hindi. Nung unang panahon anak,nung kapanahunan pa namin,matalik ko yang kaibigan. E dahil sa malupit ang nanay nya,pinakasal sa kanya si Alan. Parang yung gagawin nila ngayun kay Shirley at Adrian. Ayaw kase nilang pakawalan ang yaman nila. Simula noon,naging malayo na ang loob namin sa isa't-isa at sumabay pa ang away namin sa lupa. Kaya ayun,nagkalayo na talaga ang loob namin sa isa't-isa at ni kailanman,hindi na kami nag-usap man lang." Nagulat ako sa kinuwento ni Mama. Kawawa naman din pala si Senyora Gigi.
"Grabe Ma.." Yun nalang ang nasabi ko.
"Senyora Joey,pinapatawag po kayu ni Senior Joshua." Sabi nung katiwala namin.
"Oh anak,dun muna ako ha. Tinatawag ako ng papa mo eh." Tumango nalang ako bilang pagsagot. Nang maisip ko nanaman si Shirley,hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Siguro mahal naden nila Senyora at Senior ang isa't-isa ngayun pero iba paren pag ikaw ang namili ng gusto mong makasama ng panghabang panahon..Mas lalong tumitibay ang loob ko. Hindi hindi ko hahayaan na mangyare yun. Ayokong maging malungkot si Shirley sa puder ni Adrian. Gagawa ako ng paraan para magsama kami ng mahal ko.