Shirley's POV
Isang linggo bago ang natatakdang pagdi-dibdib namin ni Adrian,kumatok si Ate Marigold sa kwarto ko at binuksan ko.
"Senyora Shirley. Pinabibigay po sa inyo ni Senyorito Drake." Sabi nya ng mahina ang boses.
"Salamat po Ate Marigold." Sabi ko at nagpaalam na syang ba-baba.Binasa ko ang sulat..
Mahal kong Shirley,
Pasensya na at wala akong magawa para pigilan ang nalalapit nyong kasal. Mahirap para sateng dalawa ang sitwasyon pero maniwala ka sana,hindi ako bibitaw at sana ganun ka den. Hahanap at hahanap ako ng paraan para hindi ka ipakasal sa lalaking hindi mo sinisinta. Mananaig paren ang pagmamahalan natin,tandaan mo yan. Kung ang apelyido lang naten ang pa-parte sa pagmamahalan natin,kaya kitang ipaglaban,kahit sa buong mundo pa. Siya nga pala,wag ka nang iiyak tuwing gabi. Alalahanin mong tuwing patak ng luha mo,parang pinupokpok ang puso ko. Sa ngayon,kailangan na muna naten makinig sa kanila para makahanap ng tyempo. Hanggang dito na lamang binibini. Mahal na mahal kita.
Nagmamahal, Drake.
Nang natapos ko ang sulat,pinigilan kong umiyak. Ayokong masaktan ang puso nya. Masyado na nga deng masakit kung iisipin mo na ako ay ipapakasal kay Adrian. Inantok ako kaya natulog ako.
Pagkatapos ng halos 2 oras na pagtulog,itatago ko na sana sa kahunan ko ang importanteng sulat ni Drake. Nasan na?! Nawala?! Hinanap ko sa kahon,baka sakaling makita ko dun kahit alam ko sa sarili kong wala akong makikita dun kundi ang dating mga bagay na binigay nya sakin. Nasan na ba kasi un?! Hanap dito. Hanap don.
"Kung ito lang ang hinahanap mo,wag ka nang umasa na ibibigay ko sayo ito. At itigil mo na din ang kakaisip kung pano gagawin ni Drake hindi matuloy ang kasal dahil hindi mangyayari iyon." Sabi ni ina habang hawak hawak ang papel sabay nilamukos nya ito sa harap ko at tinapon sa basurahan.
"Ma! Ano bang ginagawa mo?!" Sigaw ko. Ayokong umiyak. Dali-dali kong pinulot ang papel sa basurahan at pilit na tinuwid ito.
"Sige. Bahala kana at kunin mo yan nang may alaala ka naman sa huling pag-uusap nyo ni Drake." Sabi ni ina sabay labas. Anong ibig nyang sabihi--"SHIRLEY!!! SHIRLEY!!" Nakita kong sumisigaw sya sa harap ng bahay at hawak hawak ng mga guwardya. Tila ba,nagwawala sya?
"SHIRLEYY!!!!!!!!" Sa ngayun,mas intense ang pagsigaw nya na para bang pati yung capslock masisira.Gigi's POV
Gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa anak ko na nasasaktan den ako sa sitwasyon. Naipit lang den ako. Sa totoo,boto ako sa pagmamahalan nila ni Drake pero si Alan ang may ayaw. Ayaw nya daw ipakasal ang anak nya sa isang Aquino. Naransan ko ang sakit na ipaSAKAL sa taong di mo iniibig kaya kung maari,ayokong gawin iyon kay Shirley. Pero wala akong magaw--
"Madam madam!! Nagwawala po si Senyorito Drake sa lbas!" Sabi ni Marigold. Hindi nako nagulat sa hatid na balita ni Marigold. Pumunta ako sa terasa para makita kung ano ang nagyare sa pag-uusap ng dalawang mag-irog habang pinipigilan ng mga guards kaya sumigaw ako.
"Bitiwan nyo sya! At hayaan nyo silang magusap!" Sabi ko naikinagulat naman ni Shirley sabay bitaw ng guards. Nakita ko lang na lumuhod si Drake kay Shirley samantalang si Shirley,walang alam. Maya maya,nakita ko sa reaksyon ni Drake ang sakit at galit. May nilabas syang papel mula sa bulsa at hinagis sa harapan ni Shirley sabay alis na. Hindi ko sya masisisi
Drake's POV
Kala ko,mahal nya ako. Kala ko,walang iwanan. Ngunit mali ang lahat ng akala ko. Nang dumating ang sulat kanina ni Shirley,excited na excited pakong buksan. Hindi ko alam na ang laman pala ng sulat na iyon ang magpapaguho sa mundo ko. Sa puso ko at higit sa lahat,ang pagtatapos ng pagmamahalan namin.
*Flashback*
Nakita kong tumatakbo sakin si Marigold na may hawak na sulat. Tuwang tuwa ako pagkabigay nya at nagpasalamat. Umupo ako sa kubo at sinimulan kong magbasa.
Drake,
Ipagpaumanhin mo,pero hindi mo na ako kailangan ipaglaban. Mapapagod ka lang. Hindi titigil ang mga magulang ko hanggat hindi ako napapakasal kay Adrian. Pero sa sandaling nakasama ko si Adrian kahapon,minahal ko na sya. Yung totoong pagmamahal Drake. Napag-alamang ko ding infatuation lang ang nararamdaman ko sayo sapagkat dati na tayong nagkikita kaya kala ko,yun ang pagmamahal. Drake,nagpapasalamat ako sa lahat. Sa pagmamahal,sa pagiintindi mo. Sa lahat ng masasayang memories kasama kita. Sa pagsasama. Drake,maging masaya ka sana para sakin. Hindi man ngayon,di magtatagal,mapapatawad mo den ako at matututo kang magmahal ng iba. Lahat ng sugat may betadine at alcohol Drake. Hindi pwedeng pang-habangbuhay na yang hindi gumagaling. Oo,gumaling man,may peklat paren pero yang peklat na yan ang saksi kung pano ka tumayo nung nadapa ka at pano ka nagpatuloy sa buhay mo. Ng wala ako..Sorry Drake. Pero sya ang mahal na mahal ko. Maiintindihan mo din ako.... Sana.. Hanggang dito lang Drake.
Shirley.
Kaya naman dali dali akong sumugod sa bahay nila para manghingi ng second chance. Lumuhod ako.
"Shirley,isa pang pagkakataon please?? Minahal mo ako diba?? Sabihin mong oo Shirley! 8 years. Sasayangin mo lang?! Please Shirley. Magwo-work out din to,kumapit ka lang." Sabi ko at patuloy na naiiyak.
"Huh?" Tanong nya.
"Please Shirley. Okay lang kahit may kahati. Kahit maliit na parte lang ng puso mo. You mean the world to me Shirley. Isa ka sa dahilan kung bakit nabubuhay ako. Shirley nagmamakaawa ako. Kahit may Adrian kana. Kahit ikasal kana sa kanya,okay na sakin. Basta bigyan mo lang ako ng parte sa buhay mo. PAHINGI KAHIT ONTING PARTE SA PUSO MO SHIRLEY. Kahit Makisiksik pako." Sabi ko. Desperado na ko.
"Ano bayun Drake?" Medyo naiirita na sya pero muka syang clueless.
"Ano bato Shirley?! Nagmamaang-maangan kapa?! Wala ka na ba talagang konsensya?! Ha?! Anong kasalanan ko at sinasaktan moko ng ganito?! Ikaw ang buhay ko Shirley! Hindi mo ba alam ?! Kala koba dati mahal moko?!! Panong nawala agad! Pano napalitan?! Anong kulang sakin?! Hirap na hirap ako Shirley pero di naman ako sumuko. Alam kong nahihirapan ka,pero bakit?! Bakit ngayun ka pa bibigay kung kailan handa na kitang ipaglaban?! Palibhasa kase,siguro dahil andyan na si Adrian di mo na ako kailangan no?! Kahit nagmumuka akong palaboy na namamalimos sa pagmamahal mo okay lang! Titiisin ko para sayo! Kaso hindi mo nagawa para sakin."Sabi ko sabay hagis ng papel sa harap nya at tumalikod.
*End Of Flashback*