D24

212 11 1
                                    

Drake's POV

NAKITA KO SYA. NAKITA KO SYA. Ang babaeng minahal ko at patuloy kong minamahal. Hanggang ngayon. Wala paren syang pinagbago. Napakaganda,napakahinhin,napakabait,napakaayos. Perpekto. Mula nang makita ko sya nung isang araw ay may bumabagabag na sa damdamin ko. Alam kong para akong nagtataksil kay Aryana ngunit hindi ko sya maalis sa isipan ko. Pati narin sa puso ko. Kahit andito paren ang sakit ng nakaraan,nandito paren naman ang tamis ng aming naudlot na pagmamahalan.

"Drake??" May kumatok sa pintuan ng opisina ko sa may bahay namin kaya naman agad kong itinago ang singsing na sana'y ibibigay ko noon kay Shirley.

"A-aryana,mahal." Sabi ko at niyakap sya.

"Mahal,ang anak mo. Badtrip nanaman." Sabi ni Aryana sakin. Ako lang kasi ang nakaka-kausap at nakaka-alam ng mga problema ni Jairus. He's probably papa's boy.

"Sige Mahal,ako na ang bahala." Sabi ko at lumabas na kami ng opisina at dumiretso ako sa garden kung saan itinuro ng isa naming kasambahay ang anak ko.

"What's the problem son?" Tanong ko at uminom ng emperador na pina-serve ko.

"Nothing dad. It's just that---- *sigh* Nothing." Sabi nya at sumimangot ule. Most probably he's jealous. Napangiti ako nang maalala ko noon na nagselos ako kay Benj dahil crush niya noon si Shirley.

"Your jealous. I know it." Sabi ko at di mapigilan ang pag-ngiti.

"What?!!! NO DAD! NO!" Sabi nya at nag-walk out.

Yeah,hindi nga selos. Selos na selos lang. 😏

Shirley's POV

Kumakain kami sa resturant sa may fisher mart nang may biglang banggitin si Adrian.

"Sage baby,sino nga ulet yung ka-close natin? Nakalimutan ko kasi ang pangalan nya. Yung kaklase ng ate mo." Ang tinutukoy ata ni Adrian ay si Jairus. Sya ang lagi naming kausap ni Sage at sya din ang nakausap ni Adrian kanina.

"Si Kuya Jaiwus po." Sabi ni Sage at ipinagpatuloy ang pagkain nya.

"He seems familiar. Right honey? Yung features ng muka nya ay parang kakilala ko." Sabi ni Adrian at nag-isip. Kumalabog ang puso ko sa sinabi nya. Baka malaman nyang anak iyon ni Drake. Pero anong problema? Naka-move on nayun sigurado. Ako nalang ang napag-iwanan. Tignan mo nga't parang di nako kilalala. At soon eh magme-merge din ang kompanya nila.

"B-bilisan nyo nalang kumain,Adrian. Magga-gabi na oh. :))" Sabi ko.

**

Nasa kwarto ako ngayon at nakahanda na para sa pagtulog. Naliligo lang si Adrian. Ayaw ko man,may pumilit sa sistema kong kunin ang bagay na matagal ko nang hindi hinahawakan dahil natatakot ako sa magiging damdamin at reaksyon ko. Kinuha ko ang maliit na box sa cabinet. May mga agiw na ito.. Binuksan ko ito at kasabay nang pagbukas ko dito ay bumuhos ang mga munting alalaa. Alaala nang memorya namin ni Drake. Ang balat ng french fries at tissue ng coke float na pinag-date-an namin dati. Ang petal ng flower na dating fresh na ngayun ay bulok na. Yung mga sulat nya.. Na naglalaman ng damdamin namin para sa isat -isa.

Narinig kong pumihit ang doorknob at mabilis kong tinago ang kahon.

"Tulog na tayo honey?" Sabi ni Adrian at tumabi sa kama.

"Osge. Goodnight." Sabi ko at ngumiti.

"Goodnight at I love you." Sabi nya.

"I-I---I love you too." Sabi ko at pinatay nya na ang lampshade. Bakit parang napakahirap sakin na mag i love you sa kanya??

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon