D5

344 12 1
                                    

Patty's POV

Tahimik akong nakatanaw sa bahay nang mga Bernardo habang nagdidilig sa aming hardin. Nakita ko si Gigi na tumingin sakin pero nag-iwas den agad ito ng tingin. Napabuntong-hininga ako. Hindi na nga talaga mababalik ang dating pagkakaibigan namin. Nakita kong bumaba ang napaka-ganda nyang anak na si Shirley,walang duda na minahal ito ng aking anak na si Drake,maganda,mapagkumababa,mabait. Parehong-pareho sa kanyang ina.

"Anak,kumain ka muna. Ipinaghanda kita ng mainit na sabaw at gatas." Sabi ko at nilapag ko sa lamesita ang merienda ng aking anak. 2 araw na syang nilalagnat.

"Salamat po Ma. Pero mamaya nalang po. Hindi pa ko gutom." Sabi nya at ibinalik ang tingin sa bintana. Sinundan nya ang tingin ng anak. Napa-iling nalang sya. Nasa labas si Shirley ng bahay nila at naka-tingin den sa anak ko pero para bang hangin lang si Shirley para sa kanya.

Masakit na makita na nasasaktan at nalulungkot mo na parehas kayong walang magawa.

Drake's POV

Sa totoo lang,kanina ko pa inaantay si Shirley na lumabas ng kanilang tahanan. Kahit ito na ang huling beses na masisilayan ko sya. Ang alam ko kase,lilipat na sila sa Amerika ilang buwan pagkatapos ng kasal. Masakit,pero kailangan tanggapin na tatanghod ka nalang sa harap ng tahanan ng mahal mo,maghihintay ng pagkakataon,ng oras mo naman para masilayan lang sya. Yung mahal mo na mahal ka pero may pumuputol sa pagmamahalan nayun.

Ayan na ang iniirog ko,lumabas na ng gate. Nawala agad ang init ng katawan ko! Instant. Para bang....hinahanap nya lang ang isang Shirley Bernardo. Tumingin sya saken. Ginawa ko ang aking makakaya upang di sya ngitian. Titig lang,sapat na para mapasaya ako. Tinawag na sya ni Senyora Gigi at sa huling pagkakataon,tumingala ito sa kwarto ko at nagba-bye. Sa pagkakaalam ko,umiyak ito pero bigla nyang pinunasan yung luha nya.

Francis' POV

"Ayos ka lang ba?" Isang tangang tanong ang lumabas sa bibig ko. Paano? Sino ba namang magiging ayos kung paghiwalayin kayo ng mahal mo? -_-

"Ah oo naman." Isang pilit na ngiti ang isinagot nito.

Pinagmasdan nya ang dalaga,kahet maganda ito,malayo paren ito sa dating Shirley na palatawa at palangiti kapag kasama nya si Drake. Mas lalo kase itong gumaganda pag nakangiti. Naka-isip sya ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Kahit masakit,atleast,hindi mabigat sa loob nya na ipapakasal sya sa babaeng kanyang mahal pero di sya mahal.

"Shirley, pag tinanong ako ng pari kung tinatanggap kita bilang aking asawa,hi-hindi ako ha. Para naman maging masaya ikaw." Sabi ko.

"Wag! Okay lang naman ako eh! Chaka pag ginawa mo yun,wala den. Hahanap ng paraan si papa para mapakasal ako kung kani-kanino. Wag lang ang Lagdameo.Chaka magkaaway kami ni Drake eh,hindi naden namin mababalik ang dating pag-iibigan. Mas okay na sayo ako." Sabi nya at ngumiti.

"Sorry." Sabi ko ule at tumango sya at isang pilit na ngiti nanaman ang sumilay sa bibig nya.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon