Chapter 12

5.7K 220 0
                                    

Nagising ako sa mabahong amoy kasama ng pananakit ng buong pangangatawan, basa ang aking buhok at para akong binubuhusan ng sabaw ng isda. Isama mo pa ang mga tawang hindi maganda.

Minulat ko ang mga mata ko at nagdodoble pa ang mga nakikita ko, wala akong ibang marinig kundi ang mga tawa nilang hindi maganda

Nang makabalik sa katinuan ay tantya ko ay nasa isa akong tagong lugar na sila lang ang nakakaalam, malawak ang lugar at puno ito ng kagamitan ng isang mekaniko.

Inikot ko pa ang mga mata ko at bumagsak ito sa mga kilalang mukha. Bakit andito sila Ver at Tom? At ang mas masakit ang makita ang mga sugat at pasa nila sa katawan at mukha, para silang bugbog-sarado at walang kalaban laban.

Magkakalayo kami sa isa't isa. Nakagapos ang mga kamay ng mahigpit at nakabitin kami na lalong nagpapabigat ng nararamdaman namin. Napapaungol nalang ako dahil sa sakit.

"Ang sarap niyong tignan sa ganyang paraan." Rinig ko na boses mula sa aking likuran. Hindi ko nalang yun nilingon dahil kilala ko naman kung kanino ang boses na yon. Ang lider nila.

Napapikit nalang ako. Mga duwag pala itong mga to eh, hindi sila patas kung lumaban, ano naman sa tingin nila ang laban ng tatlo sa siyam? 3 on 1 ba? Napapakagat nalang ako sa labi habang pinapakinggan ang mga masasakit na binibitawan niyang salita.

"Gago ka ba? Bakit hindi ka na makapagsalita ngayon? Asan na yung gang niyo? Buwag na ba?" Pagyayabang nito at pinaikutan pa ako.

Nakatingin lang ako sa baba.
Gustuhin ko mang magsalita ay pinipigilan ko nalang, alam ko naman ang ugali ng mga to eh, mas masahol pa sa hayop.

"Teka teka..."

Napatigil siya sa harapan ko, napahawak siya sa jawline niya at napatingin sa taas na animoy nagiisip.

Wala akong balak na lingunin siya, magsasayang lang ako ng onting panahon eh.

"Hmmm... Sino pala ang binabanggit mong pangalan kagabi?"

Hindi ko alam, wala akong maalala, ang huli ko lang na naalala ay naglalakad kami sa parking area at paggising ko ay nandito nalang ako.

"Storm..."

"Storm..."

"Storm..."

Nagpaulit ulit ang pangalan niya sa isip ko.

Hindi ko akalain na babanggitin ko ang pangalan niya ng bigla bigla. Seryoso ba sila sa sinasabi nila? Baka naman sila daddy lang yun?

Napatingin ako sa kanya ng seryoso, "How do you find his name?"

Hindi ko alam. Basta nakaramdam ako ng masama nung banggitin nila ang pangalan ni Storm. Wag lang nilang isama ang tao dahil hindi sanay sa ganito ang isang yun, at isa pa, baka mas lalo pa niya akong layuan.

"Ikaw ang dapat tanungin namin niyan, san mo nakuha ang pangalan ng lalaking yun?"

Nagpaligoy ligoy ako. Shit! Bakit ko ba sinama ang pangalan niya? Kasalanan ko kung may mangyaring masama sa isang to.

Sa halip na sagutin siya ay tinanggihan ko ang mga tingin niya. Alam kong sinusuri ako nito. Alam niya kung mahalaga para sakin ang isang tao.

Napakagat nalang ako sa labi ko nang hawakan niya ako sa leeg at ianggat ang paningin ko. Naikuyom ko ang aking kamay. Tangina! Gusto kong kumawala dito at paulanan siya ng suntok ngunit hindi ko magawa. Walang kahit anong bagay ang pwedeng makuha para makatakas dito.

Marami pang armadong lalake ang naririto kaya chicken lang sa kanila ang lagutan kami ng hininga.

"Alam mo kung ano ang gusto namin, Montreal."

Napangisi siya ng may kahulugan, binitawan ako at lumayo sakin.

Pera.

"Ilan ba ang gusto mong makuha para tigilan mo na kami ha?!" Pagalit kong tanong habang nagngingitngit ang aking mga ngipin.

"Isang milyon."

Napatingin ako sa seryoso nitong mukha, walang halong biro, walang halong panloloko.

"Seryoso ka ba?"

Madali lang sa kanila ang sabihin pero napaka-lalim kung kukunin namin. Mayaman kami, oo, pero out na si daddy sa mga bagay na yun, hindi ganun kadali ang humiram kay daddy ng malaking pera lalo't wala akong magandang dahilan.

Ano nga ba ang pwede kong idahilan? Ipambabayad ko ng mga utang ko sa bar ni Ver? Eh grabe naman kung 1 million diba? Ipambabayad sa nasaktan ko dahil isa nga akong gangster? Wala akong maisip na magandang dahilan.

"Wala akong--" Pinutol niya ang sasabihin ko dahil siya na ang tumuloy nito.

"Wala kang pera?" Napangisi naman ito. Ano na naman kaya an ipambablock mail niya?

.

.

.

"Pera........ O si Storm..."

Dug








Dug





Dug.....

The Gangster is In Love with his tutor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon