Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, hindi ako makapaniwalang mangyayari talaga to. Totoo ba to? Na ang pagtuturo ko sa isang gangster ay kapalit ng scholarship ko?
Napangiti sakin si sir, "May potential kang bata, para san pa para ipagkait ang oportunidad sayo diba? Don't cry na hijo, mamayang uwian niyo, start mo na siyang turuan." Tinap nalang ni sir ang balikat ko at umalis na nga ako sa opisina niya.
Napagdesisyunan ko naman na hindi na muna pumasok, kailangan kong bantayan ang mama ko ngayon dahil di ako pwede mamayang gabi dahil tuturuan ko nga si Ivan.
Kapag naiisip ko ang pangyayaring yun eh di ko alam kung anong magiging reaksyon ko eh, maiiyak ba, mahihiya ba, maiinis ba o matutuwa ba, ewan, gulong gulo ako ngayon. Pero ang mahalaga eh makakapagaral pa rin ako, kahit gano pa yan kahirap gagawin ko.
Bigla ko tuloy naisip ang sideline ko sa pagkakargador, nakakamiss at some point masaya dahil di na ako magpupuyat gabi gabi dahil meron na rin naman akong bagong pagkakakitaan.
Dumiretso na nga ko sa hospital ni inay na may ngiti na may halong lungkot. Hindi pa huli ang lahat.
Nang andun na ako sa hospital eh andun nga si Rina yung kapatid ni Jonas at yung kapatid ko na binabantayan si mama, yung kapatid ko naman eh ang higpit ng pagkakayakap sa mama ko, habang si Rina naman eh nagbabantay lang.
"Oh kumain na ba kayo?" Tanong ko sa dalawa dahil mukhang gutom ang mga ito.
Nasa parehong edad at lebel na ang dalawang ito, sa katunayan eh kaklase nga sila.
Tumango naman ang dalawa at bumaba ulit ako para bilhan sila ng makakain.
Nang nasa canteen ako eh di ko pa rin talaga maiwasang isipin yung sinabi ni sir Edelfonso, hindi naman sa nagiging choosy ako pero ang pagtuturo eh madali lang naman yan kung iisipin, pero ang turuan ang isang hindi natututo, eh yun nag mahirap!
Nang ibigay na sakin yung kanin at ulam na nasa tray eh inabot ko ang bayad at umakyat na sa taas.
"Oh kumain na muna kayo." Sabay lapag nung tray sa may study table at umupo ako malapit kay mama.
Hinawakan ko ang kamay ni mama at hinalikan ito. "Ma, gising ka na po, magtuturo kasi ako sa gangster na yun eh, ayaw ko dun ma eh." Naluluha habang napapangiti kong sabi kay mama.
"Ma, alam mo ba, magtuturo ako kapalit ng pagaaral ko at pambayad ng bills dito ma." Patuloy sa pag agos ang aking mga luha at ang paghikbi.
Namimiss ko na kasi si mama eh, hindi ko na kasi siya masyadong nadadatnan sa bahay dahil pareho kaming busy, ni hindi ko nga man lang makamusta ang kalagayan ni inay eh dahil sa kabusyhan, nalilimutan ko. Ang sama ko namang tao.
Patuloy lang ako sa pagiyak habang nakatulog nalang ako.
Nagising ako ng mga bandang 6:00 pm na, napasarap ata ang tulog ko dahil sa lamig ata. Andito parin sila Rina at yung kapatid ko na nakatulog na din sa sofa duon, ang pwesto nila eh parang magjowa lang, ang sweet!
Napangiti nalang ako at naalalang pupunta pa pala ako sa bahay nila Ivan, nataranta ako bigla, nagayos muna ako ng saglit at kinuha ang bag ko.
Nagsulat nalang ako ng note para paggising ng dalawa eh mabasa nila, idinikit ko ito dun sa may study table na alagaan si nanay, wag hahayaang magisa at sila din magingat tapos bumili nalang ng pagkain ang isa sa kanila sa bab kapag nagutom.
Ayaw ko kasi malate, gusto ko maaga baka naman makadagdag sa sweldo ko yun hehe.
Dahil nga sa malapit lang naman medyo ang bahay nila dito eh nilakad ko nalang. Nang nasa tapat na ako ng bahay nila eh di ko maiwasang kabahan.
Kinakabahan ako na ewan, basta nanlalamig na ako dito, hindi ko alam kung anong unang gagawin, bukod kasi sa nangyari samin ni Ivan eh makakaharap ko pa yung pinakamataas na posisyon don sa university, ang papa niya! Eh nakakatakot pa naman daw yun kung magalit, siguro sinwerte lang ako kanina na good mood si sir.
Pumunta na ako sa gate nila at hinatid naman ako ng mga guards sa loob ng bahay nila.
Ang laki naman ng bahay nila. Yan ang unang nasabi ko nung nakatapak ako sa loob ng bahay nila, parang umaapak ka sa gintong sahig, sobrang kinis at kintab! Mahilig ata sa kulay gold ang papa ni Ivan dahil kadalasan ng mga nakikita dito eh kulay gold.
Tapos yung mga furniture naman eh sobrang gaganda din, takot akong dumikit sa mga yon dahil baka masanggi ko at mabasag kaya hanggang tingin nalang muna ako.
Umupo na muna ako sa may sofa habang hinihintay ang pagdating ni sir Edelfonso at nung anak niya.
Kinakabahan talaga ako, kung wala lang talagang kapalit ang pagtuturo eh aalis na ako dito, natatakot talaga ako eh, dakilang suplado kasi ang tatay ni Ivan, onting pagkakamali lang ng prof eh pinapatalsik agad niya kahit gano pa kagaling, tapos bihira siya makausap ng kung sino, ewan san ako nakahiram ng kapal ng mukha para kausapin si sir ng harap harapan.
Onting sandali pa eh dumating na nga si sir kasama ang mga body guarda niya.
Napatayo ako bigla at yumuko tapos nakipagshake hands kay sir, para kong ewan, nakipagshake hands na nakayuko.
"Hi there. Meron kang 3 hours para turuan ang anak ko, it depends on you kung sosobrahan mo pa, baka mabigyan kita ng bonus. If you have a question tanungin mo lang ako sa office ko or may reklamo. I'll observe you." Ngumiti sakin si sir at dumiretso na nga sa opisina niya.
Napatingin ako sa may pintuan nila at ilang sandali pa eh nakita ko na si Ivan na naka school uniform tapos naka sweetshirt na pamporma habang suot ang mapanindak niyang mga tingin.
Kinabahan naman ako bigla ng tignan niya ako sa mata ng diretso. Ang cold ng aura niya.
Hindi niya ako pinansin at dirediretso lang siya na siya namang sinundan ko at pumasok na sa kwarto niya.
Inilock niya naman yung pintuan at kumunot nuo ko dahil sa ginawa niya pero dirediretso lang siya sa closet niya at naghubad, tapos nun nagboxer nalang siya at nanatiling nakahubad.
Namula naman ako don sa ginawa niya, wag niyang sabihin na magtuturo ako na topless siya?!
BINABASA MO ANG
The Gangster is In Love with his tutor?!
Teen Fiction"Lahat ng bagay ay pwedeng ipaglaban pero hindi lahat yun ay pwedeng pagpilitan."